NAGSISIMULA nang nahihiwagaan si Jhen sa mag-amang Vivanco. Ang weird na nga ng mga ugali, may kahinahinala pang ginagawa. Napa-paranoid tuloy siya. Hanggat maari ay ayaw niyang makipag-usap sa mga ito kapag gabi na. Feeling kasi niya may masamang gagawin ang mga ito sa kanya. Pagkatapos ng hapunan ay dumeretso siya sa kuwarto niya. Ngunit pagsapit ng hating gabi na hindi pa rin siya nakakatulog ay lumabas siya at nag-explore siya sa mansiyon. Pagdating niya sa tapat ng attic ay napahinto siya sa bintanang yari sa salamin. Napansin kasi niya si Leandro at Zack sa loob. Kumubli siya sa sa gilid ng bintana habang sinisilip ang mag-ama. Nagtataka siya bakit naroon ang mga ito. Ang alam niya’y pinasara ng lolo niya ang attic simula noong may nakita umano na multo ang lola niya roon. Hindi si