Irene MATAPOS ang pagbisita ko sa babaeng iyon, wala akong ninanais kung hindi ang makauwi na sa mansion. Ngunit hindi ko akalain na isang bagay ang aking haharapin sa aking pag-uwi. Dahil traffic sa normal na kalsadang aking dinaraanan, naisipan kong tahakin ang ibang daan, iyong daan na alam kong malayo ngunit wala masiyadong sasakyan ang dumaraan. Kinabig ko ang manibela. Isang masukal na kalsada ang napuntahan ko dahil sa eskinita. Matatanaw ang maliliit na kabahayan sa lugar at ilang malalawak na lupain na halos wala nang tao. Hahang lumilipas ang sandali, unti-unti nang bumabalot ang dilim sa paligid dahil malapit na ring maggabi. Sa kamalas-malasan din ng aking sinapit, isang malakas na pagbuhos ng ulan ang dumating, dahilan upang mas hindi ko makita ang aking dinaraanan. Dahan

