bc

My husband's Mistress

book_age16+
3.2K
FOLLOW
18.2K
READ
friends to lovers
goodgirl
drama
comedy
sweet
gxg
office/work place
lies
affair
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sabrina's life would have been perfect, with a loving and kind husband and a very cute daughter. But everything changed when her husband suddenly decided to leave them to fulfill all his dreams in life, life without them, and life with his mistress.

She tried to be tough in life despite of what happened, she applied for a job and here she would meet Georgina, the woman who would help her with everything, so she couldn't help but fall for her.

But what if the woman she loves now is also the woman that her husband replaced her with? Is she ready to fight for love? Which fight she will fight, the fight to make her family complete again or the fight for her new found love?

chap-preview
Free preview
chapter 1
Sabrina's pov “Mommy, pupunta lang po ako doon, ha?” sabi ng anak ko habang itinuturo ang dulong bahagi ng parke kung saan kami naroon na buong pamilya. Hindi naman kalakihan itong parke na kinaroroonan namin kaya ayos lang na med’yo lumayo sa amin ang anak ko, at saka tanaw naman namin s’ya kung saan kami nakapuwesto ni Charles. Tuwing araw ng linggo ay may family bonding kami, laging naglalaan ng oras para sa amin ang asawa ko dahil palagi s’yang busy sa trabaho, kaya yung linggo talaga ay para sa amin ng anak n’ya inilalaan. Minsan dinadala n’ya kami sa mall para manunuod ng movie o kaya ay sa timezone para makapaglaro ang anak namin, tapos kung minsan nga ay sa mga park lang na kagaya nito kapag med’yo naghihigpit kami sa budget. Wala naman kaso kahit saan lang n’ya kami dalahin, kahit nga sa labas lang ng bahay ay ayos lang sa amin dahil ang mahalaga naman ay magkakasama kaming lahat. “Sige lang anak, basta ingat ka at laging sa unahan ang tingin, baka may mabangga ka,” paalala ko sa kan’ya bago ko s’ya halikan sa pisngi. “Opo Mommy, bye Daddy,” sagot ng anak ko sa akin bago nagpaalam sa Daddy n’ya at kumaway. “Bye! Ingat ka baby,” sagot naman ng Daddy n’ya while waving also his hands. Med’yo malayo kasi kami sa Daddy n’ya dahil nagbiseklata na kami kanina. Umalis na ang anak ko sakay ng bike n’ya, kaya lumapit ako at naupo sa tabi ni Charles, ang aking asawa o ang aking partner sa buhay sa loob ng anim na taon. Partner lang dahil hindi pa naman kami kasal, hindi dahil sa wala kaming pera, hindi kami kasal dahil ayaw pumayag ng mga magulang n’ya, hindi nila kasi ako matanggap para sa anak nila dahil isa lamang akong anak ng magbubukid at hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral. Minor pa lang kami noon kaya wala kaming nagawa para ipilit na ikasal kami. Ngayon naman na nasa tamang edad na kami pareho ay hindi pa rin kami naikakasal dahil hindi pa naman ako niyaya ni Charles, hindi ko alam kung bakit dahil hindi din naman ako nagtatanong o nag-o-open man lang ng topic tungkol doon. Hindi rin naman gaanong mahalaga ‘yun para sa akin, oo nga’t minsan lamang ‘yun mangyari sa buhay natin pero mas importante para sa akin na buo kami at masaya. “Mahal, gusto mo ng sandwich?” alok ko sa asawa ko na nakatanaw lang sa anak namin. “Mamaya na lang Mahal, pagbalik ni Allie,” sagot ni Charles, kaya ako na lang ang kumain, nagugutom na kasi ako. Kumain ako ng isang tinapay para lang maalis ang pagkalam ng aking t’yan. “Ang laki na ng anak natin Mahal, ang bilis ng panahon,” biglang sabi ni Charles na ang paningin ay nasa anak pa rin namin na nagbibiseklata sa may dulong bahagi ng parke. “Oo nga eh, mamaya hindi natin namamalayan na dalaga na si Allie,” sagot ko na nakatanaw rin sa aking munting anghel. Naalala ko pa noong malaman kong buntis ako, natakot ako at halos hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang bata ko pa, seventeen pa lamang ako noon, tapos malayo pa si Charles sa amin dahil sa Manila ito nakatira. Nakilala ko lang s’ya sa trabaho ko noon sa isang restaurant sa aming probinsya bilang waitress, nagkahingian ng number hanggang doon na nagsimula lahat. Nagka-text, minsan ay nakakatawagan hanggang sa umabot na lumalabas na rin kami. Mabait si Charles una ko pa lang s’ya nakilala, kaya madaling nahulog ang loob ko sa kan’ya at naipaubaya ang aking sarili na naging dahilan kaya nabuo ang aming anak. “Hahaha.., Dalaga na agad Mahal?” natatawang tanong ni Charles, “Huwag naman, ayoko na magkaroon agad ng ibang lalaki sa buhay ng baby ko." sabi ni Charles. “Ay sus! Hindi naman iyon maiiwasan Mahal, lalo’t maganda ang anak ko dahil manang-mana sa akin,” biro ko pa. “Sa akin mana ‘yan, kita mo nga at mukhang artistahin, madaming lalaki ang paiiyakin n’yan tiyak,” mayabang na sagot ni Charles, sinakyan ang pagbibiro ko. “Bakit Mahal, madami ka bang pinaiyak na mga babae dati?” seryosong tanong ko. “Ay oo naman Mahal! Sa g’wapo ng asawa mong ‘to maraming umiyak nang nag-asawa na ako,” nakangising sagot n’ya sa akin. Napaisip tuloy ako, “kung kahit minsan ba ay hindi s’ya nagsisi na ako ang naging asawa n’ya?” “Mahal, hindi ka ba nagsisisi dahil ako ang napangasawa mo?” seryosong pa rin na tanong ko. Bumabalik na naman ang insecurities ko dahil alam ko naman na kung hindi ako nabuntis noon ay baka hindi kami ang nagkatuluyan, marahil ang asawa n’ya ngayon ay isang mayaman, maganda at higit sa lahat ay tanggap ng pamilya n’ya. “Anu bang klaseng tanong ‘yan Mahal? S’yempre hindi, bakit naman ako magsisisi? Mahal kung hindi ikaw ang napangasawa ko wala akong magandang misis at cute na anak ngayon, kaya ‘wag kang mag-isip ng mga gan’yang bagay, okay?” tumango na lang ako at yumakap sa kan’ya, niyakap din naman ako agad ni Charles. “Sus! Nagpapalambing na naman ang misis ko,” sabi ni Charles bago ako iharap sa kan’ya para halikan nang mabilis sa labi. “I love you Mahal, 'wag ka na mag-isip ng kung ano-ano,” sabi ni Charles, kaya naman napawi agad ang nararamdam kong insecurities kanina lang. “I love you too, Sorry” nakangiti na sagot ko habang titig na titig sa mukha n’ya. Ang swerte ko dahil s’ya ang naging asawa at naging ama ng anak ko, napakasweet, mabait at mapagmahal sa pamilya. “Wait Mahal, sunduin ko na muna si Allie para makakaen na tayo,” tumayo si Charles at naglakad papunta sa anak namin na hindi yata nakakaramdam nang kapaguran sa paglalaro. “Sige at ihahanda ko na ang pagkain natin,” sagot ko. “Mommy!” tawag ng anak ko habang sakay pa din ng bisekleta n’ya, malapit na s’ya sa puwesto ko at nasa likod naman n’ya si Charles, may kausap ito sa cellphone n’ya. “Hi baby, nag-enjoy ka masyado roon ah, kung hindi ka pa sinundo ni Daddy mo ay hindi ka pa uuwi,” nakangiting sabi ko sa anak ko. “Sorry po Mommy, ang saya po kasi dahil ang dami kong kalaro roon,” sagot ni Allie bago ako yakapin at halikan sa pisngi. Napangiti naman ako dahil naglalambing na naman ang anak ko. “Okay, halika dito ka sa harapan ko nang mapunasan kita ng pawis,” kinuha ko ang paper towel para gawing pamunas ng pawis sa likod n’ya. Mas madali kasing sumipsip ng pawis ang tissue kaya ito ang ginagamit ko sa kan’ya. “Mahal, sino ang kausap mo kanina?” tanong ko ng maupo s’ya sa tabi ng anak namin. “Si Mommy, pinapupunta ako sa bahay mamaya at birthday raw ni Tristan,” sagot n’ya sa’kin habang pinagmamasdan kaming mag-ina. Si Tristan ay ang nakakabatang kapatid ni Charles, apat silang magkakapatid at pangalawa s’ya kay Tristan. “Ahm pupunta ka ba?” tanong ko, tulad ng dati mukhang hindi na naman yata kami invited na mag-ina. “Kelan kaya kami matanggap ng pamilya ng asawa ko, kahit hindi na lang ako pero sana kahit ‘yung anak ko man lang, tutal apo naman nila si Allie, tunay na kadugo,” tanong sa isip ko. Nakakapunta lang kami sa bahay ng magulang ni Charles kapag isinasama n’ya kami kahit hindi naman kami welcome sa bahay nila, lagi na lang kaming hindi belong ng anak ko may okas’yon man o wala. Ewan ko ba sa pamilya ng asawa ko, napaka- matapobre! “Bahala na Mahal, tinatamad ako at saka wala na naman silang binanggit about sa in’yo kaya mas tinatamad akong magpunta,” nakasimangot na sabi ni Charles. Kahit sanay na ako sa trato ng pamilya n’ya sa amin hindi pa rin maalis sa akin na masaktan at manliit para sa aking sarili. “Pasensya na kayo sa kanila Mahal,” sabi pa rin ni Charles na para bang s’ya ang nahihiya sa ginagawa ng pamilya n’ya sa amin. “Ayos lang Mahal, sana’y naman na ako, hayaan mo na lang, tara't kumain na tayo,” nakangiting inabutan ko s’ya ng plato. “Kain na tayo baby,” sabi ni Charles sa anak namin, nilagyan n’ya ng pagkain ang plato ni Allie. “Wow! Ang sarap naman ng pagkain natin Mommy, kaya favorite ko kapag Sunday eh!” sabi ng anak ko, matapos lunukin ang pagkain sa loob ng bibig n’ya. “Bakit hindi ba masarap ang pagkain natin kapag hindi Sunday baby?” nakangiti na tanong ni Charles sa anak namin. “Masarap din naman po Daddy, pero iba talaga kapag Sunday,” sagot ng anak ko. “Gano’n pala, ‘yan Mommy dapat pang Sunday lagi ang luto mo, nagre-reklamo na ang prinsesa ko!” natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Charles. Magana kaming kumain lahat, ang saya talaga kapag kompleto ang pamilya. “Wala na ba tayong nakakalimutan?” tanong ni Charles dahil pauwi na kami ngayon. “Wala na Mahal, nasa kotse na lahat,” sagot ko, tumango s’ya kaya sumakay na kami ng kotse para makauwi na ng bahay. __________________ “Mahal dapat yata hindi mo na kami isinama rito, baka kasi magalit na naman ang Mommy mo!” nag-aalalang sabi ko kay Charles, nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay nila pero nasa loob pa kami ng kotse. Mukhang madami ang mga bisita dahil ang daming mga nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay ng magulang ni Charles. “Hindi ako na ang bahala, isa pa karapatan mong sumama sa akin dahil ikaw ang ina ng anak ko, kaya tara na,” sagot ni Charles sa’kin bago patayin ang makina ng kotse at nag-alis ng seatbelt. Binuhat n’ya si Allie pababa kaya walang choice na bumaba na rin ako, alangan naman magpaiwan ako sa loob, lalong tataas ang kilay ng biyenan ko at baka sabihin pang masyado akong paimportante. “Daddy, sino nga po ang may birthday?” tanong ni Allie, naglalakad na kami papasok sa loob ng bakuran ng magulang ni Charles. “Si Tito Tristan baby, i-greet mo sya mamaya,” tumango naman ang anak ko. “Tss! Para namang papansinin ng mga taong ‘yun ang pagbati ng anak ko, eh manang-mana naman si Tristan sa kan’yang ina.” inis kong sabi sa isipan ko. Nang malapit na kami kung nasaan ang handaan, agad naming natanaw ang mga magulang ni Charles kasama ang birthday celebrant, nakikipag-usap sila sa mga bisita na hindi ko kilala. Wala naman kasi akong kilala na kahit sino dito sa handaan na ito kun’di ang pamilya ni Charles, pa’no naman kasi, hindi naman nila ako ipinapakilala kahit kanino, kaya wala din may kilala sa akin dito bukod sa pamilya nina Charles. “Mom, Dad,” bati ni Charles ng lumapit kami sa mga magulang at kapatid n’ya, humalik s’ya sa pisngi ng kan’yang magulang. “Hello po Lolo, Lola,” bati ng anak ko habang karga ng Daddy n’ya, humalik din si Allie sa pisngi ng Lola at Lolo n’ya. Hindi man lang sumagot ang mga b’yenan ko sa anak ko kahit man lang sana pabalat-bunga. “Magandang gabi po,” bati ko sa mga b’yenan ko. Kinuha ko ang kamay nila para magmano. Hindi ko sila matawag na Mama at Papa o Dad o Mom dahil feeling ko kapag ginawa ko ‘yun ay babarahin lang nila ako. “Tito Tristan, Happy birthday po!” tumango lang si Tristan, hindi man lang ngumiti kahit konti. Hayst! Ang sarap talagang pag-umpugin ng mag-ina! “Kumain na muna kayo roon,” sabi ng ina ni Charles, tumango lang si Charles bago kami dinala sa isang bakanting lamesa at ibinaba n’ya si Allie sa upuan. “Baby, kukuha lang kami ni Mommy ng pagkain, ‘wag kang aalis dito, Okay?” sabi ni Charles sa anak namin. “Yes po Daddy,” sa edad ng anak ko na limang taon napakatuwid na n’yang magsalita, minsan pa nga kapag kausap namin s’ya para s’yang matanda kung sumagot. Pumunta na kami sa buffet table, inabutan ako ni Charles ng plato, kumuha ako ng mga pagkain na familiar lang sa’kin, yung iba ay si Charles na ang naglagay sa plato ko at tikman ko raw ‘yun dahil masarap, madami na ang mga pagkain sa plato ko kaya ipinahawak ko iyon kay Charles. “Mahal, mauna kanang bumalik sa table natin para may kasama do’n si Allie,” sabi ko ng kunin n’ya ang plato ko. “Sure ka?” tanong n’ya sa’kin. “Oo, ikukuha ko pa kasi si baby ng mga chocolate at iba pang sweets, favorite nya ‘yon,” tumango lang si Charles bago naglakad paalis. Tapos na akong kumuha ng para sa anak ko kaya naglakad na ako pabalik kung saan nakaupo ang mag-ama ko. Malapit na ako sa puwesto nila kaya natatanaw ko na nandoon ang ina ni Charles. “Anak naman bakit naman isinama mo pa rito ang mag-ina mo?” nadinig kong sabi ng ina ni Charles, nasa likuran nila ako kaya hindi nila ako napapansin. “Mommy, ano ba kasing masama sa pagsama ko sa kanila, eh pamilya ko sila!” bakas ang inis sa boses na sagot ng asawa ko. “Pamilya mo lang! Hindi ko sila pamilya dahil hindi ko sila tanggap at hindi ko kaylanman matatanggap!” bulyaw ng ina ni Charles. “Ewan ko sa inyo Mommy, ang kitid ng utak n’yo! Mamaya n’yo na ako kausapin, nadidinig kayo ng anak ko at saka baka bumalik na si Sabrina rito ay marinig pa ‘yang sinasabi n’yo!” naiinis pa rin na sagot ni Charles sa ina. “Wala akong pakialam! Mas mabuti nga ‘yun at baka matatauhan na ang babae na iyon ng iwanan kana! Kung alam ko lang na isasama mo sila hindi na sana kita pinilit na pumunta!” nanggigil na sabi ng b’yenan kong babae bago s’ya padabog na nag-walk out. Napailing na lang si Charles sa asal ng kan’yang ina. Pinipigil kong ‘wag umiyak. Ayokong umiyak! Lalapit na sana ako papunta sa mag-ama ko nang magsalita si Allie. “Daddy, bakit ayaw ni Lola na isama mo kami ni Mommy, galit ba sa’min sina Lola? At saka bakit gusto n’yang iwanan ka ni Mommy?” inosenteng sunod-sunod na tanong ng anak ko at doon ko na hindi napigil ang sarili ko sa pag-iyak dahil pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. “Mommy!” sigaw ng anak ko na dahilan para lumingon si Charles sa akin. “Mahal,” tanging nasabi ni Charles bago tumayo para lapitan ako at yakapin. Niyakap n’ya ako ng mahigpit, “ Im sorry” sabi ni Charles sa’kin habang yakap-yakap ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
360.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook