bc

System Hack: A Journey to Valeria

book_age4+
132
FOLLOW
1K
READ
serious
mystery
straight
bold
otaku
male lead
multiverse
special ability
kingdom building
dungeon
like
intro-logo
Blurb

In the world of Valeria, where devils and humans live, the silent war that has been ongoing for years finally reached its peak. The world's power source was stolen from its heavily guarded place – the crystal that powers and provides life support to the whole Valerian planet. A man named Griffin from earth was transported. He is lazy and have been experiencing depression, self-withdrawals, very low self esteem. His only outlet, is thru playing computer games.

But what happens after he gets transported to Valeria?

Will he become someone he never thought he could be, and save the planet?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
  Chapter 1 Griffin’s Pov: Masaya akong naglalaro ng paborito kong online game na Dragon Land. Uso ang larong ito ngayon at nagkakapera ka sa pamamagitan ng paglalaro at pag-earn ng coins. Komportable akong nakaupo sa gaming chair sa harap ng personal computer ko. Madilim ang kabuuan ng kwarto at tanging ang liwanag mula sa screen ng computer ang nagbibigay tanglaw sa kadilimang iyon. “Jump… jump—ah!” I slammed the table because of frustration. “Talo na naman.” Naiinis kong bulong sa sarili ngunit nagsimula muli akong maglaro nang may kumatok sa kwarto. “Kuya!” Sigaw ng kapatid ko sa pinto. “Ano?” Sigaw ko rin dahil ayokong lumabas ng kwarto. Naglalaro pa ako. Katok ng katok si Sam sa pinto na tila nagdadabog. Naiinis akong tumayo at binuksan ang pinto. “Ano ba! Kitang naglalaro ako.” Inis na sabi ko sabay balik sa upuan. Dali-dali kong tinapos ang laro at hindi pinansin si Sam. “Ano ba ‘yan kuya, ang dilim na nga, ang baho pa ng kwarto mo! Maligo ka na! Itapon mo na pati 'yang mga kahon ng panis na pizza na nariyan sa sahig ng kwarto mo!” bulyaw n'ya pero hindi ko s’ya pinansin at naglaro lamang. Bigla na lang binuksan ni Sam ang ilaw sa kwarto ko. “Ah—ano ba!” I winced as I forcefully closed my eyes. Ang sakit ng mata ko! “Talo na naman!” sigaw ko sa harap ng computer. Naiinis akong bumaling sa kanya at nakita ko s'yang naka-cross arms sa gilid ng pinto ko. “Problema mo?” tanong ko sa kanya. “Kuya, gutom na ako! Wala sila Mama at Papa,” turan n'ya. Oo nga pala, wala sina Mama at Papa. Busy pareho sa kanilang mga trabaho. Kami lang lagi ni Samantha ang naiiwan dito sa bahay. My sister is fourteen years old at mas bossy pa nga kay Mama. Nakatira kami sa Springfield City; dito na kami ipinanganak at lumaki. Malaki rin kasi ang lupain nila Mama rito at accessible lang sa syudad. Medyo malapit lang din ang office nila Mama mula rito. “Umorder ka ng pizza at wag mo akong guluhin.” Sabi ko sa kanya saka tumayo sa upuan at akmang isasara ang pinto nang hinarang n’ya ako. “Pizza na naman? May pera pa ba tayo?” sabi n’ya na nakataas ang kilay. Padabog akong bumalik sa lamesa at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang wallet ko. Kumuha ako ng limandaang piso saka bumalik sa kanya at binigay ito. Napaatras s'ya ng kaunti palabas ng kwarto ko. “Oh, ayan! Pepperoni sa akin.” Sabi ko sabay sara ng pinto. Bumalik ako sa paglalaro dahil may quota pa akong hinahabol. Sayang kasi ang extra income ko at nakakatulong naman ito sa pambili ng pagkain namin ni Sam tuwing nakakalimot magbilin nila Mama ng pera. Buong buhay namin, ganito na ang gawain nina Mama at Papa. Puro mga workaholic at parating wala sa bahay. Kailangan ko na ring mag-grocery at bumili ng stocks namin sa bahay para hindi na palaging o-order ng pagkain sa labas. Mas magastos din kasi iyon. Kaso nga, pareho kaming tamad magluto ng kapatid ko. Matapos ang quota ko ay saktong dumating naman ang pizza na inorder ni Sam at sa kwarto ko na kinain. Natulog na lang ako matapos ang lahat ng dapat ko gawin at maaga akong aalis bukas para bumili ng makakain. The next day… Napahikab ako habang naglalakad. Nakasuot ako ng oversized t-shirt, sweatpants at slip-ons. Inaantok pa ako at maaga akong nagising dahil na rin nilinis ko ang aking silid. Napilitan na rin akong linisin iyon dahil nagrereklamo na si Sam na ang baho na ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya naman tulog pa si Sam sa mga oras na ito. Ginising ko naman s'ya bago ako umalis para makapag-almusal dahil nagluto na ako ng itlog at hotdogs, kaso tulog mantika ang kapatid ko. Napakamot ako sa ulo ko at napatigil sa paglalakad nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ng tindahan. Malapit na ako sa supermarket. Napakagulo ng buhok ko na tila hindi niyon kilala ang suklay. Mamasa-masa rin ang gilid ng mga mata ko dahil sa luha kakahikab ko kanina. Pinunasan ko iyon. Doon ko lang napansin ang pulang mantsa sa aking damit. “Tsk! Puti pa naman ito,” napailing kong sabi. Hindi ko ito napansin kanina, marahil galing ito sa ketchup ng pizza kagabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kalaunan, narating ko na ang building ng supermarket sa aming syudad. Agad akong pumasok sa loob at kumuha ng push-cart. Dumiretso muna ako section kung nasaan ang cup noodles nila. Iyon kasi ang mas go-to food ko habang naglalaro. Mabilisan lang ako kung mag-grocery dahil kung ano ang mga kailangan naming sa bahay, iyon lang naman ang bibilihin ko. Ah, naalala kong bigla. Naikwento ng isa sa mga kalaro ko na napakatagal mag-shopping ng girlfriend n'ya pero pagdating naman sa counter, kakaunti lang ang bibilhin. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ang iba ay ang tagal mamili sa supermarket, eh, pare-pareho lang naman ang mga produkto na naka-display. Ano bang ipinagkaiba? Brand lang naman, ah. Napailing ako sa naalala ko. Ewan ko ba, misteryo talaga 'yon. Dumako naman ako sa section ng mga fresh goods and meat. Magluluto ako ngayon ng gulay dahil puro na kami junk foods nitong mga nakaraang araw. Ayokong magkasakit si Sam. Masasabi ko namang responsable ako, kaso nga lang kapag naglalaro ako ay nakakalimutan ko talaga ang oras pati na rin ang responsibilidad ko bilang kapatid. Kailangan ko na talagang baguhin 'yon. Twenty-five na ako pero wala pa rin akong trabaho at nakatira pa rin sa bahay ng mga magulang ko. Hindi ko rin kasi maiwan ang kapatid ko mag-isa sa bahay sakaling umalis na ako sa poder nila Mama at Papa. Sigurado akong mahihirapan din akong maghanap ng trabaho dahil hindi naman ako magaling at natatakot akong walang tumanggap sa akin. Madali lang akong natapos sa pag-gogroceries at naglalakad na ako ngayon pauwi ng bahay. Limang bloke lang naman ang layo kapag galing sa supermarket papunta sa bahay namin kaya naglalakad lang ako. Habang bitbit ko ang mga bag ng mga pinamili, I looked around my surroundings. Ngayon ko lang nakita ang building na nakatayo rito sa ikalawang kanto mula sa supermarket.  Kunsabagay, hindi naman ako pala-labas ng bahay namin. Ang dami agad ng mga nagbago. Hindi na rin iyon nakapagtataka dahil nakatira ako sa syudad. May isang building na halos glass na ang lahat ng exterior design, at mayroon itong isang malaking LED display. Sa laki ng LED display, nasakop na niyon ang may apat na palapag ng gusali. Isang ad ng isang new game ang ipinalalabas. Sa dulo ipinakita ang pangalan ng bagong laro, Journey to Valeria. Maganda naman ang graphics, halatang malaki ang nagastos para buuin iyon. Even the game's preview at trailer video ay nakamamangha. "Hmm... Di ko pa ito nasusubukang laruin. Kailan ba ang release nito?" Nakatingalang bulong ko sa sarili. Napatigil ako sa paglalakad. Inilagay ko ang kaliwa kong kamao sa ilalim ng baba ko at isinuporta ko naman ang kanang braso sa ilalim ng kaliwang siko habang hawak ng kanang kamay ko ang mga bag ng mga pinamili ko. Nakapuwesto ako sa likod ng isang loading area na tila ba ay nag-iisip ng malalim. Ilang saglit pa'y ibinaba ko na ang mga kamay ko at nagsimula muling maglakad. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Naisip kong baka gising na kasi Sam at umalis s'ya nang walang paalam. Ako na naman malalagot kila Mama. Pinindot ko na ang mga numero ng passcode sa pintuan ng bahay namin. I heard the beep and click sounds of the unlocking door. “Kuya, saan ka galing?” Bungad sa 'kin ng kapatid ko na nanonood ng TV at nakapatong pa ang mga paa sa lamesa. Naka-krus pa ang mga braso n'ya habang nakahawak ang isang kamay sa remote at nakataas ang isang kilay. “Obviously, nag-grocery. Tulungan mo na lang ako rito at baka hindi ko ibigay ang paborito mong chocolate sa ’yo,” sabi ko at mabilis pa yata sa kidlat ay tumayo na ang kapatid ko at kinuha ang ilang mga bag na hawak ko. “Tulungan na po kita,” parang nagbabaitan n’yang sabi. Napailing na lang ako sa kanya. Inayos namin ang mga pinamili ko sa kusina at saka bumalik si Sam sa panonood ng TV, bitbit ang paborito n'yang tsokolate. Umakyat na ako sa silid ko at binuksan ang computer. Maglalaro akong muli ngunit nag-set ako ng alarm para mamayang hapon ay mag-be-break ako. Tumunog ang alarm bandang alas-singko ng hapon. Bumaba ako para magluto ng gulay na uulamin naming dalawa sa hapunan. Pagkatapos nito ay tinawag ko na rin Sam para bumaba at kumain. Sabay kaming nag-dinner at naglinis ng kusina pagkatapos ay umakyat na kaming muli sa sari-sarili naming mga kwarto. Habang naglalaro ako, may isang ad ang laging lumalabas sa screen. I irritatingly closed the ad dahil natatabunan na ang nilalaro ko. Muntik pang matalo ang character ko. Nakabubwisit talaga kapag may mga ganoong pop up ads sa screen lalo na kapag naglalaro. Ang laking harang. Napatingin ako sa oras, alas-otso na pala ng gabi at di ko man lang namalayan. Madilim din kasi sa silid ko dahil sa blinds ng bintana. Himala at hindi ako ginulo ngayon ni Sam. Patuloy lang ang paglalaro ko ng games. The ad still popped up a few more times. "Teka nga," naiinis kong sabi. Itinigil ko muna ang nilalarong game. Tiningnan kong mabuti ang lumitaw na ad sa screen at binasa ang mga nakasulat doon. "Hindi ba't ito 'yong laro na nakikita ko sa display kanina? Iyong A Journey to Valeria?" Napansin kong may rectangular button sa gilid at nakasulat dito ang click here. Sa inis ko, iki-click ko na sana ang ad nang biglang may sumigaw. “Griffin! Sam! We’re home!” Boses iyon ni Mama. Hindi ko na pinansin ang ad at ini-off ang computer sabay alis sa suot na headphones at inilapag iyon sa ibabaw ng keyboard. Lumabas at bumaba ako ng kwarto para batiin sina Mama na kararating lang galing trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.3K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook