Chapter 40

2247 Words

Irene Ayon sa kasabihan, hindi magandang gawi ang pagsusukat ng wedding gown bago dumating ang iyong kasal. Alam kong wala namang masama sa maniwala sa mga ganitong kasabihan, ngunit hindi ko mapigil ang aking sarili na makitang suot ang damit na ihaharap ko sa lalaking aking mapapangasawa. Sa pagtungo ko sa isang sikat na designer, agad nila akong inasikaso at tinanong ang detalye ng dream gown ko sa aking kasal. Wala naman akong ibang hiling kung hindi ang maging simple ang lahat, iyong hindi gaano kamahal at kabongga. Ngunit hindi ko naman mapigilan ang nais ni Third na gawing engrande ang kasal. Matapos ang proposal niya sa akin doon sa beach, agad naming inanunsyo ang aming pagpapakasal. Inanyayahan ni Third ang kanyang mga magulang na ngayon ay nasa ibang bansa. Labis pa ang aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD