Ikatlong Kabanata

3006 Words
Sex ~ "Sena! Sena! Swimming tayo!" Mabilis akong tumayo sa sigaw ni Diana at lumabas. Nakita ko silang lahat na may suot na panty at bra. Ang mga lalake naman ay isang maliit na short lang. "She can't swim." napatingin ako kay Simon na nakatingin sa mga pinsan nya at kapatid. "I dont know how to swim." totoong sagot ko. "Aww! Simon, teach her!" nakangising sabi ni Davin kahit Simon. "Wala akong pamalit." sagot ko kay Davin. "Manonood lang ako." "Kj!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Davin. "Ano 'yon?"  Tumingin ako kay Simon na napakamot ng ulo. "Kill joy, yung gusto ng barkada pero ayaw ng isa. That's called Kj." napatango ako. "Ang galing naman." nakangiting sabi ko. "Bilis na kuya! Kasya sa kanya ang bagong swim suit ko na nasa kwarto!"  sigaw ni Sakenah samin. "Hindi kasya, maliit dibdib mo." pang aasar ni Davin dito at mabilis itong tinulak ni Sakenah pero tawa lang ng tawa. Napatingin ako kay Saimon at Angel na parang may sariling buhay sa dulo ng pool. Nakaupo silang pareho dun habang mag kadikit ang katawan, nakangiti sila sa isa't isa at may pinag uusapan. "Gusto mo mag swimming?" tanong ni Simon sakin. "Hindi nga ako marunong diba?" sagot ko. "I will teach you, then. Follow me, may rashguard ang kapatid ko sa taas pwede mong gamitin." "Rashguard?" "Yun ang dapat ginagamit ng mga babae na pang swimming lalo na kung nasa public places sila.  Ayon dapat ang gamitin mo." "Sige." Mabilis akong humawak sa braso nya at kinahinto nya. Tumingin sya sakin na para bang gulat pero ngumiti lang ako sa kanya. Naglakad kaming dalawa papuntang hagdan ay umakyat kami pareho. Pumasok kami sa ikatong silid at binuksan nya ang isang cabinet. Umupo ako sa kama at hindi ko maiwasan matuwa dahil sa sobrang lambot nito. "This is my room when i'm here. " napatingin ako kay Saimon. "Sobrang lake naman. Halos tatlong ulit ng lake ng kwarto ko ang kwarto mo."  manghang sabi ko. "Here."  Lumapit sya sakin at binigay ang rashguard na kulay black. Kinuha ko 'yun at ngumiti ako. "San ako pwedeng mag palit?" "Lalabas nalang ako. Tapos sabihin mo sakin pag tapos ka na?" "Sige sige." Naglakad sya palabas ng kwarto nya at ako naman ay sinimulan ko buksan ang uniporme ko. Inipon ko ang buhok at pinaikot ko sa taas para matali. Hinubad ko ang aking skirt at saka na sinuot ang rashguard. Nang matapos ako sa pag bibihis ay tinupi ko ang uniporme ko. "Simon." tawag ko at agad bumukas ang pinto ng kwarto nya. Napatingin sya sakin at nakita ko ang pag lunok nya. Bumaba ang tingin nya sa hita ko at mabilis na umiwas ng tingin. "T-Tara na." Humawak ulit ako sa braso nya at nag lakad kaming sabay palabas.  "Sobrang haba ng buhok mo." "Oo. Si Mama kasi." nakangiting sabi ko. "Nang hihinayang daw s'ya." "Bagay naman sa'yo." "Salamat." Nang makababa kami ay binilisan ko ang lakad ko palabas. "Ay! Ba't rashguard?" dismayang sabi ni Diana. "Two piece din!" "No." "Tsk! Kj ni kuya Simon!" sigaw ni Sakenah. Bumitaw na ko kay Simon at nag punta kela Diana. Umupo din ako sa tabi nila at nilagay ko ang paa ko sa tubig.  "Napakaganda talaga ng balat mo." napatingin ako kay Rhaine. "Paanong alaga ang ginawa d'yan?" dugtong pa nya. "Si mama, umaga maliligo ako ng tubig pero sa gabi gatas na." napatango sya sakin. "Tapos kailangan hindi ako masyadong mag pa araw, mabilis kasing mamula ang balat ko pero pag nasa araw ako sumasarap pakiramdam ko." "Oo nga oh." Nag simula ng mamula ang leeg ko dahil sa araw pero hindi ko 'yun inindan.  Nag talunan na sila Sakenah, Rhaine at Diana habang nagpa - paunahan silang pumunta sa kabilang dulo. Tumabi naman sakin si Simon.  "Tara?" Mabilis bumaba si Simon at kinuha nya ang kamay ko. "Dahan dahan lang." Sinunod ko naman ang gusto nya at mabilis akong napayakap sa leeg nya dahil sa takot. Hindi ko maramdaman ang sahig sa paa ko. Kaya naman mahigpit akong yumakap dito.  "B-Bakit di ko maramdaman ang sahig sa baba?" natatakot na tanong ko.  "Kuya, namumutla si Sena." Napapikit ako dahil sa sobrang takot. Mabilis akong binuhat ni Simon pahiwalay pero hindi ako bumitaw sa leeg nya. Nakapikit lamang ang aking mga mata habang mahigpit ang kapit sa kanya. Hanggang sa dumulas ang kamay ko sa balikat nya pero hawak nya ang maliit kong bewang. "Sena, Sena. Look at me." dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. "Trust me, Hindi kita bibitawan Sena. Maging matapang ka para matuto ka." "P-Pero natatakot ako." nanginginig na sabi ko. Dumikit ang likod ko sa isang pader at hinawakan nya ang kamay ko para ilagay don ang kamay ko. Pinaharap nya ko dun pero hindi nya parin inaalis ang isang kamay nya sa bewang ko.  "Hindi ka matututo pagnatakot ka." Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at kumapit don. Tinaas nya ang katawan ko pero nanatili ang kamay ko don. "Ngayon ipadyak mo ang paa mo, o kaya ganito.  Kinuha nya ang isang paa ko at tinaas hanggang pumunta sa gitna ko. Tatlong beses nyang inulit 'yon. "Parehong paa mo ang igaganyan mo ah?"  Tumaas ang kamay nya sa tiyan ko at ginawa ko ang sinasabi nya. Unti unti nyang binitaw ang kamay nya don at lumayo sakin pero patuloy parin ako sa ginagawa ko. Huminga ako ng malalim at dahan dahan bumitaw sa kinakapitan ko at ginawa ang pinagagawa nya sakin pero nagulat ako ng hindi ako lumulubog. Napatingin ako kay Simon na nakangiti at di ko maiwasan napangiti ng sagad. Mabilis akong lumangoy papunta sa pwesto nya at niyakap sya. "Nagawa ko! Nagawa ko sya!" "Wow!" napatingin ako kay Davin. "Biruin mo? Di pa umabot ng twenty minutes ay nagawa mo na?" pumalakpak pa ito sakin. "Marunong na ko lumangoy." masayang sabi ko. Nang matapos ang pag swi swimming namin ay pinaahon na kami ng mama nila. Isa isa kaming binigyan ng towel ng mga kasambahay at pinunasan ko ang sarili ko. Umupo ako sa isang bakal na umupuan na kulay puti at namahinga. Hinilot ko ang braso ko dahil sa nakakaramdam na ko ng pangangawit don.  "Masakit?" napatingin ako kay Simon na may dalang makulay na inumin o mas tinatawag na Juice. Tinanggap ko 'yun at ininom. Kinuha nya ang braso ko at hinilot 'yun ng hinilot. "Ang pula ng muka mo." Hinawakan ko ang muka ko at inabot nya sakin ang cellphone ko. Tinignan ko ang itsura ko dun at natawa ako ng mahina. "Para akong kinulayan." natatawang sabi ko. "And you're still beautiful."  "Ayieeeeeeeee." Napatingin ako kela Saimon na pinanonood pala kami at may mga dalang cellphone. "Let's selfie." Aya ni Rhaine at umupo sya sa tabi ko.  Ngumiti ako sa Camera. Ilang shot din 'yon at sumunod naman si Sakenah na umupo sa tabi ko na ganon din ang ginawa. Sunod naman ay si Angel pero sumama si Saimon sa picture namin. At ang huli ay si Diana pero gumitna sya samin ni Simon at ngumiti nalang din ako. Nang matapos na 'yon ay nag palit na kami. Binigya nila ako ng under wear na hindi pa nagagamit at sinuot ko muli ang uniform ko. "Ba't kayo nandito sa kwarto namin nila Sakenah?" napatingin ako kela Saimon na mga basa ang buhok tulad namin.  Dahil mahaba ang buhok ay mahabang proseso pa ang dapat kong gawin punasan muna ang tuktok ko bago bumaba. "Ang haba kasi ng buhok mo. Bakit di ka mag pagupit?" "Tatanong ko kay mama mamaya." sagot ko kay Rhaine. "Then sa saturday, let's shopping if you want." "S-Shopping? Ano 'yun?"  tanong ko kay Rhaine na nakakunot ang noo. "Seriously? Where are you from? Even you're from mountain you should know about this." bigla naman ako napayuko dahil sa sinabi nya. Hindi ko naman talaga kung ano 'yun, hindi ko alam kung para san 'yon.  "S-Sorry." nahihiyang sabi ko. "Rhaine, stop it." pag babawal ni Raj dito. "I dont know kuya. Baka nga nag papanggap lang 'yan para mapalapit sa mga Alvarez at satin. You know us right? Kaya lang nila tayo kakaibiganin dahil alam nilang mayaman tayo. Kanina pa ko nag babait baitan pero ayoko na. I'M QUIT!" "RHAINE!" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Eto ba sinasabi ni Ina? Na may mga taong mapang husga kahit hindi naman nila alam ang totoong buhay ko? Pinunasan ko ang buhok ko at palihim pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge ko. Pero sabi ni Ina mas okay na daw sabihin ng tao na ayaw nya sa isang tao atleast alam nya kung paano sya gagalaw na hindi nakaka apekto sa iba. Huminga ako ng malalim at sinuklay ko ang mahabang kong buhok. Nang matapos kong suklayin 'yun at pinusod ko 'yun kahit basa pa. "S-Sena." tinaas ko ang ulo ko at ngumiti sa kanila. "S-Sorry." nahihiyang sabi ko. "Uwi na ko." dugtong ko pa. "Ihahatid ka namin diba?" sagot ni Diana. Mabilis kong tinignan ang darili ko. "W-Wag na."  Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan si mama. "Oh? Uuwi ka na ba?" yun agad ang bungad nya sakin. "Mama alam mo ba kung san 'tong Alvarez?" tanong ko sa kanya. "Oh? Anong ginagawa mo dyan?" hindi nya makapaniwalang tanong. "Sa mismong bahay ba?" Kinuha ko ang bag ko. "Opo, Mama. Sunduin mo ko." pag lalambing ko. "SIge sige! Hintayin mo ko sa harapan ng gate ah?"  "Opo. Mag iingat ka, Mama." Mabilis kong pinatay ang tawag at tumingin kela Simon. Bumukas ang pinto at may batang pumasok, masasabi kong parang pinaka bata sya dito. May pumasok pa na mas batang babae at isang kasing edad ng lalakeng kapapasok lang. "Who is she?" malamig na tanong nito sakin. Masasabi kong nasa dose anyos palang ang dalawang lalake at ang isang batang babae naman ay nasa pito o walong taon. "Tian, Chase, Chasey, ano ginagawa nyo dito?" tanong ni Saimon sa tatlo. "Nanonood ng Kdrama?" pabalang na sagot ng isa.  "Sino ka?" tanong ng batang babae sakin. "Para kang si Snow white, puti puti mo." lumapit sya sakin at hinawakan ang balat ko."Wow! Snow White does really exist." hindi nya makapaniwalang sabi. "S-Si Sena ako." sagot ko sa kanya. "You're so pretty. How old are you? Sino boyfriend mo sa kanila?" Boy friend? Diba 'yun yung lalakeng kaibigan. Edi si Simon ang boy friend ko?  "Si Simon." nakangiting sabi ko. "H-huh?" napatingin ako kay Simon. Tumingin ako kay Simon na namumula ang pisnge. "He's blushing!" natutuwang sabi ng bata. "Ako si Chasey!" pakilala nya sakin . "H-hi." "Alam mo ba ang ibig sabihin ng boyfriend?" tanong sakin ni Davin na tumatawa.  "Lalakeng kaibigan." sagot ko sa kanya at natawa silang lahat dahil sa sagot ko. Kahit si Simon ay napapailing nalang pero nakangiti parin. Tumingin ako kay Chasey na naka bunsangot.  "I'm Christian and this is Chase." napatingin ako sa batang nasa pinto parin. "Hi." nahihiyang sabi ko. "A-Aalis na ko." ngumiti ako sa kanila ng tipid.  "Baka parating na si mama."  "Ihahatid ka na namin sa gate."  "S-Sige." Inayos ko na ang bag ko at yumukong paalis don. Sinabayan naman ako ni Simon palabas sa kwartong 'yun at nag tuloy tuloy pababa ng hagdan. Nakita ko si Rhaine don at nagtama ang tingin namin pero inirapan lang ako. Padabog itong pumunta ng kusina. "KABADTRIP! MAMA!" Napabuntong hininga ako at napatingin kay Simon. "Sorry, di ko naman sinasadya 'yon." pag hihingi ko ng tawad. "Let her. Hindi mo sya kailangan maging kaibigan."  