Chapter 3

1950 Words
Chapter 3 Griffins Pov: I woke up to the feeling that something is licking my cheeks. I slowly opened my eyes at napabalikwas kaagad ako ng bangon. A deer was licking my face. Napatayo ako kaagad but then felt suddenly dizzy. I staggered and a few moments I bent down and threw up. I was cussing internally for a good few minutes dahil sa nararamdaman kong pag-aalburuto ng tyan ko. I coughed up a few times and shouted, "Pambihira!" I wiped my mouth with the back of my hand and panted. After I calmed down, I took in a deep breath and looked up, only to see that I woke up in a completely different area. It looks like a savanna sa mga nakikita kong pictures and videos ng National Geographic Channel, at mahangin. Literal na sariwang hangin ang nalalanghap ko. Nakaramdam ako ng sandaling pangangatog ng katawan. And as far as my eyes could see, a herd of deer was visible and there was nothing else. May mga matataas na damuhan ngunit walang kahit sino man sa paligid. Nagpalingon-lingon pa ako. Naisip kong baka may lumitaw na leon o tigre o ano mang carnivore rito. Baka feeding ground ito ng mga predators. Kinabahan ako kaagad sa naisip at inilapat ko ang kamay ko sa dibdib ko. Napayuko naman ako at napatingin sa suot ko. "What the—" Laking gulat ko sa nakita ko. I am currently dressed in different kind and style of clothing. Nakasuot ako ng dirty brown na tunic at pants na kulay khaki. Teka, ano ba 'to? Wool? Bakit ako nakasuot ng ganito? “Nasaan ba ako?” Mahina kong sabi. Is this a dream? This must be a dream. Iginala ko ang aking paningin at hindi talaga pamilyar sa akin ang lugar na ito. “Sam!” sigaw ko ng malakas. “Samantha!” sigaw kong muli. Naglakad ako patungo sa isang mataas na kahoy na natumba at tumuntong dito. This way I can get a clearer view kung nasaan ako. “Ma! Pa!” sigaw ko sa hangin. I was hoping someone will hear me. Napatigil ako sa kasisigaw when I noticed something rustled on the tall grass. Hindi ko makita kung ano iyon kahit may kataasan na ang tinatapakan ko. Nagulat ako nang biglang may tumalon na usa sa harapan ko. Napaatras ako at nawalan ng balanse dahilan para mahulog sa lupa. “Argh! Ang sakit!” I winced in pain. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo para pagpagan ang sarili. Muntik pa  akong matumba dahil sa sakit ng paa. Nabalian pa yata ako sa paa. "Bwisit nga talaga. Saan ba ko makakahanap ng tulong dito?" Naiirita kong sabi. Luminga-linga akong muli sa lugar at may nakita akong manipis na guhit ng usok sa ere. “Pag may usok, may tao,” sambit ko sa sarili. Nagsimula akong maglakad kahit masakit ang paa ko. Nakakita ako ng makapal na sanga ng kahoy at dinampot iyon. Sinubukan ko iyong iwasiwas sa hangin at ihampas-hampas sa lupa upang masubok kung matibay. Hindi iyon nabali kaya minabuti kong gamitin na saklay. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng isa kong paa at bukong-bukong. “Panaginip lang 'to,” pilit kong sabi sa sarili. The smoke I saw earlier came to a view. What I saw was an arch as an entrance to a village not far from where I am now. Ang usok ay nagmumula sa loob ng lugar na iyon. Sa magkabilang gilid ng arko ay ang nagtataasang pader na gawa sa mga malalaking bato at natuyong putik. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad kahit nahihirapan hanggang sa nakarating na ako sa mismong bukana ng village na iyon. Sumilip-silip muna ako sa magkabilang gilid. Ang pader na natanaw ko ay nagkukulay berde, brown at itim na dahil sa lumot na tumubo at bumabalot na rito. Sa loob naman ay puno ng mga tao na aligaga sa kanilang mga ginagawa. Napatingala ako sa kaliwa't kanan ko upang pagmasdan ang paligid. Maraming mga nakatayong bahay na may disenyong kubo at gawa sa kahoy pati mga tuyong dahon ng puno. It looks primitive. Napatingin ako sa tila quadrangle na may mga nagkukumpulang ng mga tao kung saan ang iba ay may nakalatag na damo o dayami at may mga nakapatong na tela, prutas, gulay, alahas, at kung anu-ano pa. May mga tao na nakaupo at nakatayo sa bawat pwesto, nag-uusap o nagnenegosasyon. Marahil ito na ang palengke o trading area nila. Where exactly am I? I tried to talk to one of the villagers but they all dismissed me as if I were disturbing them. “Excuse me,” I tried to stop the man that was carrying a bag of fruits. “Ano ba!” bulyaw n'ya at itinulak ang kamay na inabot ko. Nagpatuloy s'yang naglakad paalis at hindi ako pinansin. “Sandali po,” sabi ko sabay habol sa lalaki ngunit bigla naman akong natumba sa kalakasan ng pwersa ng bumangga sa akin. “Umalis ka nga riyan sa daan!” galit na hiyaw naman ng isang lalaki na hila-hila ang isang kabayong may dalang mga kahon na gawa sa kahoy. Napalingon at pinagtinginan lang ako ng mga tao sa paligid. Pilit akong tumayo at naglakad patungo sa gilid ng daan at wala ni isang tumulong sa akin. “Aw!” I winced in pain as I tried to walk without my improvised cane. Napatingin ako sa namamagang paa ko. Kailangan ko na talaga ng yelo para rito. Napaupo ako sa gilid ng daan saka huminga ng malalim. “Oh.” Nagulat ako nang may nag-abot ng mansanas sa harap ko. Isang lalaki na parang kasing-edad ko lang. May pagkakatulad kami ng kasuotan kaso mas mukhang madumi ang sa kanya. Tinanggap ko ang mansanas na ibinigay n’ya dahil nagugutom na rin ako. Isinuka ko rin naman ang lahat ng nakain ko kanina. “Bago ka ba rito?" Tanong n'ya sabay upo sa tabi ko. Tumango naman ako at ikinuskos ko ang mansanas sa damit ko. “Saan bang lugar ito?” Tanong ko naman sa kanya. “Edgeville. Pasensya ka na at hindi kita natulungan kanina nang natumba ka. Ayos lang ba ang paa mo?” paghingi n'ya ng pumanhin sa akin. “Ah, hindi, eh. Nahulog kasi ako mula sa isang kahoy, hindi kalayuan dito.” Sabi ko sa kanya sabay kagat sa mansanas. “Magtatagal ka ba rito?” Tanong n'yang muli. Napaisip tuloy ako. Gaano ba katagal ang panaginip na ito? Parang totoo nga dahil sa sakit na nararamdaman ko sa paa. Normal bang makaramdam ng sakit kapag nananaginip? “Ayos ka lang?” Tanong n'ya ulit at winagayway ang kamay sa harap ng mukha ko para makuha ang aking atensyon. “O—Oo naman. Ano palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Erick." Sagot n'ya. "Ikaw?” “Griffin," sagot ko naman. “Wala ka bang dalang kagamitan? Alam mo na ba kung saan ang matutulugan dito? Kailangan mo na lagyan ng gamot 'yan." Sabay turo sa paa kong namamaga. "May makikita kang halamang gamot doon malapit sa ilog. Mahahaba tsaka kulay ng nag-aagawang dilaw at berde ang mga dahon niyon. Durugin mo at ipahid dyan sa paa mo,” sabi n’ya at itinuro naman ang direksyon ng sinasabi n'yang ilog. Natanaw ko ang kanto ng trading area at mukhang may daan doon paliko patungo sa sinabi n'ya. “Salamat. Kaso matutulugan?” Napakapa ako sa aking bulsa. My eyes widened ng malaman na wala pala akong pera. “Wala akong pera," sabi ko sa kanya. Para naman itong naawa sa akin. “Erick! Halika na!” Sigaw ng isang matandang lalaki sa di kalayuan. Kasamahan n'ya siguro ang matandang iyon. “Pasensya ka na, wala na akong maibibigay pa. Nagpabayan lang din kami para magtrabaho. Kailangan ko nang umalis,” pahayag n'ya at tumakbo na patungo sa matandang lalaki na tumawag sa kanya. Inubos ko muna ang mansanas bago tumayo para hanapin ang gamot na sinasabi n’ya. Lalong sumasakit na ang paa ko at kailangan ko ring makapaglakad ng maayos. Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa gilid ko. Si Erick. Bumalik s'ya. “Griffin, magtungo ka sa kamalig na pula. Malapit iyon sa may ilog. Pwede kang matulog doon pero huwag kang magpapahuli sa may-ari. Paalam na at magkikita pa tayo sa susunod, kakausapin ko si Tatay,” nagmamadaling sabi n’ya at patakbong umalis muli. Kamalig na pula? Pero sa ilog din naman ako patungo, hahanapin ko na lang iyon. Malapit na ring gumabi at dumidilim na. Baka sa pagtulog ko ay gigising na ako at nakabalik na sa reyalidad. Naglakad ako patungo sa kanto na sinabi ni Erick at sa di kalayuan may nakita nga akong ilog. Palabas na rin ito sa village nila. Nang makalapit ako sa ilog ay nakita ko nga ang dahon na kulay yellow green at mahaba. "Ito siguro iyon," mahina kong sambit. Pumitas ko ng ilang dahon at dinukdok iyon gamit ang makinis na batong nakuha ko mula sa ilog. Ang nadurog na mga dahon ay itinapal ko sa namamaga kong paa ko. Kumuha pa ako muli ng isa namang malapad na dahon at ginamit iyong pantakip sa nakatapal na halamang gamot. Ang sinulid na nakita kong natastas mula sa suot kong pang-ibaba ay hinila ko saka pinutol at ginamit na pantali sa itinapal na gamot. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang malamig na sensasyon mula sa dinurog na dahon. "Menthol ba ito?" Tanong ko sa sarili. Tiningnan kong muli ang halaman na pinagkuhanan ko. It looks really different sa alam kong hitsura ng mint leaves. Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya't lumapit ako sa pampang ng ilog at umiskwat. Gamit ang mga kamay, sumalok ako ng tubig at ininom iyon. Sariwa at nakakapawi ng uhaw ang tubig. Ilang ulit kong ginawa iyon hanggang sa na-satisfy ko na ang uhaw na naramdaman ko. Sa di kalayuan, natanaw ko ang isang pulang animo'y bahay. Iyon na ba ang kamalig na tinutukoy ni Erick? Tumayo akong muli at nagpalinga-linga. Umihip ang malamig na hangin at napayakap ako sa sarili. Ramdam ko na ang ginaw kaya't naglakad na ako sa direksyon ng kamalig. Nakahanap din ako ng bagong sanga na maaaring gawing tungkod sa paglalakad para hindi ko na mapwersa ang aking namamagang paa. Pumasok ako sa loob ng kamalig at nakitang may dalawang kabayo rito at ilang mga kambing. Wala akong iba pang naiisip na paraan sa ngayon kundi dito na matulog dahil malamig na sa labas. Bukod pa roon, mas maiging matulog sa loob ng isang saradong espasyo kaysa sa open-air. Mas mabilis na magdudulot ng sipon ang ganoon. At higit sa lahat, hindi ako pamilyar sa lugar. Nakakita ako ng tambak ng dayami at mga tuyong damo sa loob ng kamalig. Kumuha ako mula rito at gumawa ng latag sa damuhan. Ipinuwesto ko iyon sa hindi kaagad mapupuna dahil sa bilin ni Erick na huwag akong magpapahuli sa may-ari ng kamalig. Ang ibang tambak ng dayami at tuyong damo ay ginawa kong pananggalang sa may paanan ko para hindi kaagad ako makita ng may-ari sakaling pumasok ito rito sa kamalig. Inilapag ko na rin ang tungkod ko at pagkatapos niyon ay saka ako nahiga. Naririnig ko ang huni ng mga kulisap mula sa labas ng kamalig at maging ang ilang tunog at kaluskos ng mga hayop na natutulog dito. "Ang weird naman ng panaginip ko. Parang tunay talaga," bulong ko sa aking sarili. "Itutulog ko na lang ito at siguradong bukas, pagkagising ko ay nasa kwarto na ako at kaharap ang computer." I took a deep breath. Ipinikit ko na ang aking mga mata at itinakip ang kanang braso roon. Ilang minuto pa'y tuluyan na akong nawalan ng kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD