CHAPTER 3

1653 Words
Patitigilin  "ID mo naiwan mo sa bus," sabi nito habang kinakaway ang kamay sa aking harapan. Kay lapit ng mukha niya. Wala akong nakikitang mantsa sa kanyang mukha kahit mga pores nito. Napakurap-kurap ako sapagkat tulala na pala ako. Kinapa-kapa ko ang aking ID card kung nawawala ba talaga ito. Naiwala ko nga ito at hawak na niya ito. Hindi kasi pansin sapagkat marami pang nakasabit sa aking ID lace bukod sa ID card. Tumikhim ako at tumingin sa aking kaibigang kumakain habang tumatawang nakatingin sa akin. Hindi man lang ito nag-atubiling tulungan akong kausapin ang tao sa aking harapan. Pinagningkitan ko ito ng mata at bumaling sa lalaking nakatayo sa aking harapan. "Maraming salamat. Hindi ko alam na naiwala ko pala ito kanina," sabi ko habang kinukuha sa kanya ang ID ko. Nagkatagpo ang dulo ng aming mga daliri na siyang nagbigay sa akin ng bolta-boltaheng kuryente upang mapasinghap ako. Para akong tutang nahihiya. Napayuko ako. Hindi ko magawang tignan ito baka mapansin nito ang mga pisngi kong kasing pula ng kamatis. "Sige. uhh," tumigil muna ako sa pagsasalita. Imbes na tumingin sa kaharap ay binalingan ko nalang si Laiceia. "Salamat talaga," sabi ko at tinanguan ito ng hindi tinitingnan. "Hmm. Sige. Gotta go," ani nito para magpaalam. "Bye! Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko. Makakalimutin minsan," pahabol na sabi ni Laiceia habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Sinipat ko ito. Mabuti nalang at umalis na iyong lalaki nung pinagsabihan ko ai Laiceia. Umupo nalang ako at ipinagpatuloy ang aking naiwang pagkain. "Nagblush-on ka Janny? Parang kasi. Hehe!" biro nitong sabi sa akin habang tumatawa. "Walang nakakatawa Lai," sagot ko sa kanya habang nguya ang pagkain. "Ito naman hindi na mabiro. Kung makablush wagas,"sabi nito habang hawak ang tiyan sa kakatawa. "Hindi obvious na crush mo. Marupok te? Tapos kung makatulala, tulo laway. Masarap?" Hindi ko na kaya ang mga sinasabi niya kaya napatawa nalang ako. I'm too embarrassed to remember those moments. Ewan ko rin. Gusto kong masuka. Gusto kong mandiri sa mga reaksyon ko kanina. Para akong teenager na in love sa kanyang crush. Eww. Kakatapos ko lang kumain nung mag-aala-una na. Magsisimula na ang aming klase sa hapong iyon.  Napagdesisyunan naming pumunta na sa silid para doon na magpahinga. Wala pa ang aming guro kaya may oras pa kami para magkwentuhan. Lumipas ang panghapong klase namin na nakakapagod. Lahat ng talakayin namin ay pinang-exam ng aming guro sa amin. Hindi kami handa kaya sa surprisang review nito kaya maliit kadalasan ang mga kuha namin. Magsisimula kasi ang aming panghuling pasulit sa pinakaunang aralin sa terminong ito. "Grabe! Akala ko magrereview lang ng mga notes? Surprised exam pala," sabi ni Laiceia habang pagod na nakaupo. "Akala ko nga rin. At least alam natin kung saang aralin kukuha para sa pasulit," sagot ko naman nito. "Malabo iyan. Expect the unexpected Janiel. Iyong sa solid mens at analytic geo? Naku! Aralin mo na lahat ng aralin na tatalakayin pa na karugtong sa mga araling iyon. Sure ako! Papasa pa tayo," maingay na sabi nito. Napalingo-lingo nalang ako sa kadal-dalan nito. Tama naman talaga iyong sinasabi niya. Kadalasan talaga kapag pasulit sa Mathematics, kailangan mo ng advance na mga aralin para masolusyonan ang mga complex equations. "Tara na nga! Mabuti pa ay pumunta tayo kay kuya kwek-kwek!" Masaya nitong banggit sa akin. Mabuti pa nga para naman maibsan itong stress namin. Dali-dali kaming naglakad pababa ng hagdanan. Tawang-tawa pa ito sapagkat nakipagkarera ito kung sinong mauuna sa amin. Mabuti nalang at wala siyang nababanggang estudyante. Mag-aalas sais na nung tingnan ko ang aking relo. Dali-dali kaming lumabas para maabutan ito at mabuti nalang nandiyan pa si kuya. "Natagalan ata kayo? Buti nakaabot pa," natatawang sabi ni kuya sa amin. Hingal na hingal kasi kami nung dumating sa harap ng kanyang stall. Nasa tapat lang nakapwesto ang paninda nito kaya madali lang itong hanapin. "Oo po, kasi nag-exam pa po kami. Panghuling pasulit na kasi namin kaya mas pinagtutuonan ang pagrereview. Kung hindi gaanong mataas ang marka nung midterm kaya ngayong finals mas bumabawi," aagot naman ni Laiceia. "O siya! Iyong paborito niyo ba o may idadag-dag pa kayo?" tanong niya habang  nakataas ang isang kilay. Tiningnan ko pa ang iba nitong paninda. Bukod sa paborito naming isaw at kwek-kwek, mayroon pang fishball, squidball, tempura, buchi, maning anghang at matamis, at maruyang saging. May panulak narin si kuya na iced tea, buko juice, at calamansi juice. "Padagdag nalang po sa akin iyang maruyang saging. Tubig nalang po iyong akin," sabi ko. "Ikaw Lai? May ipapadagdag ka ba?" "Squidball at tempura iyong akin po. At buko juice na din," sagot nito. "Kumusta naman ang exam niyo? Mahirap ba?" tanong ni kuya sa amin. "Okay lang naman po, pero iyon na nga nasurprisa kami. Akala kasi namin review lang pero exam pala. Mabuti nalang hindi ko nakalimutan iyong mga tinalakay noong nakaraan," sabi naman ni Laiceia. "Mabuti pa kayo nakaabot ng kolehiyo," malungkot na sabi nito. "Bakit po kuya? Ano po bang natapos niyo?" tanong ko naman. "Second year highschool lang hijo,"sabi nito habang nakangiti. "Noong nag-aaral pa kasi ako, nahihirapan akong magconcentrate. Pumapasok ako ng eskwelahan na walang baon at wala pang kain. Kaya kapag nagsisimula na ang klase, kumakalam ang aking sikmura sa gutom. Tiniis ko iyon hanggang matapos ako sa taong iyon." "Wala bang sumusuporta po sa inyo noon?" tanong naman ni Laiceia. "Sinusuportaan naman ako ng aking mga magulang pero hindi sapat iyon para sa aking pag-aaral. Kinakailangan ko ng pamasahe kada araw kaya nagagamit lahat ng pera doon. Kung may matira man maswerte akong may pangbili ng pagkain. Pero kadalasan talaga wala ng matitirang pera." "Kaya  sa murang edad, kailangan kung maghanapbuhay. Matatanda narin ang mga magulang ko kaya kinakailangan ko na talagang huminto sa pag-aaral. Kaya ngayon? Pinagmabutihan kong magtrabaho ng maigi para sa aking pamilya," dagdag nitong sabi. "May pamilya na po kayo? Hindi po halata parang nasa twenties pa kayo," sabi kong pampalubag sa damdamin nito. "Ikaw talaga binibiro mo pa ako. Oo, may pamilya na ako. May tatlong anak na kami ng aming asawa na pareho naming tinataguyod. First year highschool pa naman iyong panganay namin. Iyong pangalawa naman, nasa ika-apat na baitang sa elementarya. At ang bunso naman namin, magkikinder palang." "Hindi po talaga halata kuya. Akala ko nga single kayo," malanding sabi ng aking kaibigan. "Pero masarap ba kuya?" bulong nito. Napatawa nalang ako sa binulong nito. Pati din si manong ay natawa sa sinabi nito. Napakalandi talaga nito parang hindi babae. "Iyan ang kailangan mong matuklasan hija kapag mag-aasawa ka na. Hindi madaling magtaguyod ng pamilya kaya kayo," sabi nito habang tinuturo kami. "Pagbutihan ninyo ang inyong pag-aaral para makakuha kayo ng trabaho na malaki ang kita. Sa panahon natin ngayon, lahat na nagmamahalan. Kaya hindi sapat iyong kumikita lang ng minimum wage, iyong iba nga umeextra para lang pandagdag sa pang-araw-araw na pangangailangan." Napatango-tango kami sa sinabi nito. "O siya! Napasobra ata ang kwento ko. Alas sais e midya na. Hindi pa ba kayo uuwi?" sabi ni kuya. Tiningala ko ang kalangitang sinasakop na ng dilim. Nakasindi narin ang mga ilaw ng mga poste. Ang mga nag-aalburotong pampasaherong dyip hudyat na nag-uuwian na ang mga nagtatrabaho sa mga establisyemento. "Sige po kuya! Bukas naman ulit. Mauna na po kami sa inyo," paalam ko nito. "Bye po!" dagdag naman ni Laiceia. Tinanguan din kami ni kuya bilang pagpapaalam. Tumalikod na kami at nagsimula ng maglakad para makauwi na. "Nawala talaga ang stress ko dahil sa pagkain ni kuya. Mabuti nalang talaga naka-abot pa tayo," sabi nito. "Grabe iyong kwento ni kuya," dagdag nitong sabi. "Oo nga. Pero ngayon, grabe iyong pagtataguyod niya para naman maiahon niya ang kanyang pamilya," sabi ko. Tumigil na ako sa paglalakad. Dito na ako mag-aantay ng sasakyan. Nakakapagod kasi maglakad. "Dito na lang ako mag-aantay Lai." "Sure ka? Mag-iingat ka ha! May sabi-sabi ditong may nangunguha daw ng single," natatawa nitong sabi. "Sira! Ikaw ang mag-iingat kasi babae ka. Sige na! Baka gagabihin ka lalo," paalala ko sa kanya. "Paalam Janny!" paalam nito sa akin. "Paalam din Lai! Take care." Palayo na si Laiceia ng may sasakyan na parating. Pinara ko ito at sumakay. Mabuti nalang at walang gaanong pasahero kaya nakahanap pa ako ng bakanteng upuan. Napahikab ako nung nakaupo na ako. Napakahaba ng araw ngayon. Nakakapagod. Pero masaya. Habang iniisip ko iyong mga nangyari kaninang umaga, napapatawa nalang ako. Kaya sa susunod Janiel, gumising na ng maaga para hindi na malate. Pero okay lang, may nakilala naman ako. Ang landi. Haha! Naalala ko din iyong sinabi ni kuya kanina. Kung gaano kami ka swerte dahil naka-abot pa kami ng kolehiyo. Kaya, magpupursigido ako para sa aking pamilya. Malayo pa ang daan na aking tatahakin para sa kinabukasan kaya habang may buhay, laban lang! "Para po!" sabi ko. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at binigay ang pambayad sa drayber bago bumaba. Humanap ako ng habal-habal drayber agad at mabuti nalang may nakabakante pa. "Tiptip spring po," sabi ko sa drayber. Dali-dali nitong binuhay ang motor at pinaandar ito. Kaya ko namang lakarin papunta sa amin ngunit tinamad akong maglakad ngayon. Kapag ang lakad mo ay sakto lang, mga bente minutos ding lakaran. Pero kapag binilisan mo ang lakad mo, nasa lima hanggang sampong minuto lang. Mga ilang minuto rin ang lumipas at narating ko na ang bahay namin. Binigay ko na ang bayad nito at nagpasalamat na din. Patungo na ako sa bahay ng napansin kong hindi nakasindi ang mga ikaw sa loob. Dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay para hanapin ang aking mga magulang. "Ma, Pa?" tawag ko sa kanila. Pumasok na ako sa bahay at napakadilim nito. Ngunit, may maliit na ilaw galing sa kusina kaya pinuntahan ko ito. "Nandito pala kayo ma?" sabi ko at nagmano sa kanila. "Bakit hindi po nakasindi ang mga ilaw?" tanong ko. "Anak," sabi nito sa malumanay na tinig. "Napagdesisyunan naming patitigilin ka muna namin sa pag-aaral."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD