Chapter 2

1380 Words
Chapter 2 Griffin’s Pov: “Griffin!” Patuloy na pagtawag at pagkatok sa pinto ng kwarto ko. “Po!” sabi ko na tila inaantok pa. Nabosesan ko si Mama na kanina pa pala sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa oras at alas-tres na pala ng hapon. Ang tagal ko palang nakatulog! “Aalis kami ng Papa mo at ni Sam, magsisimba at pupunta ng mall. Ayaw mo bang sumama?” Tanong ni Mama sa kabilang side ng pinto. “Wag na po Ma, kayo na lang!" Garalgal ang boses ko na sumigaw. “May pagkain sa ref, i-microwave mo na lang kapag gutom ka na, ha?” bilin ni mama. Then, I heard her receding footsteps. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig kong umandar na ang kotse at umalis sa garahe. I tried to go back to sleep kaso hindi na talaga ako makatulog. Mahirap na sa akin ang makabalik pa sa pagtulog kapag nagising o naalimpungatan na ako. I instead stood up at kinuha ang tuwalyang nakasampay sa metal clothes rack na malapit sa bintana ng kwarto ko at pumasok ng banyo para maligo. Maglalaro na lang ako pagkatapos. I grabbed a fresh pair of sweatpants and t-shirt from my drawers. As I dry my hair with my towel, I turned on my computer para ma-i-load ang game. Nag-ping ang chatterbox ko at may message na pumasok. I opened it and one of my online friends sent me a message. Andrew27: Laro tayo call of duty, sama si Master Jim sa 'tin. I typed my reply at hit send. Griv: G lang pare. Invite mo ako. Griv ang username ko sa lahat ng online games na nilalaro ko. Madali akong makikita ng mga kalaro ko sa iba't ibang online games dahil iisa lang ang ginagamit kong username. May mga same friends na nga rin ako sa iba pang games, eh. Isinampay ko na muli ang tuwalya sa rack at bumalik sa harap ng computer. Hinila ko ang swivel gaming chair at habang nagpipipindot sa keyboard ay dahan-dahan akong umupo. Naka-focus na ako sa lalaruin kong game. Natigilan naman ako bigla sa naisip. "Ay, kakain ba muna ako? Hmm... Teka, ayusin ko nga 'tong gagamitin ko." Ipinagpatuloy ko ang pagpili sa mga items at accessories na gagamitin ko sa laro. Ito naman ang nilaro ko kasama ang kaibigan kong na-meet ko lang online. Hindi ko talaga alam sino at ano ang mukha nila, sadyang naging kaibigan ko na lang sila sa kalalaro online. In short, hindi ko sila kilala personally. “Oh, sa kanan pare! Cover me,” sabi ko. Naka-on ang mic namin habang naglalaro. Mas madali kaysa chat. Gyera ang larong ito at masaya laruin kapag kasama ang kaibigan at may ka-party. “Teka! Reloading,” sigaw ko nang naubos ang bala ng character ko at tinatamaan na ng kalaban. “Griv, tago ka muna!” utos pa ni Andrew na tinitira ang kalaban sa harapan namin. Mabilis kong pinunterya ang isang kalaban sa gilid namin matapos kong mag-reload at isa na lang ang natitirang kalaban. “Ikot kayo sa kabila,” sabi ni Master Jim sa linya. Inikot ko ang kabilang mapa at nakita ang huling kalaban namin. Agad akong nag-switch ng baril sa aking sniper rifle at tinamaan ito sa ulo dahilan kung bakit nanalo kami. “First place na naman! Nice, G!” sigaw ni Andrew. “Oo nga, nice game!” pagsang-ayon pa ni Master Jim. “Ano, isa pa?” tanong ko sa kanila. Kanina pa kami naglalaro at hindi ko namalayan alas-sais na pala. “Mamaya na ulit pare, kain muna ako,” sagot ni Andrew. “Ako rin. May pupuntahan muna ako," sabi naman ni Master Jim. “Sige, chat na lang pag G na," sagot ko at saka pinatay ang tawag. Ako na nga lang ang maglalaro. Kaso ang tyan ko, hindi naman nakiki-cooperate. Naramdam ko na ang pagkalam niyon. "Ah, malilipasan ako ng gutom nito. Mas masakit sa tyan kapag di pa ako kumain," sabi ko sa sarili. Tumayo ako at bumaba ng kusina. Ang dilim ng bahay at hindi pa nakakauwi sina Mama, Papa at Sam. Nasa mall pa siguro ang mga 'yon. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pagkain na sinabi ni Mama saka ipinasok iyon sa loob ng microwave pa i-reheat. Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa kwarto at muling naglaro. Sumasandok ako at ngumunguya ng pagkain in between quests. Naglalaro ako ngayon ng Dragon Land. Busy ako sa laro ng biglang nag-pop up muli ang ad na nakita ko kahapon. Saan ba galing ang ad na 'to at palagi na lang sumusulpot sa screen ko? I exited the ad and continued to do the quests sa Dragon Land para matapos ko na ang quota ko. Ilang oras ang dumaan ay narinig ko ang ugong ng isang sasakyan sa garahe. Sila na siguro iyon. “Griffin!” sigaw ni Papa sa baba. Narinig ko na rin ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ibinaba ko ang bowl ng pagkain sa tabi ng keyboard at iniwan ko muna ang laro, tutal natapos ko na rin ang mga quests ko ngayong araw. “Griffin!” tawag ulit ni Mama. Tumayo na ako at kaagad na bumaba at sinalubong sila saka nagmano. Natanaw ko ang kapatid ko sa sala na nakaupo at may binubuksang box. Lumapit ako sa kanya at umupo sa sofa sa harapan n’ya. “Ano na naman ang ipinabili mo kina Mama?” tanong ko sa kanya. Nasa kusina sina Mama at Papa nag-uusap. “A new headset!” nakangiting sabi n’ya. Binuksan n'ya ang box at isang kulay pink na headset at may cat ears na design ang inilabas n'ya mula sa kahon. “Bagay ba kuya?” Tanong ni Sam na malaki ang ngiti sa labi. “Oo naman,” sagot ko sa kanya.  Tuwang-tuwa na sinuot ito ni Sam at tumakbo sa itaas, papunta ng kanyang silid. I heard the door close. “Griffin, may dala kaming lasagna. Kainin mo muna habang mainit-init pa,” tawag ni Papa. Lumapit naman ako sa kanya at ginulo n'ya ang buhok ko. “Pakipatay na lang ng ilaw anak. Mauuna na kami ng Papa mo sa itaas,” sabi ni Mama at magkasunod silang umakyat ni Papa. Napatingin ako sa plastic na may laman ng lasagna. I took out a spoon from the drawer at pinatay ang mga ilaw sa kusina at sala saka umakyat na muli sa kwarto. Kahit naman busy sina Mama at Papa, maalaga at maalalahanin sila lalo na kapag nandito na sa bahay. Mabait ang mga magulang ko. Ni minsan, they didn’t pressure me to look for work. Instead, they gave me space para raw makapag-isip ako sa gusto kong gawin sa buhay ko at bata pa naman daw ako. Tumungo na ako sa kwarto and locked the door behind me. Umupo na ako sa gaming chair ko at napatingin sa computer. Nasa screen ko na naman ang advertisement ng ‘A Journey to Valeria’. Kanina pa 'to. Nabubwisit na talaga ako sa ad na ito. Na-virus na ba ang computer ko? Pero imposible dahil alaga ko at well-maintained iyon. Hindi naman mukhang na-hack ang account ko kasi may access pa ako rito. Bwisit talaga. "Desperado na ba ang sales team ng developer ng game na 'to sa kaka-advertise? Wala bang naglalaro ng game nila? It is becoming really annoying. Wala talagang maglalaro kung ganito sila ka-agresibo, sinisira na nila 'yong game space ng mga player. Pambihira naman talaga," naiirita kong sabi sa harap ng computer. Sumubo ako ng lasagna and decided to check the ad. Wala naman sigurong mawawala sa akin. The ad brought me to a website na tungkol sa larong 'A Journey to Valeria'. Sa baba may ‘join now' button ito kaya wala na akong sinayang na oras and clicked the button until—I felt something weird. A bright, blinding light flashed on the screen, forcing me cover my eyes with both my hands. Ang sakit sa mata ng liwanag, may balak yata akong bulagin ng mga 'to, eh. I felt a surge of energy rushing through my veins, a feeling like I am being zapped with a five-thousand volt lightning. And in a flash, I felt light-headed and eventually lost consciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD