Irene Ramdam ko pa rin ang pagkahilo sa aking ulo kahit kasalukuyan akong nakahiga sa isang kama. Nais ko mang igalaw ang aking katawan ay tila nananatili pa rin itong paralisado dahilan upang hindi ako makagalaw. Nais ko mang imulat ang mga mata, hindi ko magawa dahil sa bigat ng talukap nito. Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong klaseng bagay, na halos lumutang ang aking katawan at mablanko ang isip nang matamaan ang buo kong sistema. Hindi ko akalain na gagawin ito sa akin ni Albie. Inakala ko na simpleng pagpapatawad lang ang kanyang nais ngunit nagkamali ako. Ano bang klase ng droga ang nilagay ni Albie sa inumin ko at naapektuhan ako nang ganito? Sa paglipas ng ilang oras, nang maramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng epekto ng gamot na pinainom sa akin ni Albie, pilit

