bc

His Secret Affair

book_age18+
921
FOLLOW
2.4K
READ
second chance
sweet
bisexual
humorous
serious
ambitious
male lead
school
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na disenwebe, kailangang tumigil ni Janiel sa pag-aaral para magtrabaho. Parehong matanda na ang kanyang mga magulang kaya kinakailangan niyang kumayod para matugunan ang pang-araw-araw nitong pangangailangan. Dahil sa kanyang trabaho, nakilala niya ulit si David Dukeson. Ang lalaking tumulong sa kanyang noong nagkahulugan ang mga gamit sa bus. Hindi niya aakalaing magkakilala pala sila ng kaniyang trainer na si René.

Simula noon, palagi na silang nagpapalitan ng mensahe. Hanggang sa dumating ang araw, nagkahulugan ang mga loob nito. Hindi aakalain ni Janiel na magtatapat sa kanya si David na mahal siya nito sapagkat lalaki itong tunay. Dahil mahal niya na rin ito, isang matamis na oo ang ibinigay niya ng kunin ni David nito ang kamay upang maging kasintahan.

Sa hindi inaasahang tagpo, si Janiel ang naatasang maghost para sa birthday party ng kanyang boyfriend. Gulat na gulat siyang malaman na may kasintahan pala itong babae sa kanilang bayan.

Magagawa ba niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay David? O ipaglalaban nito ang ang kanyang sarili, tanggapin at magparaya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Late Naalimpungatan ako sa tunog ng aking alarm. Alas siyete e midya na ng tingnan ko ang orasan nang aking telepono. Napabangon ako ng wala sa oras. Pinatay ko ito at mabilis na inayos ang higaan. Dali-dali kong hinablot ang aking tuwalya at nagtungo ng paliguan. "Aray!" sigaw ko. Tumama ang aking hinlalaki sa paanan ng study table na siyang nagpahiyaw sa akin. Hawak na hawak ko ang hinlalaki para maibsan ang sakit nito.  "Anak? Okay ka lang?" sigaw  naman ng aking ina galing sa kusina. Minabuti kong pakalmahin ang aking sarili bago sagutin ang aking ina. "Okay lang ma! Maliligo muna ako," paniniguro kong sagot nito. Paika-ika akong pumasok ng paliguan habang iniinda ang sakit. Wala pang laman iyong timba ng datnan ko ito. Napakamalas ko ngayon. Mabilis kong binuksan ang gripo. Habang inaantay ko itong mapuno naalala kong anong araw ngayon. Mahihirapan talaga ako nitong makasakay ng maaga. Lunes na naman, may review kami ngayon kaya kailangan kung makaabot sa klase mamaya. Kung hindi ko lang sana pinatay at pinindot iyong snooze button, malamang nasa paaralan na ako ngayon. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano pa ba ang magagawa ng aking pagsisisi kung tapos na. Kay lamig ng tubig ng dumaloy ito sa aking katawan. Napapikit ako at nabuhayan ang inaantok na sarili. Palagi naman akong matagal gumising pero hindi ganito kay tagal. Napalingo-lingo nalang ako sa pagkadismaya at mas binilisan pa ang pagligo. Bigla kong naalala ang pinapanood ko kagabi na siyang dahilan kung bakit tinamad ako magising ngayon. Tungkol ito sa dalawang lalaking nagmamahalan. Ang isa ay ordinaryong tao at ang isa naman ay prinsipe. Malayo ang agwat ng kanilang estado ngunit hindi ito naging hadlang para magpakatotoo sila sa kanilang naramdaman sa isa't-isa. Iyon nga lang, sa huli nagparaya ang lalaki para sa responsibilidad na haharapin ng prinsipe. Malungkot mang isipin pero ito ang katutohanan - ang realidad na kailangan nating tanggapin. Sa ating buhay hindi palaging puso ang nasusunod. Minsan ang kinakailangan ang nasusunod. "Janny! Alas siyete trentay e singko na! Matagal ka pa ba diyan?" sigaw ng aking ina na nagpagising sa akin. "Patapos na po!" sigaw kong tugon nito. Ilang sabon at pagshampoo sa ulo ang aking ginawa bago tinapos ang pagligo. Dali-dali akong lumabas ng banyo ngunit nasira ang door knob nito dahil sa aking pagmamadali. Iniwan ko muna ito at ipapaalam ko nalang sa aking ina. Mabuti nalang at naihanda na ng aking ina ang mga susuotin. Mabilis kong sinuot ang uniporme at pumunta na ng kusina. "Magandang umaga po Ma, Pa," bati ko sa aking magulang. "Kumain ka muna anak," ani ng aking ama. Hinagkan ko silang dalawa at kumuha ng tinapay. "Sa eskwelahan nalang po Pa, late na po kasi ako. Sige po mauna na ako sa inyo," paalam ko sa kanila. "Ma? Nasira pala iyong door knob sa cr ng kwarto ko. Hindi ko sinasadya Ma! Salamat Ma. Mauuna na talaga ako." sigaw ko nito habang tumatakbo palabas ng bahay. "Mag-iingat ka anak. Huwag mong kalimutang kumain!" dinig kong paalala ng aking ina nung makalayo na ako sa bahay namin. Dali-dali akong lumakad papuntang eskinita para makasakay papuntang sakayan. Wala nang gaanong dumadaan papuntang eskinita kaya mas binilisan ko pa ang aking lakad. Hingal na hingal ako ng dumating sa eskinita. Napalinga-linga ako sa bawat kalsada para makasakay na. Wala pang dumaan kaya kinain ko muna ang dala kong tinapay. Magka-quarter to eight na pero wala paring sasakyan na dumaan. Kailangan ko nang makasakay ngayon baka hindi na ako makaabot sa unang klase namin. Wala akong nagawa kaya naisipan kong lakarin ang daan papuntang terminal. "Jan! Tinanghali ka ata?" sigaw ni mang Kanor habang sakay ang kanyang bisikleta. Dala-dala nito ang tinitindang prutas at gulay para ipaninda sa palengke. "Matagal nagising po! Sige po mauna na po ako sa inyo manong!" sigaw ko pabalik sa kanya. Tinanguan niya ako bilang pagsagot at ipinagpatuloy na ang pagpadyak sa kanyang bisikleta. Tumalikod narin ako at nagpatuloy na sa aking paglalakad. Bigat na bigat ako sa mga dala kong gamit. Tagaktak na ang aking mga pawis kahit nasa kalahati palang ako ng daan. Tumigil muna ako saglit para magpahinga. Tiningnan ko ang aking relo at labinlimang minuto nalang para mag-aalas otso. Wala paring dumadaang sasakyan kaya ipanagpatuloy ko ang paglalakad.   Punoan na ng datnan ko ang paalis na sasakyan. Tiningnan ko ang mga nakaparadang mga sasakyan ngunit wala pa itong mga sakay. Mag-aantay pa ang mga ito ng mga sasakay bago tutulak. Malelate na talaga ako nito. Wala akong nagawa kaya minabuti nalang na pumasok sa punong sasakyan. Ang mga nagsisiksikang tao ang bumungad sa akin ng pumasok na ako. Sumirado na ang pintuan sa aking likuran hudyat na aalis na ito. Pawis na pawis parin ako ngunit mas lumala ito dahil sa kasikipan. Air-conditioned naman itong sasakyan ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi ito lumalamig. Habang nasa daan na kami ay pansin ko ang panay na pagtingin ng isang lalaki sa akin. Hindi ko mawari kung ako ba talaga ang kanyang tinitingnan o ang mga katabi ko. Minabuti ko nalang na huwag ito pansinin baka nag-aasume lang talaga ako. Biglang tumigil ang sasakyan ng may pumara para bababa. Dahil nakaharang ako malapit sa pintuan, minabuti ko munang bumaba para makalabas na ang mga pasahero. Marami-rami rin ang mga bumababang pasahero kaya maluwag na ang sasakyan ng makapasok na ako. Nakahanap narin ako ng bakanteng upuan kaya pumunta na ako doon. Nagulat nalang ako na iyong lalaki ang siyang aking magiging katabi. "David," pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Napatingin ako sa banda nito. Kay lalim ng boses nito katulad ng dj sa mga radyo. Para nitong binibitag ang iyong atensyon para matuon sa kanya. Mala-moreno ang kulay ng kanyang balat na nagpapabagay at nagpapadefine ng kanyang bagang. Ang manipis naman nitong labi ay siyang pagkislap ng dilaan niya ito. Napahinto ako sa pagtingin at binaling ang mukha sa kanyang mga kamay na kanina pa pala nakaabot. "Janiel," sagot ko naman at saka nakipagkamayan. Umupo na ako sa kanyang tabi na hindi ito tinitingnan. Nakakahiya iyong ginawa kong pagtitig kanina. Hindi ko kasi mapigilan sapagkat namangha ako nung tingnan ko ito. "Sa Bohol State College ka nag-aaral?" tanong nitong ikinabigla ko. Hindi ko ito tiningnan sa hiya, "Oo," tipid kong sagot nito. "BSC na tayo!" sigaw ng konduktor ng bus. Tumayo ako bigla sa sinabi noong konduktor pero hindi ko napigilan ng magkahulugan ang aking mga gamit. Sakto kasing pagtayo ko ay siyang pagpreno ng sasakyan. Nagkalat pa ito sa aking harap at sa aking katabi. Napasinghap ako at mabilis na pinulot ito. Wala na akong oras na inaksaya para matulala pa. Pinulot narin nito ang aking mga gamit habang nagkukumahog naman akong dalhin ito. Ibinigay na nito ang mga napulot na gamit. Kinuha ko ito sa kanya at tinanguan ito. "Tulungan na kita," sabi niya sa akin. Balak pa siguro nitong dalhin ang iba ko pang gamit pra tumulong. "Okay lang. Salamat pala," tumungo ako ulit bilang pagpapaalam sa kanya. Mabilis akong naglakad papunta ng labasan. Bakit pa kasi ako pumili ng malayong upoan. Nahirapan na ako ngayong makalabas dahil sa mga nakaharang na mga dala ng ibang pasahero. Nakalabas na din ako sa wakas at dali-daling naglakad papuntang eskwelahan. Sarado na ang tarangkahan nito hudyat na nagsisimula na ang seremonya ng watawat. Madami naring mga estudyante ang nag-aantay sa labas. Imbes na mainis ay hinanap ko nalang ang aking mga kaklase. Ilang minuto na akong naghahanap pero wala parin akong makitang kaklase. Gusto ko mang tingnan ito sa telepono ngunit hindi ko kaya dahil sa mga nalaglag na mga gamit kanina. "Janiel," napalinga-linga ako ng may tumatawag sa akin. Tinigil ko ang paghahanap ng nakitang kaibigan ko ito at kaklase ko noon nung nasa mataas ng paaralan pa kami ng Manga. "Rey! Ikaw pala. Pogi natin ngayon ah?" biro kong sabi sa kanya. "Totoo?" di makapaniwalang tanong nito sa akin. "May gusto ka sa akin?" tanong niyang ikinabigla ko. Kinunotan ko ito ng noo, "saan mo naman iyan pinagbasehan manong?" Natawa na ako dahil sa mga sinasabi sa akin. Pogi naman talaga si Rey. Athletic looks kumbaga itong tingnan. Matikas, matangkad, brusko ang pangagatawan nito. Hasang-hasa kasi ito sa pagbubuhat sa pinapasukan nitong part-time job kaya pansin ang mga maskulado nitong bisig at maumbok nitong dibdib. "Binibiro lang din kita. Naniwala ka naman," tumawa ito ng malakas. Napalingo-lingo nalang ako habang nakitawa narin. Wala paring ipinagbago, makulit parin ito. "Uyy! Ano itong nakikita ko? Naku! Noon pa ito kayo talaga," sabat naman ng babae kaya kami napatingin dito. "Ngayon lang kami nagkita Ms. Mcloire," biro ko nito. "Anong Mcloire ka diyan? Move-on din tayo paminsan-minsan Janny," sagot naman nito sa akin. "Ang sweet niyo talaga kanina parang iyong noon lang. Alam niyo iyon?" "Maghunos-dili ka nga Helena! Anong noon ang sinasabi mo? At saka, pareho kaya kaming lalaki. Walang talo pre!" depensa ko naman sa kanya. "Tanggap ka namin Janiel," sabi nito at natawa. "Kayo na ba?" tanong naman niya kay Rey na timawanan lang ito. Nakitawa nalang ako habang patuloy nila akong pinag-uusapan. Sa harapan ko pa. Wala namang bago, ganyan talaga kami sa isat-isa. Tanggap nila kung ano at sino ako. At tinanggap ko din ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Habang pinaguusapan na nila ang kanilang mga takdang-aralin, napatingin naman ako sa mga estudyanteng nag-aantay matapos ang seremonya. Matagal pa ito mabubuksan sapagkat may seremonya pa galing sa aming councilor. Habang palinga-linga akk ay natigil ako sa pamilyar na mukha. Tiningnan ko ito ng mabuti. Hindi nga ako nagkakamali kilala ko ito pero hindi ko maalala kung kelan at saan iyon. Ipinikit ko ang aking mata para maalala iyong pamilyar na lalaki. Ibinuka ko ulit ang aking mata at naalala ko na ito. Siya pala iyong lalaking katabi ko sa bus kanina. Dito din pala siya nag-aaral. Kaya siguro panay tingin niya sa akin. Iyon nga lang hindi sa akin pero sa aking uniporme. Napaka-assuming ko talaga. Napatingin ito sa akin na ikinabigla ko. Nginitian ko nalang ito. May sinasabi ito na hindi ko makuha. Papunta ito sa aking banda kaya pupuntahan ko din ito. Ngunit bago ko pang magawang pumunta sa kanya ay siyang pagbukas ng tarangkahan. Mabilis na naglakad ang mga estudyante papasok sa tarangkahan kaya nadadala ako. Wala akong nagawa kaya nagpaanod at naglakad na din ako papasok sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook