"Ako nga mga hampaslupa! Magbigay pugay sa inyong kamahalan—" Hindi na nagawang tapusin ni Rue ang nais sabihin dahil mabilis siyang dinampot ni Raven. Walang mapagsidhan ng galak at pasasalamat nito nang makitang muli.ang nilalang na nagligtas ng kaniyang buhay. "Ahhh! B-bitawan mo nga ako, boy berde! H-hindi ako.makahinga!" sigaw ng Legendary Fairy habang nagpupumiglas sa loob ng kamay ni Raven. Pinakawalan niya ito at dali-daling lumipad palayo ang fairy. "Niyayakap ka lang naman," pagrarason ni Raven na hindi ikinatuwa ni Rue. "Yakap-yakap ka pa riyan. Akala mo naman hindi tayo nagkasama ng matagal, ano!" sagot nito at lumipad na lamang palapit kay Lala na unang nakaalam sa kanila sa pagbabalik niya. "Ito talagang asawa mo, Lala. Naku!!" panggigil nito sa taong hindi agad naku