CHAPTER 2

1729 Words
Identification Card Siksikan kaming pumasok sa loob ng tarangkahan. Mabuti nalang at hindi nagkalaglagan ang mga dala kong gamit. Nung nakalabas na ako ay nakahanap ako ng lugar na pwede kong pag-aantayan. May sinasabi kasi iyong lalaki kanina kaya aantayin ko muna. "Wala ka bang pasok ngayon?" tanong sa akin ni Rey na nagpaalala sa unang klase ko ngayong umaga. "Bye Rey! Sa susunod nalang ako sasabay sa iyo." pagpapaalam ko sa kanya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa building ng aming departamento. Nabibilang ako sa departamento ng College of Engineering and Architecture. Kasalukuyan akong nag-aaral sa unang taon bilang studyante ng arkitektura. Bitbit ang mga dala kong gamit, tinahak ko ang hagdanan papuntang ikatlong palapag.  Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante pero nagawa ko parin silang lampasan. Ilang hakbang nalang ang lalakarin at ikatlong palapag narin. Kitang-kita ko na ang aming silid na kung saan kami magkakaroon ng klase. Maingat akong tumakbo papunta sa gitnang silid. Ang tahimik ng palapag namin sapagkat nagsimula na ang mga ito. Pagkarating ko sa silid namin ay nakasarado ang pintuan nito. Dahan-dahan kong inilapat ang aking tenga sa pintuan. Kompirmado. Nagsisimula na nga ang klase namin. Dahan-dahan kong binuksan ito. Gulat na gulat ako nung bumungad sa akin ang isang instruktor ng klaseng iyon. "Good morning sir! Pwede po magtanong, kung saan po iyong klase ng Architecture One-A?" palusot kong tanong sa propesor para hindi mapagalitan. "Nasa susunod na silid hijo," sagot naman nito sa akin habang nakataas ang kilay na tinitingnan ako. "Salamat po sir," sagot ko nito. Mabilis ko itong tinalikuran. Grabe iyong nyerbos ko noong kausapin ko iyong instruktor. Sa pagkakaalam ko terror daw iyon, buti nalang good mood si sir. Nilakad ko na ang katabing silid na sinasabi ng guro. Katulad ng ibang mga silid, nakasirado din ito. Hindi na ako nag-atubili pang tingnan ito at binuksan agad. Nagulat nalang ako nung walang katao-tao iyong silid. Baka nagkamali lang iyong propesor? Baka hindi rin? Ugh! Mabuti pa ay tingnan ko nalang ang telepono baka may nagchat sa akin tungkol sa klase ngayon. Hindi ko maabot ang telepono sapagkat madami akong dala. Nilagay ko muna ang mga ito sa mesa pero bigla akong natigil sa aking ginagawa. Dahan-dahang hinawakan ni Wilhelm ang mga kamay ni Simon. Pinagapang niya ang kanyang kamay papunta sa kanyang bisig, dibdib at pinahinga sa leeg ng lalaki. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha habang titig na titig kay Simon. (One message received) Naalala ko na! Nawalan ako ng lakas at napaupo sa malapit na upoan. Mamaya pang hapon ang aming klase. May lakad daw ang guro namin kaya niya ito inilipat sa ibang oras. Tapos natigil pa iyong pinapanood ko kagabi, bakit hindi ko naalala iyong text message kagabi? Hindi na sana ako nagmadali at nagpapahinga pa sana ako ngayon. Naalala kong may pasulit pala bukas. Napagdesisyunan kong pumunta ng silid-aklatan para makapagreview at saka makapagpahinga narin. Dala ulit ang mga gamit ko, gumayak na ako papunta sa susunod na  palapag. Tiningnan ko ang schedule ko at isang subject lang pala ngayong umaga kaya igugugol ko ang apat na oras para sa pag-aaral. Wala akong nakitang mga kaklase habang nasa daan ako. Malamang mamaya pa iyon sila. Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na sa loob ng silid-aklatan. Marami-rami narin ang mga estudyante pero dito lang sa malapit na pintuan. Walang umuupo sa pinakaliblib na upoan kung saan ako namamalagi. Gusto ko itong upoan sapagkat tahimik ito at saka minsan, nakakatulog ako. Kaya minsan, pumupunta ako dito hindi para mag-aral kung hindi matutulog. Inilapag ko na ang dala kong mga gamit. Uunahin ko munang tapusin ang aming plate sa architectural design na subject. Pinapadesign kami ngayon ng isang barangay hall pero hindi ko pa ito nailipat dahil hindi ko pa natapos ito sa cartolina. Ginagawa ko muna ito para kapag ililipat na sa tracing paper wala ng gaanong mga mali. Dalawang palapag na barangay hall ang aming ipopropose. Makikita dito ang reception area, lounge area, offices, cubicles, conference hall, kitchenette, vault, at iba pang mga requirements na kinakailangang makita sa isang barangay hall. Bukod dito, ini-imphasize din kung paano namin gawin ang ramp para sa mga PWD's. Tapos na ako sa ginagawa kong floor plan para sa barangay hall kaya ang elevation naman   ngayon ang aking pinagtuonan. Ito ang pinakapaborito kong parte kung gagawa kami ng mga plates. Malaya kong nadedesinyohan ang mga gawa ko sa abot ng aking imahenasyon. Abala ako sa aking ginagawa nung biglang may bumangga ng aking braso. Nasulatan ko ang aking ginagawa kaya napatingala ako sa taong nakabangga ng aking braso. Nakatalikod ito sa akin at hindi siguro alam na nabangga niya ako. Mabuti nalang talaga at cartolina pa ang gamit ko. Binura ko nalang ang aking nasulatan at umusog nalang ng kaunti para hindi na mahagit ulit ang aking braso. Ilang oras narin akong nakaupo dito habang nagrereview na sa ikalawang subject ngunit walang pumapasok sa aking isip. Paulit-ulit ko lang itong binabasa. Walang pumapasok ni katiting. Itiniklop ko nalang muna ang binabasa na libro at naisipang magpahinga muna. Itinuko ko ang dalawa kong siko at inunan ko ang mga kamay para makapagpahinga. Ilang segundo lang ang lumipas ng biglang kumalam ang aking sikmura. Naalala kong hindi pa pala ako kumain ng agahan. Tiningnan ko ang relo at mag-aalas onse na pala ng umaga. Kay bilis tumakbo ng oras kaya inayos ko na ang aking mga gamit at nilagay sa kanilang lagayan. Bababa na muna ako para makakain na ako ng agahan at pananghalian. Nilinisan ko muna ang lamesa bago umalis. Palabas na ako ng silid-aklatan ng nagkatagpo kami ni Laiceia. Tulad ko, marami din itong bitbit. Nginitian ko ang natatangi kong kaibigang babae sa klase namin. "Lai? Saan ka pupunta? Lunch muna tayo?" pag-aya ko sa kanya. "Sure! Kanina ka lang dito? Hindi kita nakita," sagot nito habang naka-ekis ang kilay. "Doon lai," turo ko sa inupoan ko kanina. "Bakit napaaga ka ata?" tanong ko sa kanya. "May kailangang tapusin kaya maaga akong nagpunta. Alam mo naman hindi ko nagagawa ang mga plates dahil sa aking nakababatang pamangkin," sagot nito. Tinanguan ko ito. Naikwento nga niya sa akin ang tungkol diyan. Ibinibilin kasi minsan ng kanyang ate ang anak nito  at binabantayan niya ito. Dahil sa kakulitan nito, hindi niya nagagawa ang kanyang mga gawain. Kaya minsan naabutan ko siya palaging gumagawa ng plates dito. "Ikaw? Bakit maaga ka ngayon?" tanong niya pabalik sa akin. Ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina. Tawang-tawa pa ito sapagkat hindi niya aakalain ang ganoong mga tagpo. Ikinwento ko din sa kanya iyong lalaking tumulong sa akin kanina. Tinutukso pa ako dito dahil marupok daw ako. "Hindi lai! Hyperbole na iyan," tawang-tawa kong tugon sa kanya. "Hindi Jan. Sa paraan ng iyong paglalarawan iba," tawa din nitong sagot habang padarag na inatras ang upoan. Nandito na kami ngayon sa canteen at marami ng kumakain dito. Habang inilibot ko ang aking paningin sa paligid ay nasagi na naman ng aking nga mata iyong lalaki kanina. Umupo ako bigla at tinawag ng pabulong ang kaibigan. "Lai," bulong kong tawag nito. Mas ibinaba ko pa ang ulo ko baka makita ako. "Ano?" tanong naman nito habang abala sa paglabas ng sariling baon. "Siya iyon! Iyong sinasabi kong lalaking tumulong sa akin kanina sa bus," sabi ko habang tinuturo kung nasaan umupo ang lalaki. "Saan diyan?" sabi nito habang tinitingnan ang aking tinuturo. "Iyang nasa gitna. White and green ang kulay ng kanyang shirt. Departmental shirt ata nila iyan," sagot ko naman. "Dinig kong isa sa mga top student daw iyan sa batch nila? Diba social studies kinuha niyan?" "Hindi ko alam," sagot ko at ipinagkibit balikat na lang. "Social studies iyan. Ganyan din ang shirt ng kakilala ko," paniniguro niya. Wow. Top sa batch nila. Hindi ko aakalaing promising student pala ito. "Ka-batch ba natin iyan lai?" "Oo," sagot nito at tumigil sa ginagawa. Bumaling ito sa akin, "interesado ka?" tanong niyang ikinabigla ko. "Huh? Hindi. Nagtatanong lang naman ako," sagot ko at ibinaling ang mukha sa mga nakapilang estudyante," wala kang bibilhin?" "Oo, ka-batch natin pero may girlfriend na iyan," sagot nito sa akin na nagpakunot ng aking noo. "May bibilhin ka ba lai?" pag-uulit ko nito. "Dami mong sinasabi," sabi ko habang tumatawa. Natatawa na rin ito habang sumama sa aking bumili ng pagkain. Pumila narin kami habang nag-uusap parin. Tinutukso parin ako nito pero binabalewala ko nalang ito. "Excuse me," isang baritonong tinig ang nagpatigil sa aming pag-uusap. Ibinaling ko kaagad ang aking mukha para tingnan kung sino ito. Dahil sa pagkadismayang hindi siya, umusog nalang ako at tumalikod. Inakala ko kasing ito iyong lalaki kanina. Kumuha ang lalaki ng mga kutsara at tinidor. Ito namang si Laiceia panay ang sitsit at pangungulit kaya natatagalan ang lalaki sa pagkuha. Dahil hindi ko na maatim na makitang nahihirapan ito dahil sa akong kaibigan, tinulongan ko ito. "Ano?" sabi ko na naka-poker face. "Bait mo ah?" sabi niya at bumungisngis ng tawa. "Matagal na lai," sabi ko na natatawa. "Feeling nito!" Nagtawanan nalang kami. Pumili na kami ng pagkain at nagbayad na din sa napiling pagkain. Mabilis ang kain namin nung nailapag namin ang mga pagkain. Ibig talagang sabihin sa gutom na gutom na kami. "Lai," tawag ko sa atensyon nito. "Kumusta na kayo ni Kenneth? Okay lang ang LDR?" tanong ko sa kanya. Nasabi niya kasing miss niya na ito. "Okay lang. Nasanay na rin," malungkot na sagot nito. "Bakit malungkot?" "Miss eh!" sagot nito. "Sana lahat talaga may jowa." Natawa ito sa aking sinabi. Uminom ito ng tubig dahil nabulonan ito. Sinipa niya ang aking binti kaya napatingin ako sa kanya. Kinunotan ko ito nang noo para makiha ang sinasabi nito. Ngumuso ang bibig nito sa kung saan kaya napatingin ako dito. Nabigla ako nung may lalaking nakatayo sa aking gilid. Napatayo ako agad dahil sa gulat. Ito pala iyong lalaki. Nakalimutan ko pa ang pangalan nito kaya wala ako maisatinig kung ano ang ipangtawag ko. "Uh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang mas nakita ang mukha nito sa malapitan. Hindi ko kasi nagawang tingnan ito ng buo sa bus. Ang makakapal nitong kilay na tila mga galit. Mga makakapal nitong pilik-mata na nagpapalalim sa mala-kayumangging mata. At ang matangos nitong ilong na nagbabalanse sa kanyang perpektong mukha. "ID mo," sabi nito at inilahad ito. "Naiwan mo sa bus," sabi nito habang kinakaway ang kamay sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD