" "Ano nang yare?" tanong ko sa kanya. "Let her. Malaki na s'ya." napatango nalang ako dahil medyo seryoso ang boses nya. Hinawakan nya ang isang kamay ko at nag simula na umandar ang kanyang kotse. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na. Sumulyap s'ya sakin ng isang beses, napangiti na din ako dahil don. Nang nakarating kami sa bahay ay nandon nanaman si Renz. Si Simon na dapat ay uuwi na ay pumasok muna sa loob. Hindi na ko kumain kasabay nila Ina dahil kumain na kami ni Simon. Nanood nalang kami ng Tv na dalawa at hindi pinansin ang presensya ni Renz. Marami akong tinatanong kay Simon tungkol sa pinanonood naming dalawa at panay naman ang sagot nya. May pahalik halik pa s'ya sa ulo ko habang nanonood kaming dalawa. "Hindi ka pa ba hinahanap Simon sa inyo?" napatingin kamin