Irene Siguro, kung bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na bumalik sa dati kong sitwasyon at baguhin ang aking nakaraan, iyong nakaraan na halos mawalan ng buhay ang aking ina at wala akong ibang nakitang paraan upang maisalba ang kanyang buhay. Marahil ay uulitin ko pa rin ang aking ginawa. Hindi ko ibig sabihin na nais kong maging si Clara o ang makasama ang kanyang asawa, kung hindi dahil ito ang bagay na nakapagligtas sa aking ina. Kung hindi ko ito ginawa, marahil ay wala na siya. Ngunit totoo, hindi ko maikakaila na dahil sa naging desisyon ko noon, isang malaking pagbabago ang nangyari sa aking buhay. Nakilala ko si Third at nagkaroon ng anak na si Ethan. Sa istorya ng buhay kong ito, hindi rin malinaw sa akin kung sino ang bida. Oo, inaamin kong nagkamali rin ako. Inaamin ko s

