"Nakakatuwa ka namang bata. Ginulat mo ako. Paano mo ako nakilala ni hindi naman tayo nagkaharap noong nagtungo kami sa inyo?" anang lalaki matapos ang mahabang pagtawa. "Hindi na natin kailangan pang magkaharap para makilala ngayon dahil presensiya mo pa lamang ay alam ko na kung sino ka," matapang kong ganti habang nagtatagis ang panga. "Naku. . . naku naman, nakapabangis magsalita. Nagmana sa pinagmanahan. Kanino ka ba higit na nagmana, iho? Sa iyong ina ba o sa iyong ama? Balita ko ay higit pa sa tatlo ang taglay mong kapangyarihan, napakadaya naman para sa isang nilalang. Masyadong gahaman!" "Pero h'wag kang mag-alala, pakikinabangan naman natin ang lahat ng iyan nang lubusan at mula sa iyo, magagawa ko na ang matagal ko ng plano! Mula sa iyo, isisilang na rin sa wakas ang libo-lib
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books