Hindi ako sumagot. Mas mabuti siguro kung lumayo ako gaya ng sabi ni mama sakin. Oo nga, ayun dapat. Huminga ako ng malalim at naunang mag lakad palabas. Hindi ko na hinintay si Simon at basta lumabas ako ng gate at sumandal sa gilid. Nakaramdam ako ng sakit sa braso ko pati na din sa hita ko. Dahan dahan kong inikot 'yun para maalis ang sakit pero mas lalo syang sumasakit. "First time mo lang ba mag swimming?" "Oo e." nahihiyang sabi ko.  May biglang humintong traysikel sa harapan namin at napangiti ako ng makita ko si mama. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "Mama!" masayang tawag ko. "Oh? Muka kang masaya ah." "Mama, nakapag swimming ako. Ang bilis ko daw po matuto tapos mama, may narinig po akong salita na di ko naintindihan pero pinaliwanag po nila sakin." hinalikan nito ang noo ko at tumingin kay Simon. "Maraming salamat sa pag aalaga sa anak ko." "Welcome ma'am." "Marami kang kwe kwento sakin hanggang sa pag tulog. May masakit ba sa'yo?" "Mama eto po yung braso ko saka hita ko. Masakit s'ya." nakasibi kong sabi. "Mamasaihin mo ba ko mamaya?" tanong ko dito. "Oo. Kaya wag ka ng maglambing." Niyakap ko ulit sya mahigpit at tumingin ako kay Simon. "Maraming salamat." yumuko ako ng bahagya at ngumiti. Pinauna akong ni Ina pumasok sa loob ng traysikel at sumunod sya. Hinawakan nya ang kamay ko at nag salita. "Kaibigan mo ba sya?" "Oo, Ina. Sila po lahat nila Diana pero si Rhaine ayaw sakin e. Kaya diba sabi mo? Pag ayaw sakin ng tao? Layo nalang ako para walang away na maganap?" Bigla akong umatsing pag katapos kong sabihin 'yon. "Lumayo ka na sa kanila, Anak."  "Ayun  naman po talaga balak ko, Mama." Umatsing ulit ako at napayakap sa braso ko dahil sa lamig. "Hindi ka ata makakapasok bukas dahil lalagnatin ka." "Sayang naman." "Sasabihin ko nalang kay Simon na may sakit ka. Binigay nya sakin number n'ya kaya naman sasabihin ko. Mag pahinga ka nalang muna ah." "Opo, Mama." Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dinala ni Ina sa silid ko. Nilinisan nya ko at saka pinatulog. Gising nya ako ng mag hahapunan na, tumaas na ang lagnat ko non kaya naman pinainom na nya ako ng gamot at pinatulog muli.  Naging mahimbing ang pag tulog ko pero nang pag-gising ko ng umaga ay may lagnat parin ako. Mabigat ang buong katawan ko, at hinang hina ako. Pumasok si Ina sa kwarto ko para pakainin ako at uminom ng gamot. Nilinisan nya ulit ako at binuksan ang Tv na binili nya sakin ng isang linggo at nanonood don. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" "Mama ano po ang shopping?" 'di ko maiwasan itanong. "'Yan yung pupunta ka ng isang mall at bibili ka ng damit, sapatos at ibang bagay para sa sarili mo." napatango ako. "'Yun pala 'yon." mahinang bulong ko. "Balak mo ba anak?" "Hindi mo, Mama. Wala naman pong pera para don saka ayos na ko sa damit ko, Mama. Inaya po kasi ako nila Diana kahapon pero tinatanong ko po kung ano ang shopping pero lahat sila nakatingin sakin. Mama, turuan nyo pa ko ng ibang salita sa ingles na di ko maintindihan." mabilis nitong hinalikan ang noo ko. "Pwede kang sumama sa kanila. Bibigyan kita ng pera." mabilis akong umiling. "Ayoko po." mabilis na sagot ko. Sabay kaming kumain ni Ina sa loob ng aking silid, pareho kaming nakangiti at nakatawa kahit masama ang aking pakiramdam. Kinuwento ko din ang nang yare kahapon at kung sino ang mga nakilala ko.  "Pero anak? Mababait na tao ang mga Alvarez ang pamilya nila pero mag iingat ka sa kasing edad mong lalake. Si Simon at Davin mga manloloko sila pag dating sa babae pero pansin ko naman na hindi nila 'yon gagawin sa'yo. Ayoko lang masaktan 'to." turo nya sa kaliwang dibdib ko. "Yung dede ko mama?" natawa sya ng mahina.  "Ang puso mo, Anak." "Bakit sya masasaktan, Ina? Hindi ko maintindihan ang iyong ibig sabihin." "Please, anak. Wag naman masyadong malalim. Nahihilo ako e." natawa din ako ng mahina. "Hindi ko maintindihan ina, bat masasaktan ang puso ko?"  "Malalaman mo din, Anak." Dumating ang hapon ay lumabas na si Ina saking silid upang mag luto ng aming hapunan. Nilipat ko sa ibang channel ang pinanonood ko hanggang sa mapunta sa isang scene na hindi kanainis nainis. "Ano ginagawa nila? Bakit pinag didikit nila ang katawan nila?" tanong ko sa sarili ko. "Make love with me." Ring kong sabi ng lalake sa Tv. Love? Biglang may kumatok sa kwarto ko. "MAMA, MAY TANONG AKO."Sigaw ko ng malakas. "ANO ANG MAKE LOVE?" Bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ko sil Diana, Sakenah, Rhaine, Angel, at ang iba pa. Isa isa silang pumasok at tumingin sa buong silid ko. Ang huling pumasok ay si Simon na may dalang prutas na kasunod din ni Ina.  "Pag pasensyahan nyo na. Maliit lang bahay namin." nakayukong sabi ni Ina dito.  "Ayos ka na?" tanong sakin ni Angel sabay hawak sa noo ko. "Sinat nalang pala." "Oo, salamat." nakangiting sabi ko. "OH DAMN! s*x AT KITCHEN ISN'T FUN?" "s*x?" bulong ko sa sarili ko. "Mama ano yung s*x saka make love?"  "Anak, san mo ba nakukuha yan." mabilis nya kinuha ang remote sakin at pinatay ang Tv. "Masama yang salita na 'yan at wag na wag mong babanggitin yan ah? Pag may nag aya sa'yong lalake sapakin mo."  "Pero masama ang manakit ng kapwa." napabuntong hininga ito sakin. "Nag sisisi akong tinago kita sa silid mo ng ganoon katagal. Sakit mo sa ulo." ngumuso ako at tumingin kela Simon sunod naman ay kay Rhaine na mukang namamangha sakin. Napahiga ako at tinakluban ko ang sarili ko dahil sa hiya. "Anak, mga bisita mo sila. Wag kang matulog." "Nahihiya ako, Mama." totoong sabi ko. "Wag kang mahiya." Hagikgik ni Diana. "Ang ganda ganda mo kahit wala kang ligo."  Narinig ko ang pag bukas ng sarado ng pinto. Unti unti akong umupo at inalis ko ang kumot sa katawan ko. Nakita kong wala na si Ina sa loob ng silid ko. Umupo ako ng maayos at inalis ang kumot hanggang paa ko.  "Lalong naiinlove sayo si Simon, Snow white." "f**k up, Davin!" "Masama mag mura, Simon." pag babawal ko sa kanya at umiwas sya ng tingin. "Ano ang inlove?" tanong ko kay Davin. "Ba't naman sya maiinlove sakin?"  "Oh she's really innocent. Akala ko talaga, hay." mabilis tumayo si Rhaine at umupo sa tabi ko. "Sorry kahapon ah? Marami kasing mga taong nag papanggap na walang alam para lang mapalapit samin at makuha ang yama na meron kami. Akala ko isa ka don, nalaman ko din kay Tita Alena that you're nice girl and innocent. We will take care of you for now on." "Kilala mo si Alena?" manghang sabi ko.  "S-She's my auntie. Tito Craige's wife." "Sya ang una kong kaibigan na guro ko." masayang sabi ko.  "I-I see." "Okay na tayo? Di ka na galit sakin?" tanong ko muli kay Rhaine. "I'm not. I am sorry again. We can be friends now." tinaas nya ang kamay nya at mabilis kong tinanggap.  "Salamat." nakangiting sabi ko. Hindi ko maiwasa mapatitig sa kanila. Halatang malalapit sila sa isa't isa. Sana may ganyan din akong pamilya. Sobrang saya siguro ang may ganitong pamilya. Lalo na halos araw araw magkasama. Napatingin ako kay Simon na nakatitig sa akkin. Mabilis din ito nag-iwas ng tingin sa akin at di ko alam kung bakit. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD