Rio's Point of View Sa aming paglipad palapit sa namumuong makapal at itim na ulap, doon namin mas nakita ni Rue nang husto kung ano ba talaga ang aming nasa harap. Mula sa kung saan-saan ay may lumilipad paitaas at nakikiisa sa mga naipon na upang sila pa'y mas lalong lumakas. "Tingnan mong maigi, Rio," utos ni Rue sa akin at kahit hindi ko batid kung saan ang kaniyang tinutukoy, napagawi ang aking tingin sa isang parte ng kagubatan kung saan may lilim. May isang nilalang na naroon at balut na balot ang kaniyang buong katawan ng maitim na baluti. Sa layo ng kaniyang kinatatayuan mula sa amin ay hindi ko matukoy kung sino o kung isa ba siyang Celestial dahil sa kaniyang kasuotan. "Siya ba ang kumokontrol sa mga aninong ito?" tanong ko kay Rue. "Sa tingin ko'y hindi. Wala naman akon