bc

Billionaire's Famous Celebrity Lover

book_age16+
1.6K
FOLLOW
18.2K
READ
billionaire
kickass heroine
self-improved
inspirational
CEO
doctor
office/work place
abuse
actress
passionate
like
intro-logo
Blurb

Book 4 of 4

Kael Guzman is one of the best psychiatrists in the city. He will meet his new patient Alya Maia ‘Amarie’ Rientes, the Famous Celebrity in the Country. The celebrity is suffering from Post-traumatic stress disorder (PTSD).

Kael will sympathize with her situation because of her bad experience. Same with Amarie, she feels secure and safe with his doctor. Many things change when Kael appears in her life.

‘Is it possible to fall in love with your patient? Not just a patient, but a superstar!’

They have two different worlds. One is secluded, and the other one is public. Let us witness their love story if they can make it until the end.

Book 1 of 4: Billionaire's Gangster Wife

Book 2 of 4: The Billionaire Conquers Her Heart

Book 3 of 4: Billionaire's Karma

chap-preview
Free preview
Prologue
Alya Maia “AMARIE” Rientes Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay bumabalik sa aking isipan ang lahat ng alaala. Ang takot, sakit at pighati ng nakaraan na kailanman ay hindi na mawawala sa aking puso at isipan. “Mamatay ka na!” puno ng galit na sabi ng isang tinig. “Mamatay ka na!” saad ng isang babae habang bumubuhos ang luha sa kaniyang mga mata. “Mamatay ka na!” bulyaw niya sa lalaking nakahandusay sa sahig habang patuloy na sinasaksak ang kutsilyo sa dibdib. Nakakatakot! Nakakapanindig balahibo! Nanginginig ako sa sobrang tindi ng takot. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala. Pati ako ay para na ring namatay nang isunod naman niyang saksakin ang kaniyang sarili habang bumubulong sa walang buhay na lalaki. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang babaeng nag-aagaw buhay. Tinakpan ko ang aking bibig sa nagbabadyang mga ungol at sigaw. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na tulala habang umiiyak. Ang masaksihan ang tagpong iyon ay sariwa sa aking isipin. Lumipas man ang taon ay hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Habang buhay ko na marahil dadalhin ang nangyaring iyon sa aking buhay. Mamamatay ako na baon ang masamang nakaraan na iyon sa aking himlayan. “Alya!” “Alya!” “Alya!” Pagdilat ko ng aking mga mata ay isa lang ang aking nasambit sa sarili . . . ‘Sana hindi na ako nagising pang muli! Sana kasabay ng pagkamatay nila ay pinatay na rin nila ako! Para hindi ko na nararanasan ang masalimuot na buhay na mayroon ako ngayon.’ Rinig ko sa aking tabi ang isang babae na humahagulgol. Niyuyugyog niya ang aking braso at ginigising ako. Lumingon ako sa kaniyang gawi at ngumiti. “Ano na naman ba ang naisip mo para gawin ito?” tanong niya sa akin habang umiiyak. ‘Ilang beses ko na nga bang nilunod ang aking sarili sa pag-inom ng sleeping pill? Ilang beses na ba akong muntik nang mamatay dahil sa gamot na ito? Sa dami ng beses na iyon ay heto ako at humihinga pa rin!’ “Yna!” tawag ko sa kaniyang pangalan. Siya ang kumupkop sa akin simula nang maulila ako sa aking magulang. Napakaswerte ko na siya ang naging sandalan ko sa mga panahon na puno ng kadiliman ang aking mundo. Siya rin ang talent manager ko sa showbiz industry. “Pinag-alala mo talaga akong bata ka!” Pinupunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata. “Ano ba ang pumasok sa isip mo para gawin na naman ito?” tanong niya habang mahigpit na pinipisil ang aking kamay. “Anak naman!” Isang pares ng mata ang matalim na nakatitig sa akin nang magawi ang aking atensyon sa lalaking nasa kabilang gilid ng higaan. “Dok!” bati ko sa kaniya. Napasinghap lang siya at iniiwas ang tingin sa akin at ibinaling kay Yna. “You don’t have to worry, Ma’am! Okay na si Alya. I will prescribe new pills para sa kaniyang PTSD – Sleep Disturbance.” “Thank you, Dr. Kael! Salamat at hindi ka nagsasawa na alagaan ang pasyente natin kahit sobrang tigas ng ulo!” Umiling siya. Seryoso pa rin ang mukha. “Next time na maulit pa ito ay bibitiwan ko na siya. Ayoko sa lahat ay matigas ang ulo. I will not waste my time sa mga taong gusto na talagang mamatay.” Sa akin siya nakatingin. “Right, Miss Amarie?” tanong niya. “Mas gugustuhin ko na gamutin ang taong gustong gumaling sa kaniyang sakit kaysa paulit-ulit na mag-attempt na magpakamatay!” Nginitian ko siya. Inabot ang kamay. “Sorry!” sambit ko. Kasabay ng salita na iyon ay ang luha sa aking mata. “I’m sorry!” “Do you think your sorry is enough, Alya? Hindi mo ba naisip na nandyan si Yna para tulungan ka? Nandito ako!” Bumitiw siya sa aking pagkakahawak. “I hate you! I hate you because you don’t value your life! You don’t value the people around you dahil mas gusto mong balikan ang nakaraan na pumapatay sa iyo!” Huminga siya nang malalim, “Paano kung isang araw ay maulit na naman ito at hindi na kita nailigtas?” tanong niya. “Are we not enough for you para ipagpatuloy ang buhay mo? Am I not enough to be your reason to move forward in your life?” Patuloy na umaagos ang luha sa aking mata. Wala akong maisagot sa lahat ng sinabi ni Kael. Napatakip na lang ako sa aking mukha at inilabas ang mga luha at sakit. Then suddenly, naramdaman ko ang kaniyang mahigpit na yakap. “I’m sorry!” paghingi niya ng tawad. “Natatakot ako na mawala ka sa akin, Alya! Sana huwag na maulit ito dahil hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nawala ka!” Tinugunan ko rin ng yakap ang kaniyang pagyakap sa akin. His warm skin made me feel calm and safe. Simula nang maging parte siya ng aking buhay ay alam kong meron na rin siyang puwang sa aking puso. “I’ll try harder!” bulong ko. Ibinaba ko ang isa kong kamay upang kunin ang kamay ni Yna. “I’m sorry, Yna! Sorry kung pinag-alala na naman kita. I promise, hindi na ’to mauulit!” May dahilan ang diyos kaya tayo humaharap sa isang sitwasyon, mapait, masakit at malungkot man ito ay binigyan niya ako ng pag-asa. Kaya siguro hanggang ngayon ay buhay pa ako, dahil may rason pa ako para mabuhay. Ang nakaraan ay dapat ko nang kalimutan dahil may mga dahilan na ako para magpatuloy na mabuhay at maging masaya. At ang dahilan na iyon ay si Yna, ang mga taong sumusuporta sa akin, at ang lalaking tinanggap ang aking nakaraan at pagkatao. Araw-araw ay babangon ako na sila ang aking nasa isip at puso para tandaan at gawin ang aking pangako. ‘I will live my life to the fullest! I will love myself! I will continue my life as better as I can!’

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook