Ikaapat na Kabanata (1)

1453 Words
Boyfriend/Girlfriend - "Sigurado ka ba anak na maayos na ang pakiramdam mo?" "Opo, Mama. Maayos na maayos na po." nakangiting sabi ko. "Kakaiba ang ngiti ah? Sige pumasok ka na. Mahuli ka pa sa klase mo e." Mabilis akong humalik sa kanyang pisnge at tumakbo palabas. Pumasok agad ako sa traysikel na sundo ko at umandar ito. Kahapon, hindi ko matantya kung gaano ako kasaya. Kasama ko ang mga bago kong kaibigan at inabot sila don hanggang hapunan. Sabay sabay kaming kumain lahat sa isang mesa at nag tatawanan. Kahit nahihiya ako ay pilit akong nakisabay sa kanila. Hindi ko aakalain na mag kakaroon ako ng maraming kaibigan sa unang araw ng klase ko. Tapos mababait at maiingay pa sila, kahit may kaartehan ay masasabi kong sobrang swerte ko. Hinayaan kami ni Ina na mag sama sama kami sa isang silid at nag uusap. Kung hindi pa antukin si Rhaine ay hindi na sila uuwi. Hinatid naman sila ni Ina sa labas at nandon ang kanilang Van. Hinalikan ako nila Diana sa pisnge bago umalis pero nang hahalikan ako ni Davin ay nakatikim sya ng kutos kay Simon at si Simon ay humalik saking noo. Nag tawanan silang lahat habang paalis sila. "BYE! BYE!" Sabay sabay nilang sabi at kumway ako. Nang makarating ako sa University ay mabilis akong pumasok sa loob. Inayos ko ang buhok at nag lakad na papunta sa building ko. Alam ko kung san una kong klase dahil tinuro sakin ni Simon 'yon ng unang araw. Pero paiba iba ang schedule ko pero ang schedule ko sa monday at miyerkules ay iisa. "Diba s'ya yung nasa i********: ng magpi - pinsan na babae na katabi ni Simon sa upuan?" "Oo s'ya 'yon." "With Snow White pa nga nalagay." Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap about kay Snow White pero umirap sila sakin. Napayuko ako at nag dire diretso nalang papunta sa building ko pero muntik na kong madapa dahil sa babaeng hinarang ang kanyang paa sa dinadaanan ko. Tumingin ako sa kanya pero nginisihan nya lang ako. "Snow White? Ilang gluta sinaksak mo sa balat mo?" natatawang sabi nya. "Nag papanggap na inosente para mapalapit sa mga magpi - pinsan?" napaantras ako dahil may nilabas syang gunting sa kamay nya. "Gupitin ko kaya buhok mo?" Nag tawanan ang mga nanonood samin dahil sa pag-antras ko. "S-Sino ba kayo?" natatakot na tanong ko. "W-Wala naman akong ginagawa sa in'yo ah?" "Lumalapit ka sa magpi- pinsan? Para ano? Gamitin mo sila." "GOLD DIGGER!" Sigaw nilang lahat sakin at tinulak ako ng babaeng nasa harapan ko. Napahawak ako sa pwetan ko dahil sa sakit na pagkatama ko pero hindi ko sa sahig pero di koininda. Kinagat ko ang ilalim na labi ko para pigilan ang pag tulo ng luha ko. May humawak sa mag kabilang kamay ko at nag simula ng mag tuluan ang mga luha ko. "W-Wag po." pagmamakaawa ko pero tinawanan lang nila ako. "Kawawa naman si Snow White, inaapi." "ANONG GINAGAWA NYO?" Biglang silang lumayo sakin dahil sa isang malakas na sigaw ni Angel. Tumingin sya sakin at mabilis akong inalalayan patayo. "Ba't ba nangingielam ka dito Angel?" naiinis na tanong ng babae. "At anong pakielam mo Ryza?" Naalala ko s'ya. S'ya yung babaeng kaklase ko sa isang subject na namahiya sakin noong unang pasok ko. Pinunasan ni Angel ang luhang tumutulo sa pisnge ko. "Wag kang masyadong pakilamera dito Angel Mendez, kaya ka lang matapang dahil kasama mo an----" "Simula ngayon, hindi ka pwedeng pumasok dito." Napatingin kaming lahat sa nag salita at nakita ko si Simon. Lalong tumulo ang luha ko at tumingin s'ya sakin. Lumapit sya sakin at pinunasan ang luha kong patuloy na tumutulo. "W-what? You can't do that, Simon. I'm the one of daugther of shar----" Humarap si Simon sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. "Then, I will schedule our meeting." malamig na tugon nito. "Angel, Call our mommies and tell them about this" "Okay." nakangiting sabi ni Angel. " And you Davin? Call your dad dahil may kakasuhan tayo. Tawagin mo na din lahat ng daddy natin para pag usapan sa meeting ang pag tanggal ng ama nito." "Easy." Mabilis nilang tinapat ang cellphone sa mga tenga . "Akala mo ba matatanggal mo nalang bigla bigla kami dito?" "Alvarez, Funtabella, Mendez, Smith, Parker and Aragon? You think, Ryza? Kilala mo ba 'yan lahat?" bigla itong namutla. "Kayang kaya naming gawin kayong pulubi sa isang iglap lang." "MAG BABAYAD KAYONG LAHAT!" Mabilis itong tumalikod at nag lakad palayo samin. Humarap sakin si Simon at pinunasan muli ang luha kong tumutulo sa pisnge ko. "Ayos ka lang ba?" nag aalala nitong tanong. "M-Masakit ang pang upo ko." sabi ko sa kanya. "LAHAT NG MAY VIDEO? BURAHIN N'YO YAN AT PAG MAY NALAMAN AKONG NAG UPLOAD NYAN? ALAM NYO NA ANG MANG YAYARE SA INYO." Sigaw ni Saimon sa mga ito. "Tara punta tayong clinic." "M-May klase na." "Masakit yung pang upo mo 'diba?" "Kaya ko naman e." ngumiti ako sa kanya at pinunasan nya muli ang muka ko gamit ang kamay nya. "Okay, tara na." Kinuha nya ang bag ko at sya na mismo ang nag buhat nito. Nag lakad na kami palayo sa lugar na 'yon at pumunta sa unang subject namin. Nang dumating ang Lunch ay pansin kong ilag sakin ang mga estudyante. Lahat sila ay hindi ako pinapansin at para bang hindi ako nakikita. Hindi ko maiwasan mag taka dahil don, nung unang araw ko pinag titinginan nila ako. Tapos ngayon? Wala na. Bakit kaya? Siguro mas ayos na din ang ganon kesa naman tinitignan nila ako at bigla nalang ako mahihiya. Inipon ko ang buhok ko at nilagay lahat sa likod ko. Tumingin ako sa relo ko na bigay ni ina para sakin at tinignan ko kung anong oras na. "Nainip ka ba?" tanong ni Simon sakin. "Wala pa naman sampong minuto akong nag hintay." sagot ko sa kanya. "Ano nang yare sa loob?" "Pinaalis na ang daddy ni Ryza. Sinabi namin lahat ng pinag gagawa ng anak nya at mas pinili nalang nila na ilipat si Ryza sa states pero patuloy parin naman kasosyo ni papa ang daddy ni Ryza." napatango ako. "Bakit kailangan pa lumipat ni Ryza? Pwede naman sya dito ah?"nag tatakang tanong ko. "Marami na kasi syang binubully dito at ginagamit nya kapangyarihan ang pamilya nya." napatango ako. "Bakit ano ba powers nila?" tanong ko sa kanya. "H-Huh?" "Powers? Kapang yarihan? Diba?" "Tara na nga. Kumain nalang tayo." natatawang aya nya sakin at nag kibit balikat nalang ako. Mabilis nya kong inakbayan at nag lakad kami. "San tayo kakain?" tanong ko sa kanya. "Sa Canteen." "Ano 'yon?" napahinto sya at tumingin sakin. "Kainan 'yon dito. May iba't ibang tinda don, malaki 'yon at maraming nag titindan don at sigurado akong magugustuhan mo." "Talaga?" mabilis syang tumango sakin at hinalikan ako sa noo. "Bilisan natin!" masayang sabi ko. Hinawakan nya ko sa kamay at mabilis na hinila papunta sa lugar na 'yon. Malapit sya sa isang park, parang park kasi ang katabi nya dahil may iba't ibang malalaking puno dito. Di lang 'yon dahil may upuan na bato at mesang bato dito. Maraming estudyanteng kumakain don at di ko maiwasan mapangiti dahil sa ganda ng lugar na 'to. "Tara na sa loob." napatingin ako kay Simon at tumango. Nang pumasok kami sa loob ay lalong lumapad ang ngiti ko. Malaki sya at nasa gilid lahat ng mga nag titindan habang sa gitna naman ay ang mga mahahabng mesa na mag kakadugtong. Punuan pa ang loob. "San tayo pwe pwesto? Wala naman ng pwesto tapos mahahaba pa ang pila." sabi ko sa kanya. "Ano ba gusto mo?" tanong nya sa akin. "Kanin gusto ko para may lakas ako mamaya." nakangiting sabi ko. "May dalawang oras pa tayo bago mag simula ang klase." "Kaya nga tara na." Hinila na nya ako papunta sa unang stall at hindi na sya pumila pa. Basta pumunta sya sa unahan at di ko maiwasan matakam ng makita ko ang naka styro na kanin na may chicken adobo, kanin na may beefsteak at kanina na may friedchicken. "Eto gusto ko." turo ko sa kanin na may chicken adobo. "Then, dalawang order nga nito." Inuna nila agad kaming pag bilan at kinuha n'ya yon pareho. Mag babayad sana ako pero agad nya kong pingilan. "Ako na mag babayad." "Eh may pera ako." sagot ko sa kanya. "My treat." kumunot ang noo ko at saka hinila na ko paalis don. Pumunta kami sa isang tindahan na may mga tinda na juice, soft drinks at mineral. "What do you want?" "Water." normal na sagot ko. "Dalawang mineral water po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD