Chapter 3

2075 Words
Irene "Over fatigue, s*xual abuse. May mga pasa rin akong nakita sa kanyang katawan. Mr. Third, tell me, are you s*xually active with your wife?" "Yes, since our wedding madalas naming gawin ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lang ito nangyari." "That's weird. Sa result na pinapakita ng katawan ng iyong asawa, It seems that, she is not s*exually active." Ang mga bagay na naririnig ko sa paligid ay unti-unting nagpagising sa aking diwa. Hindi ko alam kung nasaan ako at wala akong ideya kung sino ang dalawang tao na nag-uusap sa aking tabi, ang alam ko lang, dalawang lalaki ito. Maingat kong inangat ang dulo ng aking daliri upang malaman ng mga taong ito na ako ay gising na. "Clara, are you awake?" Isang mainit na palad ang naramdaman kong dumampi sa aking kamay. Noon ko lang napagtanto na ang tinig na ito ay nagmumula kay Third, ang asawa ni Clara. Kahit mabigat ang talukap ng aking mga mata, pilit ko itong binuksan upang malaman kung nasaan ako. Noong una ay malabo pa ang aking paningin, hanggang sa unti-unti kong naaaninang ang malayong kisame mula sa kama na aking kinahihigaan. "N-Nasaan ako?" hirap kong sambit. "Dinala kita rito sa ospital, nag-collapse ka kasi kanina," nag-aalalang tugon ni Third na ngayon ay nakahawak sa aking kamay. Sa pagtama ng aking mga mata sa kanyang mukha, nakita ko ang kaba, saya, pag-aalala na nababakas dito. Kakaibang init ang yumakap sa aking puso. Pakiramdam ko ay totoong totoo ang pag-aalala niyang ito. Ngunit sa tuwing iisipin ko na ibang tao ang nakikita niya sa aking mukha, tila unti-unting sumisikip ang aking paghinga. "K-Kumusta ang pakiramdam mo? Maayos ka na ba?" nauutal na tanong ni Third sa akin. Pinilit kong itaas ang magkabilang gilid ng aking labi, saka nagbigay ng matamis na ngiti sa kanya. "Oo, maayos na ako," tugon ko. "Thank, God!" wika ni Third. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Kahit halimaw ang lalaking ito pagdating sa kama, ramdam pa rin ang pagmamahal na nagmumula sa kanya. Kung minsan, sa ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang hindi mainggit sa babaeng nagmamay-ari ng mukha na ito. "She just need to take some rest at maaari na siyang makalabas ng ospital," pagsingit ng doktor sa amin ni Third. "Thank you, Doc." Upang bigyan ng privacy, lumabas ang doktor mula sa silid kung nasaan kami. Pilit ko namang ginalaw ang aking katawan upang umayos ng pag-upo at maisandal ang likod sa headboard ng kama. Sa bawat paggalaw na aking ginagawa, naka-alalay sa akin si Third upang hindi ako mahirapan. Nang komportable akong makasandal, kumuha si Third ng isang unan at maingat itong nilagay sa aking likod. Sinimulan niyang umupo sa tabi ng kama saka hinawakan ang aking noo. Gamit ang mga daliri, sinuklay niya ang ilang hibla ng aking buhok na lubos na nagpapagaan sa aking pakiramdam. Sa bawat paghaplos na kanyang ginagawa, ramdam ko ang ingat niya sa akin. "Anong gusto mong kainin? Magpapabili ako," mahinahon niyang wika sa akin. "Wala pa akong maisip," tugon ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip dahil wala sa sarili kong nilagay ang aking braso sa kanyang baywang, saka ito niyakap nang mahigpit. Ramdam ko naman ang gulat ni Third dahil sa aking ginawa. "Is there something wrong, Clara?" tanong niya. Umiling lang ako bilang tugon, saka mapait na ngumiti. "I'm sorry, Third. I failed," pagsisisi kong wika. Pakiramdam ko ay hindi ko na abot ang kung ano mang expectation niya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ko nagampanan nang maayos ang pagiging si Clara dahil sa huli, bumigay na lang bigla ang aking katawan. Sa ngayon, hinihiling ko na lang na sana ay hindi ito mapansin ni Third at sana ay hindi niya ako pagdudahan. Marahang hinaplos ni Third ang aking balikat. "It's okay. For now, you need to take a rest," wika niya. Habang ako ay nakayakap sa kanyang baywang at maingat na hinahaplos niya ang aking balikat, hindi ko maiwasang hindi marinig ang t***k ng kanyang puso. Kalmado lang ang t***k nito, hindi tulad sa akin na mabilis na animoy galing sa pagtakbo. Sa bawat sa araw na kasama ko si Third, unti-unting nagbabago ang aking nararamdaman, isang damdamin na hindi tama at hindi para sa akin. At sa tuwing iniisip ko ito, hindi ko maiwasang hindi masaktan at humiling na huwag nang magising sa reyalidad. Sa patuloy kong pag-iisip, hindi ko namalayan na tuluyan na akong nilamon ng antok at nakatulog. *** Nang tuluyan akong nakabawi ng lakas, muli kaming umuwi sa mansion at doon na tinuloy ang pahinga. Sa mga nakalipas na araw, nirespeto ni Third ang aking kalusugan. Hindi siya nagtaka o nagtanong sa kung ano man ang nangyari sa akin at kung bakit ako nang hina, ang tangi niya lang ginagawa ay alagaan ako. Noong una, inakala ko na ang mag-aalaga sa akin ay mga kasambahay dahil madalas siyang wala, ngunit nagkamali ako. Kahit madalas siyang abala, maaga siyang umuuwi sa mansion upang ako ay asikasuhin. Kung minsan pa nga ay sinusubuan niya ako ng pagkain at sumasabay na rin sa hapag-kainan. Dahil sa mga bagay na pinakikita sa akin ni Third, lalo ko lang nararamdaman ang malalim na damdamin sa aking puso at hindi ko ito gusto. *** Kinaumagahan, wala si Third sa aking tabi nang gumising ako. Siguro ay maaga siyang pumasok sa opisina. Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong makakapagpahinga ako kahit sandali sa pagpapanggap bilang si Clara. Ngunit ang sinisigaw ng aking puso ay tila hindi na isang pagpapanggap. Sa mga oras na ito, nakaramdam ako ng gutom kaya nagdesisyon akong lumabas sa silid at nagtungo sa kusina. Naabutan kong walang tao roon at may mga makakain naman sa lamesa, kaya nagdesisyon akong umupo sa upuan at kumuha ng tinapay, saka ito nilagyan ng palaman. "M-Ma'am Clara, ano pong ginagawa nyo rito?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang malakas na tinig ng kasambahay na biglang pumasok sa kusina. Agad kong binago ang ekspresyon ng aking mukha at tinaas ang isang kilay. "I'm eating, bulag ka ba?" mataray at sarkastiko kong tugon. "K-Kasi po mga kasambahay lang ang kumakain dito," aniya. Noon ko lang napagtanto ang kanyang sinasabi. Naalala kong kahit kailan nga pala ay hindi tumutungo si Clara sa kusinang ito, dala marahil ng pagod kaya nalimutan ko na rin ang mga importanteng bagay tulad nito. Pilit kong kinundisyon ang aking isip, saka marahas na tumayo. Ngunit sa aking pagtayo, nakita ko ang gulat na gulat na mukha ng katulong na nasa aking harapan. Agad nitong tinakpan ang kanyang mukha at halatang takot na takot ito sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang pinakita. Masiyado sigurong marahas si Clara sa kanila kaya takot sila rito. Dahil hindi ko kayang pagbuhatan ng kamay ang kasambahay na nasa aking harapan, tinapunan ko na lang siya ng matalas na tingin, saka sinimulang humakbang palayo sa kaniyang kinaroroonan. Tila nakahinga ako nang maluwag nang makalayo ako sa lugar na iyon, nagtungo na lang ako sa dining area kung saan kami kumakain ni Third. Sa bawat paglagay ko ng pagkain sa aking bibig, panay ang hiling ko na sana ay hindi napansin ng kasambahay na iyon ang aking kinikilos. Kahit nang matapos akong kumain, hindi pa rin mawala sa aking isip ang maling bagay na ginawa ko kanina. Nagdesisyon akong bumalik sa aking silid. Wala rin akong ganang lumabas ngayon ng bahay dahil nais ko na lang muna manatili rito. Hanggang sa maya-maya lang, paghiga ko palang ng kama, binalot ng antok ang aking diwa at tuluyang nakatulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong naka-idlip dahil isang pagdampi ng labi sa noo ang gumising sa akin. Kahit antok na antok pa ako, pilit kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Third na ngayon ay katatapos lang maligo. Marahil ay kanina pa siya dumating. Agad akong umayos ng upo at ngumiti sa kanya. "Kanina ka pa ba dumating? Bakit hindi mo ako ginising?" sunod-sunod kong tanong. "Hindi naman, kadarating ko lang din," aniya, saka tumayo at lumakad patungo sa lamesa na 'di kalayuan sa amin. Kinuha niya ang pitsel at nilagyan ng tubig ang kalapit na baso, saka muling lumakad patungo sa akin at binigay ito. "Heto, uminom ka na muna. Kailangan mo ng maraming tubig sa katawan," paalala niya. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi saka tinanggap ang tubig na ito at ininom. Sinundan ko ng tingin si Third habang siya ay naglalakad patungo sa study table. Kahit nakatapis pa siya ng tuwalya, agad na niyang binuksan ang laptop at alam kong trabaho na naman ang kanyang ginagawa. Napapa-iling na lang talaga ako dahil sa pagiging workaholic niya. Muli akong lumagok ng tubig sa baso na aking hawak. At habang tinitingnan ko si Third na ngayon ay abala sa kanyang ginagawa, hindi ko maiwasang hindi maisip na simula nang ako ay himatayin, hindi na niya ako ginagalaw. Bilib ako sa self control ng lalaking ito at malaki ang pagpapahalaga niya sa aking kalusugan. Pilit niyang pinipigilan ang sarili kahit alam kong hayok siya sa pakikip*gtalik. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bilang isang babae, pakiramdam ko ay hindi ko maibigay ang pangangailangan ng isang lalaki, lalo na at siya ay aking asawa. Asawa? Sandali akong natigil dahil sa aking iniisip. Bakit ko biglang nasabi ang bagay na iyon, samantalang hindi ko naman siya totoong asawa? Palihim akong sumulyap sa kinaroroonan ni Third. Sa bawat pagsulyap ko sa kanya, patuloy na bumibilis ang t***k ng aking puso. Ang totoo, nitong mga nakalipas na araw ramdam ko na ang pagbabago sa aking nararamdaman at hindi ko alam kung dala lang ba ito ng madalas naming pagiging isa. Hinawakan ko ang aking dibdib, saka dinama ang malakas na t***k nito. Matapos iyon, marahan kong nilapat ang paa sa sahig saka nagtungo sa shower-room at naglinis ng katawan. Alam kong kabaliwan ang bagay na aking gagawin ngunit nais kong punan ang aking pagkukulang. Ilang araw na rin naman ang nakalipas at sa tingin ko ay kaya ko nang muli. Humakbang ako palabas ng shower-room at tanging bathrobe lang ang suot. Naabutan ko pa rin si Third sa kanyang study table ngunit maayos na ngayon ang kanyang damit, tuyo na rin ang kanyang buhok at halatang ginawa niya ito nang ako ay naliligo. Mariin akong napalunok habang tinititigan siya. At sa bawat paghakbang ng aking mga paa patungo sa kanyang kinaroroonan, sunod-sunod at mabilis na pagtibok ng aking puso. Nang ako ay makalapit sa kanya, tumigil ang pagtipa ng kanyang daliri sa mga letra ng keyboard ng kanyang laptop, saka siya tumingin sa akin na may nagtatakang mukha. "May problema ba?" kunot noo niyang tanong. "Third, I'm sorry kung naghintay ka. Handa na akong muli," tugon ko na mas nagpagulo sa kanyang isip. Hinawakan ko ang tali ng aking bathrobe, saka ko ito dahan-dahang hinila. Gumapang sa aking balat ang tela ng bathrobe na aking suot, hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig at tumambad sa harapan ni Third ang hubad kong katawan. "Let's do it?" pag-aya ko sa kanya. Nababakas naman ang pagkagulat sa mukha ni Third habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hanggang sa maya-maya lang, marahan siyang tumayo at lumuhod sa aking harapan. Mariin akong napapikit nang isiping mararamdaman ko ang kanyang labi sa aking balat, ngunit nagkamali ako. Mula sa aking paahan, kinuha ni Third ang hinubad kong bathrobe at muling tinakip sa aking katawan. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa at nang magtama ang aming tingin, hinawakan niya ang aking balikat. Animoy yelong natunaw ang aking puso nang maramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang labi sa aking noo, nagpapahiwatig ng pagbibigay respeto. "Soon my wife, soon," wika niya nang ilayo ang kanyang labi. "Sa ngayon magpahinga ka na muna." Napako ang aking paa at nanatili akong nakatitig kay Third nang bumalik siya sa study table. Muli siyang nagtrabaho na tila walang nakita. Isang buntonghininga ang aking nagawa, saka napangiti na lang sa sarili. Ano bang kahibangan ang ginagawa mo, Irene? Siya ba ang sabik o ikaw? pagsermon ko sa sarili. Bumalik ako ng bigo sa aking kama, saka pa-iling-iling na umupo roon. Kinuha ko ang aking cell phone na nakapatong sa tabing lamesa nang makita kong may mensahe rito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang naka-flash na mensahe sa screen, ito ay mensahe mula sa doktor ng aking ina na nagsasabing, Your mom is awake, Irene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD