Tahimik lang ako naglalakad at wala na sumunod sa amin. Agad akong dumiretso sa gate. Dahil wala naman akong sasakyan ay pumara ako ng taxi. Agad ko sinabi address ng mansion namin. Ang gusto ko na lang ay matulog nang matulog dahil inaantok ako.
Kaya pagdating ko sa bahay ay gulat si mommy na makita ako. Agad kong nilapitan ang aking pinsan na si Levi. Dalawang taon na ‘to habang nakanguso, may hawak na pala at mukhang maghuhukay na naman.
“Hello, baby. Where’s ate?” I asked.
“Ate is inside entertainment room with Ate Alliyah,” agad akong dumiretso doon pagkatapos ko ‘tong halikan.
Binuksan ko ‘yon at nakita kong nakakumot pa ang dalawa habang nanonood ng horror.
“Wala pa ba kayong pasok?” I asked them at napatili sila.
“ATE!” sabay nilang sigaw kaya natawa ako.
Agad kong niyakap ang dalawang prinsesa ko. Hinalikan ko sila sa noo at saka tumingin ako sa kanila.
“Bakit nandito kayo? Wala ba kayong pasok?”
“Next week pa ako,” sagot ni Alliyah dahil nasa grade eight na s’ya habang si Lavi naman ay nasa grade three na.
“Ako rin!” sagot ni Lavi sa akin.
“Where’s mom and dad?” I asked.
“Hacienda!” sabay nilang sagot kaya natawa ako.
Hinalikan ko sila pareho sa labi saka lumabas. Si Levi ay nandoon sa sofa at nanonood sa youtube ng pagtatanim. Gusto ko na lang matawa dahil sa nahihiligan nito.
Ayaw n’ya makisama sa mga kapatid n’ya dahil nga sa mga hilig n’ya. Hindi mo rin s’ya makakausap kung hindi tungkol sa mga tanim. Para bang papakasalan na nito ang mga tanim n’ya sa hacienda at mas uunahin n’ya pa ‘yon kaysa sa mga babaeng nakaaligid sa kan’ya.
Umakyat na ako ng hagdan. Si mommy naman ay sa kusina lang ‘yan. Dahil wala naman si Tita Bella at Tita Ellie, si Tita Lailana naman nasa hacienda kaya s’ya ang magluluto. Ako naman ay pumasok sa kwarto ko saka pumunta sa laptop.
Binuksan ko agad ‘to at tinignan ang mga e-mail na nandoon. Napahikab ako dahil kailangan ko na naman tignan ‘to.
“Check it for me, anak.”
I rolled my eyes. That was the subject of Dad’s e-mail. Kaya wala akong choice kung hindi buksan ‘to. Tinignan ko ang mga schedule ko. Sana lang wag ipasa sa akin ni daddy ang mga meeting n’ya dahil ayoko! Nakaaantok sa conference room plus mga matataanda pa mga tumitingin sa akin.
Minsan nga gusto nila ireto sa akin ang mga anak nila na hindi naman ako interesado. Wala akong oras para sa mga bagay na ‘yon.
“Oh gosh! Two meetings? Usapan namin once a day lang ha?” naiinis na sabi ko.
Agad kong tinawagan si daddy at agad naman nitong sinagot.
“Once a day lang hindi ba? Pero bakit dalawa bukas, daddy? May pasok kaya ako!”
“Leianna, baby. Hindi ba kailangan mo masanay sa gan’yan. Dahil sa pag-graduate mo ay isasabak na agad kita rito para hindi ka na maging pamilyar pa."napairap ako sa mga palusot nito.
“Kahit na, dad. Busy ako, I am freaking third year college---”
“Your mouth!” napapikit ako dahil sa inis ko. “I will make up to you, okay? Your mouth, Leianna.”
“K. I love you,” agad ko ‘tong binabaan at hindi na hinintay ang sagot nito.
Inayos ko ang presentation ko sa Lopez University. Gusto ko maging maganda ‘to and may points din ang creativity sa powerpoint. Kaya tahimik ko lang ‘to ginagawa at tinignan ang ibang design sa canva.
Copy paste na lang gagawin ko and I’ll save it as picture. Para picture na lang mismo ilalagay ko sa powerpoint tapos nakaayos pa. Mahirap kasi gumawa sa powerpoint minsan at wala pang magagandang design.
Sobrang mura ang pro! Magagamit mo na lahat ng design kaya wala ng problema sa akin. Mabuti na lang pumayag ang Professor namin sa individual dito.
And late pa dumating ang isang Professor namin which is Prof. Jayden Corpus. Isang linggo na simula ang klase pero ano? Ito? Ngayon lang nagpakita.
“Leianna,” napatingin ako sa pinto. “Bumaba ka na. Anong oras na. Hindi ka pa rin nakakapagpalit ng damit?” napatingin ako sa suot ko.
Tumingin ako sa oras at doon nakita ko na almost seven na pala.
“Dad is here na?” I asked my mom.
“Yep. He’s waiting for you. Minura mo raw s’ya?” tumingin ako kay mommy.
“No. He’s lying. Why would I?” natawa lang sa akin si mommy. “I’ll just change. Susunod na ako, mom.”
Agad ‘to lumabas at kumuha ako ng damit sa closet ko. Pero inisip ko na maligo na lang muna at bahala sila maghintay sa akin. Magutom sila, bahala sila. Kaya naman naligo na ako. Syempre, babae ako kaya mabagal.
Narinig ko pa ilang katok sa kwarto ko.
“Go away, Landen!” sigaw ko at isang malakas na katok pa ang narinig.
“I am f*****g hungry! May bisita ako!” inirapan ko lang ‘to.
Pinatuyo ko na ang buhok ko. Wearing an oversize dress. Hanggang sa ibabaw na tuhod ko ‘to at mamaya na lang siguro ako magpapalit. Mas okay ‘to dahil may bisita pala sila Landen. Natapos kong patuyuin ang buhok ko ay lumabas na ako.
Agad akong dumiretso papuntang hagdan at bumaba. Pumasok ako sa dining area at lahat sila ay nakasimangot.
“Ang tagal mo!” naiinis na sabi ni Kaia na akala mo maluluha na.
“Sorry, baby. Nag-shower ako,” nakangiting sabi ko sa kan’ya. “Dad, anong sinasabi mo na minumura kita?”
“Ha? Na-misheard yata ako,” I rolled my eyes.
Doon ko lang napansin na nandito pala si Prof. Jayden. Nasa tapat ko pa s’ya kaya naman mabilis akong umiwas nang tingin dito.
“Anak, he’s Jayden Corpus and I heard he’s your Professor?” tumango ako kay daddy bilang sagot ko.
Nagsimula na sila kumuha ng pagkain sa gitna. Kahit narinig ko pagalit na boses ni mommy ay walang pumansin dahil sa gutom sila.
“Well, may convention kasi kayo pupuntahan. Two days lang naman ‘yon…” napahinto ako saka tumingin kay daddy.
“Daddy!” inis na tawag ko rito.
“Sige na, anak. Two days! Walang pasok ang Monday n’yo hindi ba?! I’ll give you a digits.”
Natawa si Landen dahil doon. Inirapan ko ‘to at saka nagsimula na akong kumain.
“I already book a room for us,” napatingin ako kay Prof. Jayden. “Well, magkatabi tayo ng room--”
“Okay.”
“Don’t be rude. He’s your Professor, Leianna.”
“I am not rude. Blame dad,” mahinang sabi ko.
“Just one, okay? Promise, baby---”
“I don’t believe in your ‘I’ll make up to you.’”
Natawa sila sa sinabi ko. Napuno nang tawanan ang hapagkainan dahil sa pambabara ko kay daddy. At hindi ko rin alam bakit ganito na lang ang kaba ko dahil sa titig ng isang lalaking ‘yon.