Mabilis lang dumaan ang araw, ang bawat na na 'yon ay lagi kong kasama ang aking pinakamamahal na si Simon. Masaya kaming dalawang papasok at uuwi. Tuwing biyernes ng gabi at sabado ay kela mama at papa kami natutulog na nakasanayan na namin. Ang dalawang babaeng narinig ko noon sa banyo ay pinaalis sa University na 'to dahil sa mga lumalabas sa bibig nila. Lalong naging maingat ang mga estudyante sakin na unti unti kong hindi nagugustuhan. Gusto kong umakto sila ng normal na tulad ng napapanood ko. Pero sa bawat estudyante na makakasalubong namin ay lahat yumuyuko na para bang takot na takot. Na para bang nay nakakahawa akong sakit kung lumayo sila. Isa ako sa nag boluntaryo na mag aayos sa isang covered Gym. Pinagalitan ako ni Simon nang una pero wala din syang nagawa dahil sa kagus