Alvarez FAM
~
"Ina, ako'y kinakabahan."
Lumapit sakin ang aking ina at hinalikan ako sa pisnge. "Asan ang iyong cellphone?"
Mabilis kong pinakita ang cellphone na hawak ko. "Galingan mo sa pag tatalog ah? Wag masyadong malalim, pwede 'yon." mabilis akong tumango.
"Ina yung uniform ko? Bakit ganun?"
"Ayan nga, ganyan. Mas better than you know."
Natawa kaming pareho ni Ina. Ang buong natitirang araw na walang pasok ay sinanay ako ni Ina mag tagalog ng tama na hindi malalim. Kaya naman natuto ako kahit papano. Yumakap ako kay Ina para kumuha ng lakas ng loob.
Ngayon palang ako aalis mag isa, ngayon palang.
At kinakabahan ako ng sobra.
"Gusto mo makulong nalang sa silid mo hanggang mawala ako?" mabilis akong umiling at natawa sya sa pag iling ko. "Kaya dapat kayanin mo mag isa, anak. Tayong dalawa nalang mag kasama at malay mo hanggang bukas nalang ako."
"Ina, wag ka ngang mag salita ng ganyan." napabuntong hininga kami pareho.
"You're third year college at the age of 19, Sena. You should know how to handle yourself and don't trust too much, okay?"
"Yes, mama."
Mabilis nya ulit akong hinalikan sa pisnge at hinati ako hanggang sa labas. Sakto naman na nandon ang traysikel na mag hahatid sakin patungo sa Star University.
Sumakay ako dun at nilagay ko sa kandungan ko ang bag ko. Nag simula ng umandar ang traysikel at ako naman ay tumingin lang sa dinadaanan ko. Nilagay ko sa isang gilid ang mahaba kong buhok.
Nang makarating kami sa star University ay nag pasalamat agad ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sa mataas at malaking gate na may nakalagay na Star University. Umaayos na ang pananalita ko pero wala akong tiwala sa sarili ko.
Masyadong inosente ang isip ko at marami parin akong tanong sa mundo...
"Kinakabahan ako..."
"Then come with me." napatalon ako dahil sa nag salita sa gilid ko. "Ang ganda ng uniform sa'yo. You're beautiful Snow white."
Snow white? Kilala ko s'ya. Isa syang prinsesa na kumain ng mansanas at natulog ng matagal. Ang totoong lalake nag mamahal lamang ang maaring mag pagising sa kanya sa pamamagitan ng totoong halik. Pero bakit nya ko tinatawag na Snow white? At pamilyar sya sakin.
"I'm not Snow white." sagot ko sa kanya.
Mabilis akong tumalikod sa kanya at nag lakad papasok sa loob ng University. Gaya ng una kong pag punta dito. Nakatingin sila sakin at napayuko ako habang nag lalakad mag isa. Tinignan ko ang papel na schedule na sinasabi sakin ni Ina. Hindi ko alam kung san ako pupunta, nahihiya naman ako nag mag tanong.
Bigla akong napangiti ng pumasok sa isipan ko ang opisina.
Mabilis akong nag lakad papunta don at pumasok. Kumatok ako at saka pumasok pero agad ako napaantras ng nakita ko iba na ang nandon. "What do you need?" he asked coldly.
"Where's Ms. Lei?" tanong ko.
"She's not here. You're Sena Rodrigues?" tumango ako sa kanya.
"Your tour guide will be here in five minutes."
Pinaupo nya muna ako sa isang malambot na upuan. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong may mensahe si Ina don. Binuksan ko 'yon at napangiti ako sa nabasa ko.
"Nand'yan ka na ba, anak?"
Mabilis akong nag reply ng oo. Pero wala na akong reply na natanggap. Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napatingin ako don at tumingin sakin ang lalakeng tumawag sakin kanina ng Snow White. Nakangiti ito sakin at ngumiti din ako sa kanya.
"Hi tito!" nakangiting bati ng lalake.
"Ms. Sena, this man." he pointed him." He will be your tour guide for a week. And you, Simon. Tumino ka, kundi susumbong kita sa mommy mo." matigas na sabi nito.
"Tito naman!"
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Let's go Snow white."
"I'm not Snow white." sagot ko sa kanya.
"Yes, you are."
Nauna syang lumabas at nagulat ako ng hawakan nya ang aking kamay.
"Pag ang lalake ay hinawakan ka sa kamay? Ibig sabihin may interest sa'yo yon."
"Ano po ang interest?"
"Interest ay isang pag papakita ng motibo na gusto ka ng isang lalake? Pero minsan nag papakita lang sila ng motibo para manloko."
Mabilis kong hinila ang kamay ko sa lalakeng nasa harapan ko. "D-Don't touch my hand."
"Why?"
"W-we're not friends."
Nauna na kong lumabas at sumunod sya. Nang makalabas kaming pareho ay tumingin ako sa kanya na nakatitig na pala sakin. "S-San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Just follow me."
Tumango ako at nauna syang mag lakad sakin. Iniikot ko ang aking mga mata sa bawat lugar na dadaanan namin. At pansin ko din na may mga babaeng masamang nakatingin sakin at umiwas nalang ako.
Sabi ni Ina pag daw may galit sakin ang isang tao? Dapat ako na ang umiwas para walang away na mang - yari.
"This is our Open Gym."
Pinagmasdan ko ang isang malaking Gym na walang bubong at gawa sa bato. Maraming estudyante dito na nag tatakbuhan at nag lalaro pero napatigil sila ng mapatingin sila sa aming pwesto. "Wala syang bubong, mainit." sabi ko sa lalakeng kasama ko.
"Kaya nga tinawag na open gym pero may cover Gym din naman." turo nya sa katabing Gym na kulay yellow. Mag kasing laki ang dalawang kung titignan pero ang pinag kaiba lang ay ang Open gym ay gawa sa bato at walang kahit anong pintura habang ang Cover Gym naman ay nababalutan ng kulay dilaw may bituin na disenyo.
"Come here, may papakita pa ko sa'yo."
Akmang hahawakan nya ang kamay ko at bigla ko itong tinago. Napabuntong hininga sya sa ginawa ko at naunang mag lakad. Umakyat kami sa isang isang batong hagdan na magaspang hanggang na nasa tatlong baitang lamang.
Napanganga ako ng makita ko ang asul na tubig. "This is Star's Pool."
"Ang ganda...." manghang sabi ko.
"You want swim?" mabilis ako napatingin sa kanya at umiling.
Paano ko ba sasabihin na unang beses ko lang makakita nito? Pool pala ang tawag sa tubig na kulay asul na nakikita sa bahay bahay. Eto ang sinasabi sakin ni Alena at ni Ina. Tapos makikita ko naman daw karagatan o beach sa mga probinsya.
"Kilala mo ba ko?" mabilis akong umiling sa kanya. "Seriously? Are you from province?"
"N-No. Malapit lang kami dito." sagot ko sa kanya.
"Pero di mo kilala?"
"Bakit? Masama bang hindi kita kilala?" tanong ko agad sa kanya na may halong kaba.
Natawa sya ng mahina at umiling. "You really exist in this world. By the way I'm Simon Alvarez Funtabella, I'm the son of owner this University." tinaas nya ang kamay nya.
Ang tawag don ay shake hands, ang sabi ni Alena at ni Ina hindi daw masama ang makipag shake hands sa mga taong nag papakilala.
Mabilis kong kinuha 'yon. "Sena Rodrigues." nakangiting sabi ko.
Nagulat ako ng may bigla akong marinig na ingay. "Simula na ang unang klase."
"H-Huh? Pero di ko alam kung san ako?" sagot ko sa kanya.
"May i see your schedule?"
Mabilis kong binigay sa kanya ang isang papel at ngumiti sya sakin. "Mag kaklase tayo sa lahat ng subject at mukang sinadya ito ng Tita Lei ah."
"Huh?"
"Tara, pasok na tayo."
Mabilis nyang kinuha ang braso ko at hinila pababa ng hagdan. Hinawakan nya ko mabuti pero sobrang bilis naman ng lakad nya. "N-Napapagod na ko." napahinto sya.
"Hindi pa naman kalayuan ang nalalakad natin ah?"
l
"Mabilis akong mapagod." sagot ko agad.
Nung lumabas ako ng aking Silid, pinalakad ako ni Ina ng paulit ulit sa araw pero hindi pa naman ako nakaka limang minuto ay hinihingal ako. Minsan naman ay iniikot nya ako gamit ang kanyang kamay at mabilis akong mahilo. Nang tumawag si Ina kay Alena sabi ni Alena ay mahina daw ang aking katawan dahil sa pag kulong ko saking silid. Kailangan ko daw uminom ng gatas tuwing umaga at bago matulog. Minsan daw pag may oras ako? Kailangan ko daw tumakbo tuwing umaga para daw lumakas ang katawan ko pero lagi akong napapagod kaya naman mas pinipili ko nalang na umupo.
Nagulat ako ng umupo sya sa harapan ko na patalikod sakin. "A-Ano gagawin mo?" tanong ko.
"Ipapasan kita."
"A-Ano yun?" napatingin sya sakin na nakakunot ang noo. "Ano yung ipapasan?" nahihiyang sabi ko.
"Piggy back ride?" napakamot ako ng ulo ko.
Hindi ko sya maintindihan, Ipapasan tapos piggy ride back? Tumayo sya at humarap sakin. Nagulat ako ng buhatin nya ko at ngumiti sya sakin. "Bubuhatin nalang kita."
Mabilis syang nag lakad ako naman ay nakatitig sa kanya.
Sabi ni Ina ang kadalasan daw sa mga gwapo ay manloloko? Manloloko kaya si Simon? Kaya daw pag may gwapong lalakeng gusto ako? Dapat daw pahirapan ko. Kasi makikita ko daw don kung totoo ang pag ibig na 'yon.
Hindi ko parin alam ang kahulugan ng Love o pag ibig. Sa tuwing tinatanong ko si Ina at Alena ay pareho lang sila nakatingin sakin. Minsan sinasabi nila na 'Ako daw mismo ang makakasagot non.'
Pero mag ingat daw ako sa salitang 'yan dahil maari daw akong masaktan ng sobra. Huminga ako ng malalim at saka tinigna ang dinadaanan namin. Lakad takbo na ang ginagawa nya.
"Male late tayo." sabi nya sakin.
"Magagalit ba ang ating guro?" tanong ko.
"Hindi naman siguro. First day palang naman." mabilis akong tumango. "Saka 'yon na ang building natin."
Building...
Napatingin ako sa sinasabi nyang Building. Hini 'yon kasing laki na nakikita ko sa Tv. Hindi 'yon kasing laki ng Alvarez Corp kung san nag tra trabaho ang ina.
Umakyat sya ng hagdan at saka pumasok sa unang silid na. Binaba nya ko sa pinto at napahawak ako sa hita ko. "You're late, Mr. Funtabel----"
"Chill, Ma'am. Si Sena kasi Tinour ko sa loob ng campus at utos ni Tito Craige." nakangiting sabi ni Simon dito.
"So you're the transferee?"
"O-Opo."
"Funtabella, sit. And you? Introduce yourself infront of your blockmates."
Mabilis nyang tinuro ang gitna at napatingin ako sa mga kaklase na ko na nakatingin sakin. Huminga ako ng malalim at nag lakad papunta don.
"I'm Sena Rodriguez, Nineteen of age and from Homeschool."
"So you're home school?" napatingin ako sa aking guro at tumango. "Ganyan na ba talaga ang kulay mo? Sobrang puti mo naman."
Napatingin ako sa balat ko. "Ilan taon kang hindi lumabas?" natatawang tanong ng isa kong kaklase.
"M-Mula bata ako hindi na ko pinalalabas ni Mama." sagot ko sa kanila. "M-may nag tatangka kasi sa buhay ko noon. Kaya ng pinanganak ako ay di na nya ko pinalabas, tinago nya ko sa aking k-kwarto."
Lumakas ang tawanan nila dahil sa kinuwento ko. "Damn! Is she serious?" napayuko ako dahil don.
"Baka nagpasaksak ka lang ng gluta." nag tawanan muli ang mga kaklase ko dahil don.
"Tapos na ba kayo?"
Napahinto ang lahat sa pag tawa dahil sa pag sasalita ni Simon. Tumahimik ang lahat at nag si iwas ng tingin. "Bakit ikaw Ryza? Ilang beses ka nag pa plastic urgery para masabihan ka lang ng maganda?"
"I'm not!" mabilis na sagot ng babae.
"Sa mga makakarinig na sasabihin ko. Pag may nalaman akong binully o sinaktan nyo si Sena, asahan n'yong 'yon na ang huli nyong pagtapak dito sa Star University!"
"Ms. Rodriguez, you may take your sit."
Kahit ang guro na kaninang tumatawa ay natahimik din at mukang kinakabahan. Inikot ko ang mga mata ko para makahanap ng bakante pero sa tabi lang ni Simon ang may roon. Nag lakad ako papunta sa pwesto nya at tinulungan nya pa ko makaupo.
"M-Maraming salamat." nahihiyang sabi ko.
Umupo ako ng maayos at tumingin sa harapan. Tahimik parin sa loob ng room.
"N-Now, our second semester is starting now..."
Patuloy lang ako nakikinig sa harapan hanggang sa may sinulat na sa white board tungkol sa magiging topic namin. Nilabas ko ang isa kong kwaderno at nag simula ko ng kopyahin lahat ng yon.
Sabi ni Ina mas maganda daw mag basa ako ng mga librong konektado sa topic namin sa pag aaral para daw hindi ako mahuli. Bibigyan nya daw ako ng premyo pag ako ang nauna sa aming pagsusulit at 'yun ang gagawin ko. Gusto ko makakita ng karagatan, 'yun ang gusto ko maging premyo ko.
Nang matapos ang una namin subject ay inayos ko ang mga gamit ko. "Tara na sa second subject."
"Sige."
Mabilis kaming tumayo pero bigla nanaman nag bell ng malakas. "W-What was that?" napahawak ako sa dibdib ko.
"We don't have class today, that's the means of bell. The bell in the morning is means 'simula na ang klase' but when the bell rang again in the middle of classes? 'wala ng klase'"
"So? W-Wala ng klase?" tumango sya sakin.
Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag ko at tinawagan ang aking ina. "M-Mama."
"Yes, Anak?"
"Wala na pong klase." dismayang sabi ko. "Ano gagawin ko?"
"You can go home now. By the way you have a friends now?" tumingin ako kay Simon.
"Mag kaibigan na ba tayo?" nagulat sya sa tinanong ko.
"Hey, ano 'yan, Sena?"
"Kasi mama may lalakeng tumulong sakin. Anak sya ng may ari ng university. He helped me po to find my room and he's also my tour guide for a week. Kanina din po may nambully sakin and he protected me. Is he kind?"
"He's kind." napangiti ako sa sinabi ng mama ko.
"Kind ka daw sabi ni mama."
"T-Thank you."
"Mama, uwi na ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw bahala. Papasundo na ba kita dyan?" napatingin ako kay Simon.
"Wag muna, mama. Mag lalakad lakad muna ako para po hindi na ko mabilis mapagod."
"Good. Tawagan mo agad ako pag may nang yareng masama ah?"
"Opo."
"At nasasanay ka na sa normal na tagalog anak. Pag butihan mo ah."
Mabilis pinatay ni Ina ang tawag at tumingin ako kay Simon. "San ka pupunta na?" tanong ko sa kanya.
"I'm going home?" hindi nya siguradong sagot.
"Sige, babye."
Mabiis akong tumalikod sa kanya at nag lakad na pababa ng hagdan. Mas mabuti kung mag iikot ikot ako sa buong university para naman hindi na ko maligaw sa susunod. Nakakahiya na kasi kay Simon baka maka istorbo ako.
Nang makalabas ako ng building ay sinimulan ko na ang pag lalakad. Maraming babae at lalake na tumatawa at mag kakasama. Ako lang ata walang kasama dahil halos lahat sila ay may mga kaibigan.
"Hi." napatingin ako sa babaeng hinarangan ang daan ko. "You're Sena AKA Snow White?"
"Sena lang." sagot ko sa kanya.
"Oh whatever! I'm Diana third year high school, Davin's little sister and this is Rhaine, she's First year hight school. She's Raj's little sister. And this is Sakenah, Simon's little sister." napatingin ako sa mas bata sa kanya at di ko maiwasan magandahan sa ayos nya.
"K-Kilala ko si Simon. Sya ang tour guide ko dito sa University." sagot ko sa kanya.
"What the f**k! My kuya Simon is not a tour guide, He's the heir of Funtabella Corp---"
"RHAINE!"
Napatingin kaming apat sa malakas na boses na sumigaw. Nakita ko si Simon at may kasama na sya na tatlong lalake at isang babae na nakadikit sa lalakeng kamuka nya.
"Hi Snow white." sabay sabay nilang bati sakin...ata.
"Sena po." pag tatama ko.
"f**k up, Davin, Saimon and Raj!"
"Kuya!" mabilis tumakbo ang babaeng cute na ngangalang Rhaine at yumakap sa isang lalake. Ganon din si Sakenah pero lumapit ito kay Simon at niyakap sa bewang.
"C'mon little sister." natatawang sabi ni Davin kay Diana pero umirap lang si Diana.
Bigla ako nakaramdam ng lungkot dahil sa nakikita ko. Wala kasi akong kababatang kapatid na lalake o babae. Kami lang ni Ina ang mag kasama mula noong bata ako. Huminga ako ng malalim at nagulat ako ng may kumapit sa braso ko.
"Tara sama ka nalang sa bahay nila mama." napatingin ako kay Diana na nakangiti. "Ang puti puti mo para kang si snow white tapos bumagay sa'yo ang light make up."
"T-Talaga?" tumango sya sakin.
"Oo. We can be friends, too, if you want." napatingin ako sa babaeng katabi ni Saimon na nakangiti. "Right Rhaine and Sakenah?"
"She's pretty naman so, it's fine." ngumiti na sakin ang babaeng si Rhaine at napangiti na din ako.
"I'm fine, too, kuya Simon."
Mabilis kong niyakap si Diana sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Sila ang una kong kaibigan, sila ang unang nag paramdam sakin ng ganitong saya simula ng makalabas.
May sumundo sa kanila na isan Van na may tatlong upuan at kada isang upuan ay tatlo mag kakasya. Nakagitna ako kay Diana at Simon sa ikalawang upuan habang sa harapan namin ay isang driver at nandon si Raj, isa sa pinsan nila Simon na kapatid ni Diana. Sa likod naman namin ay si Saimon at Angel kasama si Sakenah.
Nag padala ako kay Ina na kasama ako ang mga kaibigan kong babae at pinayagan naman nya ako basta ipakilala ko sa kanya.
"Gusto kayo makilala ni mama." sabi ko sa kanila.
"Talaga? Mahilig ba mag luto mama mo?" tanong agad ni Davin.
"Oo. Masarap din sya gumawa ng mga masasarap na pag kain."
"Mamaya ihahatid ka naming lahat."
"Talaga?"
Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Diana at nagulat s'ya sa ginawa ko. "Kayo ang kauna unahang kong kaibigan sa pag labas ko."
"A-Ano?"
"Nakakulong kasi ako sa aking silid mula ng bata ako. Kaya ganito kulay ko, hindi ako naarawan, hindi ako nakakagat na lamok, hindi ako nasusugatan pero noong pumunta kami ni mama sa University? Don ako nasugatan pero gas gas lang." sagot ko. "Masakit pala 'yon." dugtong ko pa.
"God! You're so innocent!" hindi makapaniwalang sabi ni Diana sakin.
"Yan lagi sinasabi sakin ni Alena at ni Mama." sagot ko.
"Alena? Ano surname nya?" napatingin ako kay Sakenah na nakangiti.
"Alvarez." sagot ko sa kanila at ngumiti.
"Tito Craige's wife." bulong ni Saimon sa likod.
Nang makarating kami sa isang malaking bahay ay nag sigawan na ang mga kasama ko. Nag peace sign sakin si Diana. "Ganito kami pag pumupunta dito. Masaya kami pag alam namin makikita namin sila mama at papa namin."
"Ang saya ng pamilya n'yo." puri ko. "Ako kasi si mama at ako lang ang mag kasama sa bahay."
"Pwede ka naman samin pumunta. Dito kami tuwing weekend at walang pasok pero pag may pasok sa kanya kanyang bahay na kami." napatango ako kay Angel. "Hindi naman nila ako kamag anak but my mom and my dad and their dads and moms are bestfriend. Kaya naman iisa ang pamilya namin."
"So big and happy family." komento ko pa.
Tinulungan ako ni Simon pumasok sa loob at sa pag pasok ko palang ay isa isa ng humalik ang mga kasama ko sa isang babaeng matanda pero nangingibabaw parin ang kagandahan. May katabi itong lalake na nakahawak sa kamay nito at humalik din ang lahat don.
Dinala ako ni Simon don at napatngin silang lahat sakin. "Mama, Papa, bago naming kaibigan si---"
"SNOW WHITE!" Sabay sabay nilang sabi.
"Sena po." pag tatama ko sa kanila.
"You look like Snow white because of your Skin, hija. At paano mo nakuha ang mga loob ng mga batang ito?" natatawang tanong nya.
"P-po? W-Wala po akong kinukuha." bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
"Tama nga si Alena, sobrang inosente mo." napatingin ako sa lalakeng katabi nito.
"Kiss my cheeks, Ija and welcome to our family." mabilis kong ginagawa 'yon at pati sa lalakeng matanda. "Call me mama and this is my husband call him papa."
Tumingin ako kay Simon na nakangiti sakin at tumingin ako kela Diana na naka peace sign. "WELCOME TO OUR FAMILY!"
~