Chapter 27

2784 Words

NAPATULOG na ni Jhen si Baby Rafael pero hindi pa pumapasok sa kuwarto nila si Leandro. Nang hindi pa rin siya makatulog ay lumabas siya at hinagilap ang kanyang asawa ngunit wala ito sa kabahayan. Si Marco ang nadatnan niya paglabas niya ng bahay. Nakasandal ito sa harapan ng kotse ni Zack. “Umalis ba si Leandro, Marc?” tanong niya rito nang malapitan. “Oo. Pumunta siya sa CDO para makausap si Dario. Babalik din naman daw siya,” anito. Tinabihan niya ito, may dalawang dangkal ang pagitan. “Narinig ko kayong nag-usap kanina sa attic. Totoo bang mapapahamak si Leandro kapag gumamit siya ng telekinesis?” aniya. “Ah, ‘yon ba? Actually, hindi naman siya mapapahamak kung hindi niya aabusuhin ang paggamit ng telekinesis. May stages kasi iyon. Ang pinakamataas niyon ay kayang kontrolin lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD