Kabatana 1

1258 Words
Nawala na ang tingin n’ya sa akin pero bakit ganito pa rin ang pakiramdam ko. Natapos ang pagpapakilala ay s’ya naman ang nagsalita. “I am Jayden Corpus, but you can call Prof. Corpus,” dumapo ang tingin nito sa akin. “I am taken kaya wag na kayo magtanong." narinig ko ang daingan ng mga estudyante sa loob ng room. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nalungkot. Agad akong tumingin sa libro ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang titig n’ya. Hindi ko gusto dahil kakaiba ang dating nito sa akin. Hindi ko maintindihan bakit ganito. Natapos ang mga paliwanag n’ya ay agad akong tumayo. Nilagay ko sa bag ko ang libro ko. Lumabas kami at tumingin ako kay Alex na nakasimangot. “Taken na s'ya. Sayang…” “Bakit naman magiging sayang?” I asked her. Hindi naman sayang… ewan, pero bakit nanghihinayang ako. Ayoko lang makita ni Alex na magkaroon akong interest sa lalaking ‘yon. Pero ang totoo... sayng nga. He’s my type. He’s twenty six and I am twenty. Six years gap like what I want. Pero wala, taken na. Hanap na lang din ng iba. Pumunta kami sa cafeteria para sa aming lunch. Nandoon na ang mga varsity player na kumakain. Maaga ang naging practice nila at hindi ko alam bakit hindi kasama ang mga pinsan ko at inuuna ang pangbabae. “Leiaaaaa!” Napatingin ako sa mga pinsan ko. Agad ako nitong niyakap habang ako ay umiirap. “Bro, you’re here!” napatingin ako kay Jimz na may kausap na and it was Jayden Corpus. Nakatingin sa rin sa akin ‘to pero pareho kaming umiwas ng tingin. “Cute cute mo. Sana tumaba ka rin tulad ni Bea---” “Lubayan mo nga ako! Naiirita ako!” inis na bulong ko rito pero tumatawa lang ‘to. Landen is grinning like an idiot. Agad akong naglakad papunta sa pila. Tahimik lang ako pumipila habang ang mga pinsan ko ay nasa harapan na. “Gwapo talaga ni Jimz,” napatingin ako kay Alex na nakatitig sa pinsan ko. Napailing na lang ako rito dahil sa halatang gustong gusto nya ‘to. “Sinasabi ko sa ‘yo! Hindi ka papasa d’yan. He’s taken, Alex. Tianna and him are getting married. Hinihintay lang n’ya ang minor na ‘yon---” “Hindi ba gusto lang sa in’yo ‘yon--” “And Jimz wants that,” agad bumagsak ang balikat nito. “Kilala namin si Jimz, kaya nga pag nand’yan si Tianna? Wala na. Namdoon na ang ate'syon n'ya. Sa bahay. Anong pag-aalaga ginagawa n’ya doon? Pumayag na rin si Tito Troy…” “Fine.” Ngumiti ako rito. “Ihahanap na lang kita,” natawa lang s’ya sa akin. Nang kami na ang nasa unahan ay agad akong umorder. Puno ang cafeteria at nakita ko naman ang pinsan ko na kumakaway at mukhang gusto ako paupuin doon. Tumingin ako kay Prof. Jayden, nakatitig ‘to sa akin at hindi ko alam pero bakit ilang beses ko s’ya nahuhuli na nakatitig sa akin. “Doon na lang tayo!” Wala akong choice ng hilahin ako nito. Agad s’yang umupo sa tabi ni Jimz. Umupo naman ako sa tabi ni Landen, bali nakagitna si Landen sa amin ni Prof. Jayden. Inayos ko ang pagkain ko at may dumaan na kumukuha ng tray. Agad kong binigay doon ang tray. “Thanks,” mahinang sabi ko. “Do you want this?” I asked Landen. “No thanks,” agad akong tumango. “Jimz..." agad s’yang kumuha kaya hinayaan ko na lang. Iniiwas ko mapatingin sa kan’ya kahit ramdam kong nakatitig s’ya sa akin. Hindi ko alam bakit ganito? Bakit ba tumititig s’ya sa akin. “Daming tao pag first week ‘no?” Alex said. “Yep,” tipid na sagot ni Jimz. Gusto ko sana matawa dahil doon. Dahil sinusubukan ng kaibigan ko makipag-usap dito. Pero si Jimz ay si Jimz, dahil hindi naman nila papatulan si Alex dahil nandito ako. Ayokong nadadamay si Alex sa kagaguhan nila sa mga babae dahil ako makakalaban nila. Natapos ako kumain at uminom ng tubig. “Sabay ka ba sa amin sa pag-uwi? Sunduin ko mga kapatid natin?” “Hindi na. May bibilhin pa ako,” sagot ko kay Jimz. “Ako sabay!” agad na sabi ni Alex. Pumayag naman sila Landen kaya hinayaan ko na lang. Tahimik na lang ako nakatingin sa cellphone ko. Mas dumami pa ang nandito kaya naman tumayo ako. “Garden lang ako muna. Daming tao ‘e,” paalam ko sa mga pinsan ko. Sumunod din naman sila sa akin. Yakap yakap ni Alex ang braso ko at alam kong nakasunod sila sa akin na tatlo. Hindi ko alam na close pala nila si Prof. Jayden, pero malaki ang gap nito sa amin. Paano nila nakilala ‘to? “Leianna!” napahinto ako sa tumawag sa akin. “Ano? May sagot ka na? Liligawan kita---” “Sorry…” agad na putol ko. “Like what I have said, you're not my type,” sagot ko rito kaya naman napatitig s’ya sa akin. “You are handsome and kind… pero kasi---” “Hindi n’ya type ang lalaking hindi n’ya ka- age!” natatawang sabat ni Leianna kaya sinamaan ko s’ya ng tingin. “O-Okay,” napatango na lang ako rito. Hinila ko na si Alex habang natatawa. Tumingin ako sa lalaking binasted ko na nakatingin pa rin sa akin. He’s handsome naman talaga… pero hindi ko talaga type. Hindi ko alam kung kailan ko s’ya magiging type. Hindi talaga… parang ang hirap. “Nanghihinayang ka?” napatingin ako kay Prof. Corpus dahil sa kinausap ako nito. “N-No, Prof. J-Just… I don’t like hurting pero parang nasaktan ko s’ya,” napalunok ako saka tumingin na sa daan. Naupo kami sa Garden pagdating namin doon. Agad kong binuksan ang tubig ko at saka uminom. Hindi naman kalayuan ‘to sa business building namin kaya pumayag na rin sila at dito? Sariwa hangin kahit tirik ang araw. “Grabe. Sa tuwing kasama kita bakit lagi na lang may lalaking lumalapit?"hindi ko pinansin kayabangan ni Jimz. “Sinasabi mo ba na naakit ang mga lalaki dahil sa ‘yo?” natatawang sabi ni Landen dito. “Gago, hindi!” natatawang sagot ni Jimz. “Kasasabi mo lang ‘e!” sagot namain ni Prof. at hindi ko alam bakit bumilis t***k ng puso ko. “Kaya wala kayong mga jowa ‘e!” sagot naman ni Landen. “Ano naman?” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Prof. Corpus. Hindi ba? He’s taken. Kaya bakit gan’yan s’ya mag-react. “Akala ko ba may jowa ka?” Alex asked him. Kapal ng mukha magtanong akala mo close sila ni Prof. Napailing na lang ako sa kakapalan ng mukha ng kaibigan ko pero wala naman akong magagawa dahil literal na gan’yan s’ya. Feeling close pero maasahan mo. “Sinabi ko lang ‘yon dahil ayokong tanungin ako ng ka-blockmate n’yo,” he said. “Single rin kaibigan ko!” tumingin ako rito at sinamaan s’ya ng tingin. “Sabi ko nga hindi s’ya available." natatawang sabi nito kaya umirap ako. Tumayo ako dahil oras na para bumalik sa building. “San ka pupunta?” Landen asked me. “Cutting. Katamad pumasok,” agad kong sinuot ang bag ko at saka nagsimula maglakad. “What?! Sama ako---” humarap ako rito. “Mag-aral ka. Bakit sasama ka?” inirapan ako nito kaya naman tumalikod na ako saka nagsimula na maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD