Nang mabili na namin 'yun ay pumunta kami sa isang dulong upuan. Pinag hila nya ko ng upuan at nilagay sa harapan ko ang isang styro at tubig. Ang akala ko uupo sya pero bigla syang umalis. Tinignan ko ang pag kain sa harapan ko at maya maya lang ay umupo na si Simon sa harapan ko na may dalang cake.
"Wow."
"Gusto mo?" mabilis akong tumango sa kanya. "Kumain ka muna ng kanin at bibigyan kita."
Mabilis kong binuksan ang stayro. Sinimulan ko agad kumain sa harapan n'ya, tumingin ako sa kanya ng nakangiti. Mabilis lang kami parehong natapos at ininom ko na ang tubig ko. Kinuha ko ang cake na dala nya at tinikman ito pero hindi ko s'ya nasarapan.
Ayoko ng masyadong matamis. Pero paborito ko ang mga tsokolate dahil madalas akong uwian ni Ina non. Kahit bumibili sya ng cake ay di ko kinakain dahil madali akong mag sawa.
"What's wrong?"
"Hindi masarap." Inubos ko ang tubig na hawak ko pero parang kulang 'yon. "Simon, akin nalang tubig mo." mabilis nyang binigay sakin 'yon.
Mabilis kong ininom 'yon at sya naman at tinikman ang cake. "Masarap nga e."
"Ayoko n'yan." sagot ko sa kanya.
"Masarap, promise." mabilis akong umiling sa kanya.
Natawa sya ng mahina at pinisil ang pisnge ko. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at ngumiti sa kanya ng matamis.
"EHEM!"
Napatingin kami sa gilid namin at nakita ko sila Saimon kasama si Angel. Gaya na lagi kong nakikita, mag katabi ang dalawa habang ang kamay ni Saimon ay nasa bewang ni Angel.
"Hello." bati ko sa kanila.
"Hi Snow White." mabilis umupo tabi ko si Davin habang si Raj naman ay sa kabila. Napapagitnaan akong dalawa habang si Simon naman ay dumilim ang tingin sa di ko malaman na dahilan. Tumingin ako kay Saimon at Angel na umupo sa malayo samin.
"Yung tingin mo Simon Funtabella."
"Mag ingat ingat ka sa galaw mo Davin Aragon."
Napatingin ako kay Raj na tumawa ng mahina. Napahinto sya sa pag tawa at tumingin sakin na nakangiti. Tumingin ako kay Davin na nakangisi kay Simon pero si Simon ay masama parin ang tingin samin.
"Si Christian ba ilang taon?" tanong ko sa kanila. "Ang cute cute nya kasi."
"Kasing age nya lang si Sakenah."
"Ba't parang ang liit nya." nag tatakang tanong ko.
"Rhaine asking me if pupunta daw ba kayo mamaya kela Ninong Gabriel para bisitahin sila Riel and Riella?" napatingin ako kay Saimon.
"Sino sila Riel at Riella?" tanong ko sa kanila.
"Mga kinakapatid naman." napatango ako sa kanila.
"Oo nga pala. Raj di ko nakikita si Sai? Hindi na ba sya mag aaral?" may halong pang aasar na tanong ni Davin kay Raj.
"May alam ba ko sa kanya? I don't care about her."
"Sus! Alam lang namin nainlove ka kay Probinsyana e." pang aasar din ni Simon dito.
Nagulat ako sa biglang pag hampas ni Raj sa mesa at napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako kay Raj na nanlilisik ang tingin na nakatingin kay Simon.
"M-Mag kaaway ba kayo?" kinakabahan na tanong ko.
"Enough, Raj. Babae lang 'yan wag mong sasaktan ang pinsan mo dahil lang sa babae." napatingin ako sa lalakeng nag salita.
Hindi ko s'ya kilala, pero may kasama syang isa pang lalake sa tabi nya na pareho ang suot na uniporme na suot nila Raj. "Ate, replyan mo daw si Daddy. Naiinis na sa'yo e."
"Ow! Saimon, where's my phone?" mabilis na tanong ni Angel kay Saimon.
"Patay ka nanaman Saimon kay Tito Lyricko!" pang aasar ni davin dito.
"Gago wag ka nga d'yan. Baka malaman pa 'e." ngising sabi nito.
"Babaero?" sabat ko sa kanila. "Ano 'yon?"
"And who is she?" tanong ng isang lalakeng sakin na kasama nung tumawag kay Angel.
"She's our Snow---|"
"f**k you, Davin!"
"Shhh! Bawal mag mura, Simon." natawa si Davin at kahit si Raj ay natawa din dahil sa pag babawal ko.
"I-I'm sorry." ngumiti ako at tumango.
"Ako si Sena."
"Who's your boyfriend?" tanong agad ng lalakeng tumawag kay Angel.
"Si Simon." nakangiting sabi ko at humalhak sila Davin dahil sa sagot ko.
"Ohhh. My name si Angelo and this is my little brother Anjoe. Kapatid kami ni Angel Lira na katabi ni Saimon."
"Hiii!" masayang bati ko at tumayo ako.
Hinawakan ko ang kamay nya at ginaya ko para makapag shake hands kami. Ganon din ang ginawa ko kay Anjoe.
"Okay, time is up."
Napatingin ako kay Simon at mabilis na lumapit sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na palayo don. "Bye bye."
Nag pahila na ko kay Simon hanggang makalabas kami ng Canteen. "San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Mag uusap tayo."
Nag pahila ako sa kanya kung san nya ako gustong dalin. Napapatingin naman ang bawat estudyante samin dahil sa pag hihila sakin ni Simon.
Sa isang lugar kung san maraming bulaklak ako Dinala ni Simon at di ko maiwasan lapitan ang mga 'yon. Ang mga bulaklak na ito ay madalas kong makita na Tv na ang tawag ay Rosas, puro rosas ang nandito at sobrang gaganda pa.
"Mag uusap tayo, Sena."
Mabilis akong lumayo sa bulaklak. Umupo si Simon sa damo at sumunod naman ako. Pero mas nagulat ako ng humiga s'ya at hinila nya din ako pahiga sa tabi nya. Ang kanyang braso at naging unan ko at pareho kaming tumingin sa taas.
"Ano pag uusapan natin?"
Tumagilid ako sa kanya at di ko maiwasan mapangiti dahil sa bango ng kanyang amoy. Mas nilapit ko pa ang muka ko sa kanya at inamoy amoy s'ya. "Ang bango mo." natatawang sabi ko.
"Pag ba may nag tatanong sa'yo kung sino boyfriend mo ako at sinasagot mo?" nakatingin sya sakin habang tinatanong 'yon.
"Oo, bakit? M-Masama ba 'yon?"
"Hindi. Gusto ko lahat ng mag tatanong sa'yo sabihin mo Simon Alvarez Funtabella tapos pag may mag tanong sakin kung sino Girlfriend ko? Sasabihin ko Sena Rodriguez."
"Alam ko yang Girlfriend, Babaeng kaibigan dito?" manghang sabi ko. "Sige!"
"Dahil mag boyfriend/ girlfriend na tayo, dapat wag ka mag papahawak sa kamay, okay? Lalo na pag lalake? Pero pwede naman babae, hahawakan ka nila sa kamay. Tapos bawal ka din mag pakiss sa pisnge sa noo at lalo na dito." bigla nyang tinuro ang labi ko. "Pwede babae." napatango ako sa kanya. "At ako.."
"Ikikiss mo ko dito?" turo ko sa labi ko.
"At ako lang ang pwedeng gagawa non? Kahit sino bawal."
"Edi dapat ikaw din. Bawal ka din nilang i kiss dito." natawa s'ya ng mahina.
Lumapat ang kamay nya sa bewang ko habang nakangiti sakin. "Oo, bawal." nilapat ko ang kamay ko sa pisnge nya. "Bawal ka makipag usap sa lalake kung hindi importante. Bawal ka sumama sa kanila na walang paalam sakin."
"Kailangan pag aalis ako dapat sabihin ko sa'yo?" tumango sya sakin. "Pag di ko sinabi?"
"Magagalit ako sa'yo, gusto mo 'yon?" mabilis akong umiling at ngumiti sya.
"Ayokong magalit ka sakin."malungkot na sabi ko.
"Kaya lagi mo kong susundin ah? Tapos lagi din kita susundin. Sasabihin ko sa'yo lahat ng ginagawa ko at ganon din ikaw."
"Sige po."
Mabilis nya kong niyakap ng mahigpit at hinalikan ako sa noo.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko ng halikan nya sa noo at para bang ang saya saya ko sa mga pinag usapan namin. Niyakap ko sya ng mahigpit at sinubsob ko ang muka ko sa dibdib nya.
Tumagal kami ng isang oras na ganon ang ayos namin. Hindi pa sana sya hihiwalay sakin kung hindi sinabing nauuhaw ako. Tumayo kaming pareho at binuhat nya ang bag ko. Nag lakad kami pabalik sa canteen para bumili ng maiinom. Pinili ko ang softdrinks at binigay nya sakin 'yon. Nag lalakad kami papunta sa building namin habang umiinom na softdrinks at ang isang kamay nya ay nasa bewang ko.
"Meron pa pala akong sasabihin sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Pag tinatanong nila kung ano ang boyfriend o girlfriend sabihin mo mahal natin ang isa't isa." kumunot ang noo ko at napatango nalang ako.
"Bakit kailangan pa sabihin 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Para hindi ka mapahamak."
"Ohh, dapat pala."
"Verygood. At sabihin mo sakin pag may umaway sa'yo."
"Ikaw ang super hero ko?" masayang sabi ko pero umiling sya.
"Ako ang prince charming mo."
Mabilis ko syang niyakap at natawa sya ng mahina. "Walang bawian 'yan ah? Sabi mo 'yan ah!"
"Oo nga po."
Hinalikan nya ako muli sa noo at saka pumunta kami sa unang subject namin sa tanghali. Pareho kami nakaupo sa dulo at mag katabi. Pareho din kami nakikinig sa guro namin na paliwanag ng paliwanag.
Humikab ako at saka tinignan ang oras sa relo ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinip sa pag papaliwanag nya.
"Oh bago matapos ang klase, gusto ko lang sabihin na lahat ng Varsity ng basketball? May pratice kayo mamayang five pm."
Sinarado ko na ang kwaderno ko at saka nilagay sa bag ko. Lumabas na ang aming guro at kami naman ni Simon ay tumayo na para lumabas. Ngayon alam ko na kung san dapat ako pumupunta. Nang malaman namin wala ang aming guro. Pinag pasyahan ni Simon na ilibot ako sa buong University.
"Ang laki ng library pero wala naman tao." nag tatakang tanong ko.
"Hindi ko din alam e. Pero dumadami ang tao dyan pag malapit na ang exam." napatango ako sa kanya.
Pumunta kami sa volleyball team na nag lalaro. Nanood kaming dalawa ni Simon don pero hindi namin tinapos at sunod naman na pinuntahan namin ay ang nag pra practice na pep squad na nakasuot sila ng maiikling short at hapit na hapit na damit sa katawan. Pansin ko din na panay ang tingin nila sa pwesto namin. Nakaramdam ako ng inis dahil parang nag papansin sila kay Simon. Nang tumingin ako kay Simon napangiti ako na sakin sya nakatingin.
"Alam mo ba ang Varisty ng basketball?"
"A-Ah oo, bakit?"
"Five pm na ibig sabihin pratice na nila."
Napatingin sya sa relo nya. "Ay s**t! I forgot!"
"Your mouth!"
Bigla nya kong hinalikan sa noo. "I'm sorry, Snow White. Let's go there."
~