"LABAS NA LAHAT!" Mabilis nag lakad ang mga ka blockmate ko papunta don. Kahit ako ay sumunod na sa kanila, sa pag labas ko ay pumila din ako gaya ng pila nila. "SINO HINDI MARUNONG LUMANGOY?" Malakas na tanong ng aming guro. May iba't ibang estudyante din dito na pumunta. Mga naka uniporme sila pero nag si upo sila sa mga upuan sa bandang taas. Hinanap ng mata ko si Simon at nakita ko syang nakatingin sakin. Nakatingin din s'ya sakin sabay ngiti. 'I love you.' 'I love you too.' Tumingin na ulit ako kay Guro habang nag papaliwanag. Hinati kami sa labing anim na grupo bali sa isang grupo ay dalawa. Hinintay kong lumapit sakin ang lalakeng ka grupo ko. Pero pumasok sa isipan ko kung sino ang ka grupo ni Simon. Pinanood ko s'ya nag lalakad habang nakangiti sakin, bumusangot naman ako.