Irene Isang magandang ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang mamasdan ko ang pakikipag-usap ni Third kay Ethan. Sinimulan kong lumapit sa dalawa at umupo sa kanilang tabi sa sofa habang sila naman ay kasalukuyang nanonood ng pambatang movie. "Good morning, ma," pagbati sa akin ni Ethan nang lingunin niya ako at ngumiti, saka bumalil ang tingin sa TV. Tumingin naman sa akin si Third na tila walang ekspresyon at muling bumalik sa pinanonood nilang palabas. "Mabuti naman at nagkakasundo na kayo," wika ko sa kanya habang diretso ring nakatingin sa telebisyon. "Don't get me wrong. Sinusubukan ko siyang maalala at sa tingin ko, hindi ko man lubusang matandaan, palagay ang loob ko sa batang ito," tugon sa akin ni Third. Tumango lang ako sa kanyang sinabi. Kahit paano ay napanatag ako dah

