Irene "O-Opo, s-simple lang naman ang gusto ko, hindi po gano'n kagarbo," nauutal kong wika sa mga taong nasa harap ko ngayon. Pilit kong ningingiti ang aking labi kahit ramdam ko pa rin ang matinding kaba sa aking puso. Hindi ko rin napansin na napapahigpit na pala ang kapit ko sa kamay ni Third dahil sa aking nararamdaman. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang mamahaling restaurant habang nasa harapan namin ang mga magulang ni Third. Kadarating lang nila mula sa ibang bansa at ngayon, nag-uusap kami tungkol sa gaganaping kasal. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam na makita sila nang personal, nakakatakot na nakaka-excite. "Are you sure, hija? Pero kung sa bagay, this is a second wedding for my son," muling wika ng nanay ni Third. "If this is what you want then I guess it'

