Chapter 4

2951 Words
“BAKIT wala ka pang ginagawa?” tanong sa ni Leandro kay Jhen nang pumasok na rin ito sa kural. Kumilos naman siya. Nati-tense tuloy siya. Pumuwesto na siya sa puwitan ni Rezy at inihanda ang sarili sa pagpaanak sa kabayo. Lalo lamang siya nababalisa nang mapansin na nakamasid lang sa kanya si Leandro. Nang makita niyang naglabas na ng malalaking dugo ang puwerta ni Rezy ay nangimi pa siyang ibuka ang puwerta nito, sumabay kasi ang munting dumi nito. “Damn! Paano ka nakapasa sa exam at naisyuhan ng lisensiya?” nang-uuyam na sabi ni Leandro. Nagulat siya nang bigla siya nitong hinawakan sa kanang braso saka siya hinila palayo sa puwitan ni Rezy. Ito ang pumalit sa puwesto niya.  Nakatayo lang siya sa likuran nito. “Kung ganoon ang estilo mo, masisipa ka talaga ng kabayo. Nakita mo na ngang naglalabasan ang dugo, nag-iinarte ka pa,” anito habang inihahanda ang mga kamay. Hindi man lang ito nagsuot ng gloves. Tinimpi ni Jhen ang kanyang inis. “Lumapit ka rito sa tabi ko. I’ll show you how to do this in just a minute,” anito. Tumabi naman siya rito, sa gawing kaliwa. “Have you seen this fingers?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya habang ikinakaway ang kamay nito na may suot na gloves sa tapat ng mukha niya. Tumango naman siya. “Ibuka mo ang magkabilang pisngi ng ari niya! Mahihirapan si Rezy iluwa nang mabilis ang anak niya dahil nagkaroon ng sugat sa v****a niya!” walang abog na utos nito sa kanya. Sinunod naman niya ito. Butil-butil na ang pwis niya. Mamaya’y hinipo ni Leandro ang puson ni Rezy. May lumabas na malalaking buong dugo sa puwerta nito. Nanlaki ang mga mata niya nang ipasok ni Leandro ang kaliwang kamay nito sa puwerta ng kabayo. Nagpupumiglas si Rezy. Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti nang inilalabas ng kamay ni Leandro ang ulo ng anak ni Rezy. Maya’t-maya naman ang lunok niya habang pinagmamasdan si Leandro na pinagpapawisan na rin. Ang unfair, siya haggard nang tingnan at nanglalagkit sa pawis pero ito, lalong naging hot sa paningin niya nang pagpawisan ito. “Para ka lang din nagpapanak ng tao, Jhen, dobleng ingat ka rin dapat,” sabi nito. Nang mailabas na nito ang unang anak ni Rezy ay pinaubaya na nito sa kanya ang kasunod. Nilakasan na niya ang loob at hindi niya pinasin ang mga pinagsasabi ni Leandro. “Huwag mong puwersahin kung kumakapit pa. Hayaan mong kusa siyang mahulog sa kamay mo,” anito, habang nililinis nito ang unang anak ni Rezy. Makalipas ang ilang sandali ay nailabas na rin niya ang huling anak ni Rezy. Napangiti siya. Nakapagpaanak na rin siya ng kabayo na mag-isa. Mabuti hindi na siya pinakialaman ni Leandro. Talak lang ito nang talak sa likuran niya. “O, huwag ka nang tumanga riyan. Asikasuhin mo na kaagad para makahinga na ng maayos ang supling,” sita sa kanya ni Leandro. Tumalima naman siya. Alam na niya kung bakit walang nagtatagal na veterinarian, ganoon pala ang ugali ng leon na ito. Mabuti na lang matibay ang sikmura niya. Pero hindi puwede sa kanya na ipahiya siya nito sa harap ng ibang tao. Nang ilagay na ni Leandro ang unang anak ni Rezy sa tabi nito ay itinabi na rin niya kay Rezy ang isa pa. Napatingin siya kay Leandro habang minamasahe nito ang s**o ni Rezy, pump ito nang pump doon. Mamaya ay may lumabas nang gatas. Saka nito pinadede ang anak ni Rezy. “Ilapit mo rito ang isa,” utos nito. Lumapit naman siya. Hindi niya nakontrol ang timbang paglapit niya rito kaya napadikit ang mga hita niya sa hita ni Leandro. Inagaw naman nito sa kanya ang isang anak ni Rezy saka rin iyon pinadede. Kumislot siya nang bigla nitong hawakan ang hita niya, hindi naman obvious na hinawakan, parang doon lang ito kumapit para ibalanse ang sarili. Nagulat ito at marahas na napatingin sa kanya. Animo napaso at dagli nitong binawi ang kamay sa kanyang hita. Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya. Alam niyang hindi nito sinadya pero nabigyan niya iyon ng malisya. Dumestansiya naman siya rito. Kumilos ito at akmang tatayo ngunit bigla itong natigilan nang dumapo ang tingin nito sa gawi ng dibdib niya. Awtomatiko namang tiningnan niya ang sariling dibdib. Hindi siya sigurado kung alin ang tinitingnan nito, ang nakasilip ba niyang cleavage o ang kuwintas niya na may pendant na singsing? Ganoon din ito kung tumingin noong nasa opisina siya nito. Mukhang cleavage nga ata niya ang tinitingnan nito. Hindi naman malaki ang nakasilip niyang cleavage pero tinakpan pa rin niya ng kamay. Napalunok siya nang mapansin ang reaksiyon nito. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. May sa maniac ata ito. Pagkuwa’y ibinaling nito ang tingin sa mga mata niya. Hindi nakaiwas si Jhen sa titig nito na hindi niya maipaliwanag kung ano ang pahiwatig. Hindi niya namalayan ang paglalandas ng ga-butil niyang pawis mula sa kanyang noo pababa sa kanyang pisngi. Kumislot siya nang bigla nitong haplusin ang kaliwang pisngi niya na tila may pinahid. Nang maalala niya na ang kamay nitong iyon ang ginamit nitong pagdukot sa puwerta ni Rezy ay marahas na itinabing niya ang kamay nito. Tumayo siya at dumestansiya rito. Pagkuwan ay inayos na niya ang mga ginamit nila sa pagpaanak ng kabayo. “Saan ka ipinanganak, Jhen?” mamaya ay tanong ni Leandro, na bumasag sa ilang minutong katahimikan. “Sa Mactan,” mabilis niyang sagot. “Where are your parents?” Natigilan siya dahil sa tanong nito. Iyon ang tanong na hanggat maari ay ayaw na niyang sagutin. Lalo lamang kasi niya naiisip ang masalimuot na nakaraan. Hindi niya sinagot si Leandro. Nagpatuloy siya sa pagliligpit ng gamit. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Leandro pero hindi niya matantya kung gaano ito kalayo sa kanya. “Huwag ka masyadong mailang sa akin, hindi ako nangangagat,” anas nito. Saka niya nalaman na napakalapit lang nito sa kanya. Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang maramdaman ang pagdaiti ng katawan nito sa likod niya. Itinigil niya ang ginagawa nang maramdaman ang mainit na hininga nitong bumubuga sa tainga niya. “You may take a rest. Marami ka pang trabaho bukas,” mamaya’y sabi nito. Nang maramdaman niya ang paglayo nito sa kanya ay saka lamang siya ulit kumilos. Kung kailan paalis na ito ay saka naman siya natuksong tingnan ito. Nagulat siya nang pagtingin niya ay siya ring sulyap nito sa kanya, habang ito’y papalabas ng kural. He sharply smiled at her. She was surprised when her heart founding so fast. “Good night, Jhen!” sabi pa nito saka tuluyang tinungo ang kotse nito. Tulalang nakatingin lang siya sa papaalis na sasakyang lulan si Leandro. Hindi niya maintindihan bakit siya natutulala. Walang ibang laman ang isip niya kundi ang imahe ng lalaki. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang mapansing umaabuso na ang imahenasyon niya. Pinaalala niya sa sarili na hindi dapat siya magpapaapi sa lalaking iyon. At hindi dapat siya maniniwala na may mabait na leon.   KINABUKASAN paggising ni Jhen ay bumungad sa kanya ang ingay mula sa labas, mga boses ng lalaki. Lumapit pa siya sa pinto upang pakinggan maigi kung ano ang nangyayari. Nahimigan niya ang galit na tinig ni Leandro, habang kasagutan si Zack. Mukhang nag-aaway ang mag-ama. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Pumasok na siya ng banyo. Subalit makalipas ang halos isang oras ay naririnig na naman niya ang boses ni Zack. Inihanda na niya ang sarili sa paglabas upang simulan ang trabaho. Hindi na siya makikialam sa away ng mag-ama. Pagdating niya sa sala ay naabutan niya roon si Zack na nakaupo sa sofa. Tahimik na ang kabahayan. Hindi niya nakikita ang bulto ni Leandro. “Good morning!” bati niya kay Zack, nang dumaan siya sa harapan nito. “Hey!” awat nito sa kanya. Huminto naman siya sa paghakbang. Nang harapin niya ito ay nagulat siya nang makita ang pasâ nito sa kaliwang mata at sa gilid ng labi nito pero mukhang pagaling na. Bigla itong tumayo. “What’s your name again?” mahinahon nang tanong nito. “Jhen Reala,” mabilis niyang sagot. “Are you married?” “No.” Ngumisi ito. “That’s a good news for today. Pero iwan ko lang, ha. Sa palagay ko may iba pang dahilan si Daddy kaya ka niya pinatira rito sa mansiyon,” anito. Hindi siya umimik. Kunot-noong tinitigan niya ito habang humahakbang palapit sa kanya. Huminto ito may isang dangkal ang pagitan sa kanya. “Nakikita mo ba itong nangyari sa mukha ko?” anito habang tinuturo ang sariling mukha. “Oo naman,” matapang niyang sagot. “Nakuha ko ito sa argumento namin kanina ni Daddy tungkol sa iyo.” “What? Bakit ako?” manghang gagad niya. “He treat you special. Imagine, kaya niyaa kong saktan dahil sinabi kong ayaw ko na narito ka?” Nag-init ang bunbunan niya. “Huh! That’s not my problem. Kung ano man ang pinagtalunan ninyo, wala akong kinalaman doon,” aniya, saka akmang tatalikuran ito ngunit marahas na hinaklit nito ang balikat niya. Nang maramdaman niya ang higpit ng kapit nito sa balikat niya ay hinawakan niya ang kanang braso nito saka pinilipit. “Ugh!” daing nito, ngunit kaagad din nitong hinapit ang batok niya saka pinisil. “Ugh!” daing din niya. Nabitawan niya ang braso nito. “Zack!” Narinig niyang tawag ni Leandro. Nagulat siya nang bigla siyang mabitawan ni Zack. Nang tingnan niya ito ay nakasalampak na ito sa sahig at si Leandro ang nakatayo sa kanyang harapan. Nanlaki ang mga mata niya nang mabilis na nilapitan ni Leandro si Zack saka ito ibinangon habang hapit nito ang kuwelyo ng anak. Susuntukin sana nito ulit si Zack. “Enough!” pigil niya. Hindi nito naituloy ang pananakit sa anak, pero inihagis nito si Zack sa sofa. Hindi na ito nakabangon. Pagkuwa’y hinarap naman siya ni Leandro. Nasa mga mata pa rin nito ang galit. Hindi niya akalaing ganoon pala kagaan ang kamay nito sa sariling anak. Parang ang laki ng kasalanan ni Zack na kailangan nitong saktan. Pero sa asal na iyon ni Zack ay hindi niya masisisi si Leandro na pagbuhatan ng kamay ang anak, kaya lang ay sobra namang suntukin pa nito si Zack. “Hindi mo dapat pinagbubuhatan ng kamay ang anak mo, kahit pa nagkasala siya. Puwede naman kayong mag-usap,” aniya. “Hindi mo kilala ang anak ko, Jhen. Hindi siya nadadala sa usapan. Ganito ko siya pinalaki,” anito. “Kaya pala saksakan ng suplado ang anak mo, eh. Sa totoo lang, hindi na pinapayagan ng batas ngayon ang pananakit ng magulang sa anak. Labag iyon sa karapatang pantao. I’m not sorry for saying this, but I’m just concern. Alam mo bang may mga taong habang nasasaktan ay lalong tumatapang at nagtatanim ng poot? Gusto mo bang magtanim ng poot sa iyo ang iyong anak?” aniya. Pumalatak na siya. “Huwag mo akong pagsabihan na parang alam mo na lahat sa akin, Jhen. Araw pa lang na nagkakilala tayo. Pinatira kita rito para kahit papano ay maging komportable ka, hindi para makialam sa buhay naming mag-ama,” anito sa matigas na tinig. Umismid siya. “Well, you’re right, wala akong karapatan, pero ang sabi ni Zack, ako ang dahilan ng away ninyong mag-ama,” aniya. “Dahil nababastusan ako sa asal niya. Ayaw niya na tumira ka rito. At hindi puwedeng siya ang masusunod, ako ang tatay. At ikaw, huwag mo rin siyang patulan.” “Paanong hindi ko siya papatulan, eh nakakasakit na siya?” buwelta niya. Namanywang siya. “Siya nga pala, kung ganito ang bubungad palagi sa akin sa umaga, mas gustuhin ko pang tumira sa kuwadra ng mga kabayo. Excuse me.” Tinalikuran niya ito. Deretso na ang labas niya ng bahay. Naiinis pa rin siya. Hindi siya sanay makisama sa mga taong mainitin ang ulo. Mainitin na nga ang ulo niya makikisama pa siya sa mag-amang leon? Pagkatapos ng duty ni Jhen ay hindi muna siya umuwi sa mansiyon. Tumambay muna siya sa kuwadra ni Rezy. Nilinis niya ang paligid at naglatag ng malinis na sako sa tabi ng mga dayami kung saan nakahiga ang mga anak ni Rezy. Dumidilim na ang paligid. Mabuti na lang dinalhan siya ng mga tauhan ng meryenda na pansit at sandwich. Pinagmamasdan niya ang mga anak ni Rezy habang ang mga ito’y dumidede. Nakahilata siya sa nailatag niyang dalawang sako. Hindi na niya namalayan ang oras. Kung hindi pa humilab ang sikmura niya ay hindi siya titingin sa suot niyang relong pambisig. Nagulat siya nang malamang alas-otso na pala ng gabi. “Hey, babae! Diyan ka na ba matutulog?” Kumislot siya nang marinig ang tinig na iyon ng lalaki na nahimigan niyang nasa pinto ng kuwadra. Paglingon niya’y nakatayo roon si Leandro, suot ang itim na jacket at hapit na pantalong maong. Umuusok ang bibig nito dahil sa hinihithit nitong tobacco pipe. Uso pa pala ang ganoong pausok sa panahong iyon. Nakikita niya iyon sa mga sinaunang tao na naninigarilyo. Pero ang alam niya mga matatandang mayaman lang ang gumagamit niyon. Bumalikwas siya nang tayo. “Anong ginagawa mo rito?” walang siglang tanong niya. “Sinusundo ka. Baka kapag makita ka riyan ng ispiya ng lolo mo ay mai-report na pinapatulog kita sa kuwadra ng kabayo,” anito. “Excuse me, walang ispiya si lolo,” aniya. “Ikaw, hindi ka ba niya ispiya? Hindi ba pumunta ka rito at nagpanggap na empleyado para manmanan kung paano ko pinapalakad ang kumpanya?” “Huwag kang paranoid! Oo, nag-e-ispiya ako pero hindi si lolo ang may gusto. Gusto kong makasiguro na hindi mo aabusuhin ang mga hayop dito at mga tauhan namin.” Bumuga ito ng usok. “Ikaw pala itong paranoid, eh. Saan mo naman nakuha ang ideya na aabusuhin ko ang mga hayop? I was born to take care of them. Almost half of my life sa mga hayop lang nakatuon ang atensiyon ko. Mas mahal ko sila kaysa sa buhay ko. Huwag mo muna akong husgahan, binibini. Ang mabuti pa’y umuwi na tayo nang makapaghapunan.” Ipinasok niya sa isip ang mga sinabi nito. “Mauna ka na. Dito lang ako,” aniya pagkuwan. “Naglaan ako ng oras para hanapin ka, tapos ganito? Huwag ka nang mag-inarte. Baka kapag na-dengue ka riyan, isumpa ako ng lolo mo.” Bumuntong-hininga siya. Pagkuwa’y binitbit na niya ang kanyang gamit saka sumunod dito. Iginiya siya nito sa naghihintay nitong kotse, an old Honda Civic. “Hindi ako sasakay hanggat umuusok iyang tobacco pipe mo,” aniya habang nakatayo pa rin sa labas ng kotse. “Alam mo ang arte mo,” anito, habang nakaupo na ito sa harap ng manibela. “Hindi ako maarte, ayaw ko lang ng amoy ng tabako.” “Bakit, may hika ka ba?” tanong pa nito. “Kulang lang sa exercise ‘yan. Hayaan mo, tuturuan kita kung paano ang pinakamabisang exercise para hindi ka hingalin,” anito, matapos mapatay ang tabako. Saka lamang siya sumakay nang wala nang usok. Sa tabi siya nito umupo. “Una sa lahat, wala akong hika. Hindi rin ako interesado sa exercise na alam mo,” padaskol niyang sabi. He sarcastically chuckled. “Lahat ng babaeng kasama ko sa exercise ay lumigaya. Hindi iyon leteral na exercise na puro lang sakit sa katawan. Masakit din iyon kapag kasisimula mo lang, pero habang tumatagal ay sumasarap sa pakiramdam. Simple nga lang ang exercise na iyon, nakahiga ka lang at susundin ang ipapagawa ko,” anito. Matagal bago nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito tungkol sa alam nitong exercise. Nang maunawaan ay binato niya ito ng matalas na tingin. Bigla na lang umalab ang pakiramdam niya sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya. “You’re so simpatico, Mr. Vivanco,” asar na komento niya. “Is that you impression to me?” Binuhay na nito ang makina ng sasakyan. “Yeah, mayabang ka rin,” prangkang sagot niya. He sexily laugh. Lalo siyang nairita. Tumingin lang siya sa kalsada. “You know, men have different nature, though they have the same angles. Aside from we have different sizes, may kanya-kaya rin kaming ugali pagdating sa pag-handle ng babae.” “I didn’t ask, I’m not interested,” mataray niyang wika. “But you have to listen to me, Jhen. Para hindi ka masyadong judgmental.” “Kahit hindi kita husgahan, obvious kang ma-attitude, Leandro.” “Oh, come on, ang taray mo,” nakangising sabi nito. “Shut up! Ang ingay mo! Kalalaking tao,” maktol niya. Tumawa pa ang hudyo. Inirapan niya ito habang nakahalukipkip. “Ay!” tili niya nang bila nitong paharurutin ang sasakyan. Sumubsob siya sa dashboard. Hindi pa naman siya naglagay ng seat belt. Mabuti na lang hindi tumama ang nguso niya sa matigas na bagay. Sa inis niya’y sinampal niya si Leandro. “f**k you, asshole!” singhal niya rito. “Yeah! Let’s do that later, baby. f**k me!” he shrieked. Nangilabot siya sa sinabi nito. “Bastos! Manyak!” asik niya rin. Humalakhak pa ang diablo. “I like you, Jhen,” anito. “I hate you! Isusumbong kita kay lolo!” “Bakit, inaano ba kita? Hindi pa nga kita nahahawakan,” pilyong sabi nito. Tiningnan niya ito nang masama. Hindi na lamang niya ito pinatulan. Pagdating sa mansiyon ay iginiya siya nito sa hapag-kainan kung saan nauna nang kumain si Zack. Pinapapak nito ang buong letchong manok. Mas tumingkad pa ang mga pasâ nito sa mukha. Bigla tuloy siya nakadama ng awa rito. Hindi man lang ito umiimik, o kahit tingnan siya nang umupo sa katapat nitong silya. Si Leandro naman ay umupo sa tabi ng anak nito. Nang tingnan niya ang mga pagkain sa mesa ay nagtataka siya bakit dry lahat ng pagkain. Wala man lang may sarsa o kaya’y sabaw. Merong inihaw na isda at steamed shrimp. Nang tikman niya ang letchon manok ay wala siyang malasahang spices katulad ng bawang at paminta. Pero malasa ang karne manamis-namis. Nang may lumapit na katiwala ay humiling siya ng dinikdik na bawang at toyo na may kalamansi para sawsawan niya sa inihaw na isda. “Pasensiya na, Ma’am pero wala po tayong bawang. Ayaw mo kasi ni sir ng bawang,” sabi naman sa kanya ni Loyda. Awtomatikong naibaling niya ang tingin kay Leandro, na abala na sa pagpapak ng hita ng manok. “Toyo at kalamansi na lang po,” sabi na lamang niya kay Loyda. Tumalima naman ang ginang.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD