KINABUKASAN ng umaga ay sinimulan na ni Jhen ang trabaho bilang veterinarian sa zoo. Natutuwa siya nang malamang naroon pa rin ang matagal na nilang veterinarian na si Dr. Rob Buena. Mabuti naman napagtiyagaan nito ang bagong amo. Kabisado na kasi nito lahat ng pasikot-sikot sa zoo. Halos lahat ng hayop ay kilala na ito. Pero nalungkot siya nang malamang hindi na ito full-time na nagtatrabaho roon. Dalawang beses sa isang linggo na lang ito pumapasok.
“Maraming nagbago sa patakaran. Bawal nang magkuwentuhan ang mga tauhan habang oras ng trabaho. Bawal din ang cellphone. Hindi na katulad dati na parang iisang pamilya lang tayo lahat,” sabi ni Rob, habang ginagamot nito ang sugat sa paa ng isang kabayo.
“Grabe naman siya. Kaya pala wala na ang ibang manggagawa rito,” komento niya.
“Okay naman ang pagpapalakad ni Sir Leandro. Masyado lang siya mahigpit. Pagdating sa sahod updated naman at binubusog niya kaming lahat. Kailangan lang talaga sundin ang mga patakaran niya. Lalo na ‘yong mayabang niyang anak, medyo mahirap ding intindihin ang ugali.”
“Si Zack?”
“Oo. Walang pakialam iyon kahit mapagalitan ka sa harap ng maraming tao. Palibhasa lumaki sa luho.”
“Hindi ko na talaga gusto ang ugali ng Zack na iyon kahapon pa lang.”
“Siya nga pala, baka bukas na manganganak si Rezy, wala ako bukas kaya ikaw na lang ang magpaanak sa kanya. Akala ko nga ngayon siya manganganak dahil kahapon pa siya balisa,. Kailangan niyang alalayan dahil may edad na at may komplikasyon sa pagbubuntis niya,” mamaya’y sabi ni Rob.
Tinutukoy nito ang buntis na kabayo. Si Rezy ang kabayong anak ng paboritong kabayo ng lolo niya. Silang dalawa ng lolo niya ang nagpaanak niyon at siya ang nagbigay ng pangalan ni Rezy. Madalas din niya itong sakyan noong nagdadalaga siya. Matanda na nga si Rezy.
“Sige po.” Excited na siyang magpaanak ng kabayo. Sa ginawa nilang training ay baka ang pinaanak nila. Alam niya magagawa rin niya iyon sa kabayo.
Pagkuwa’y nilapitan niya si Rezy. Mabuti naman maamo pa rin ito sa kanya. Nakahiga lang sa dayami si Rezy. Siguro’y humihilab na rin ang tiyan nito. May mga tao namang nagbabantay rito para ma-monitor ang kalagayan ng buntis na kabayo. Mamaya’y pinaubaya naman sa kanya ni Rob ang paggagamot sa sugat ng iba pang kabayo. May mga insekto raw na nangangagat sa mga kabayo. Nagkakasugat ang mga balat ng mga ito.
Kinahapunan ay nagtataka siya bakit gustong hakutin ng hotel crew ang mga gamit niya. “Ano bang meron?” tanong niya kay Luke, na isa sa matagal na nilang staff sa zoo.
“Sabi po kasi ni boss doon na kayo mag-stay sa mansiyon,” anito.
“Ano? Bakit?” Nawindang siya. Ano naman kaya ang nakain ng Leandro na ‘yon?
Kumibit-balikat si Luke. “Hindi ko po alam, eh.”
Nagtataka siya. Wala siyang magawa kundi ipadala kay Luke ang mga. Sumunod naman siya rito. Pabor din iyon sa kanya dahil mas madali niyang ma-monitor ang galaw ni Leandro, sakaling may hindi maganda itong binabalak sa zoo.
Pagdating sa mansiyon ay nagtataka siya bakit iba na lahat ng mga kagamitan. Wala na roon ang mga antigong furniture ng lolo niya. May kawaksi namang sumalubong sa kanya, ang isa ay baguhan. Mamaya’y napatingin siya sa hagdan nang may malalaks na yabag. Nang makita si Leandro ay nag-init ang bunbunan niya. Mainit talaga ang dugo niya rito.
“Anong ibig sabihin nito?” matapang niyang tanong dito nang makaapak na ito sa sahig ng ground floor.
“Ayaw kong isipin ni Antonio na kinakawawa kita. So nagpasya ako na dito ka na mag-stay sa mansiyon. Malaki naman itong bahay para sa atin. Alam ko na-mimis mo nang tumira rito,” kaswal na sabi nito.
Hindi siya kaagad nakaimik. Nabaling kasi ang atensiyon niya sa mabalbong dibdib nito na nakasilip sa nakabukas na ilang botones ng suot nitong bughaw na hapit na polo. Bakat na bakat ang kakisigan ng katawan nito. Naibaba niya ang tingin sa mapipintog nitong mga hita na humulma buhat sa suot nitong hapit na pantalong kulay abo. Patuloy sa paglalakbay ang mga mata niya sa katawan nito.
“Do you talk to my grandfather?” usisa niya pagkuwan.
“Uh, last night, I tried to call him via international call but he didn’t answer.”
“Wala kaming landline sa Spain. Cellular phone lang ang gamit ni Lolo.”
“Oh, I see. Would you like to share his roaming number so I can call him anytime?” he asked.
“I’ll give it to you later.”
Hindi niya ito matingnan nang deretso sa mga mata. Kahit mabait ito sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya kampante. Pakiramdam niya may binabalak itong hindi maganda.
“You can choose your room now,” mamaya’y sabi nito, na siyang pumalis sa mga pagdududa niya.
Tiningnan niya ito sa bughaw nitong mga mata. “Ang dati ko pa ring kuwarto ang gagamitin ko,” maawtoridad na sabi niya.
“Fine. Luke, dalhin mo na ang mga gamit niya sa kuwarto na sinasabi niya,” utos naman nito kay Luke.
Tumalima naman si Luke. Nagpatiuna na siya sa pag-akyat ng hagdan. May tatlong palapag ang mansiyon, tatlong kuwarto sa second floor, tatlo rin sa third floor at dalawa sa ground floor. The mansion was old-fashioned but it was made of concrete and limestone. Dalaga pa ang mama niya noong itinayo ang mansiyon na iyon sa may isang ektaryang private property. Karugtong ito ng six-hectare lot na farm resort and zoo. Investment iyon ng grandparents niya since they are migrated in the Philippines.
Her grandfather was a pure Filipino, lumaki lang sa Madrid Spain since migrated doon ang parents nito. Ang lola naman niya ay half Spanish-Filipina na doon na ipinanganak at lumaki sa Madrid. Doon nagkakilala ang grandparents niya, sa iisang university. Doon na rin ikinasal ang mga ito pero nagpasya ang lolo niya na umuwi ang mga ito sa Pilipinas.
Since namatay ang mga magulang ng lola niya, ibinenta ng lola niya ang shares nitong lupain at ibang ari-arian na namana nito sa mga magulang at iyon ang naipuhunan ng mag-asawa sa Pilipinas. Dati ay resort lang ang business ng mga ito, hanggang nagkaroon na rin ng zoo. Doon na ipinanganak ang mama niya sa Cebu. Pero pagkatapos manganak ng lola niya ay tinubuan ito ng cyst sa matris na katagalan ay naging cancerous kaya pinatanggal na ang matris nito. Hindi na nasundan ang mama niya.
Hindi niya kaagad napansin ni Jhen na nakabuntot pa rin sa kanila si Leandro. Akala niya ay si Luke lang ang nakasunod sa kanya dahil tahimik.
“This is my room,” aniya, pagkahinto niya sa kuwartong nasa gawing kaliwa. Ang nasa kanan kasi ay dating kuwarto ng mama niya, noong dalaga pa.
Ang isang kuwarto roon ay stock room ng mga gamit niya, pero dati iyong study room. May attic rin doon, na palagi niyang tambayan noong bata siya. Kahit luma na ang mansiyon ay matibay pa rin dahil sa matibay na bato. Natural ang kulay nito, black and white at ang ibang pader ay gawa sa limestone kaya natural na may makintad na parte. Hindi na iyon pininturahan.
“Wait, iyan ang kuwartong ginagamit ng anak ko,” ani Leandro.
Uminit ang bunbunan niya. Habilin niya noon sa katiwala na huwag pabubuksan ang kuwarto niya. Paanong nabuksan ng mga ito ang kuwarto, eh dala niya ang susi? Hindi naman nabago ang door knob. Ang akala niya ay sa second floor lang nagkukuwarto ang mag-ama.
“May mga gamit pa ako rito. Huwag n’yo sabihing itinapon ninyo ang mga gamit ko!” asik niya.
“Don’t worry, pinagsabihan ko si Zack na huwag niyang papakialaman ang mahiwagang baul na nariyan sa kuwarto. Pero kilala ko ang anak ko, kaya ipinalipat ko sa kabilang kuwarto ang mga gamit mo para hindi magagalaw,” anito.
“Pero ito pa rin ang gusto kong kuwarto,” giit niya.
“Fine. Luke, buksan mo at ilipat ang mga gamit ni Zack doon sa bakanteng kuwarto sa tabi ng kuwarto ko sa second floor,” pagkuwa’y utos nito kay Luke.
Hindi naman pala naka-lock ang pinto. Pumasok na si Luke at pinaghahakot ang mga gamit ni Zack. Pumasok na rin siya para tulungan si Luke. Nakaabang na ang mga katulong na mag-aayos ng kama at pamalit sa ilang kagamitan. Amoy binata ang kuwarto, pero ang umagaw sa pansin niya ay ang collections ng iba’t-ibang uri ng pana at palaso, mula old design hanggang modern. Hinakot na rin ni Luke ang mga iyon. Malamang mga collections iyon ni Zack. Idol ata nito si Robin Hood.
“Kapag may kailangan ka pa, sabihin mo lang sa katiwala,” mamaya’y sabi ni Leandro. Hindi pa pala ito umaalis. Namataan niya itong nakatayo sa bukana ng pinto.
Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa pagsusuot ng punda sa unan. Mamaya’y may kung sinong marahas na bumukas nang tuluyan sa pinto.
“What’s happening here? Bakit pinaghahakot n’yo ang mga gamit ko?” protesta ni Zack. Nakapasok na ito.
“Zack!” saway naman ni Leandro sa anak.
Nagtatagis ang mga bagang ni Zack habang nakatingin kay Jhen. Pagkuwa’y binalingan nito ang ama. “Dad! Sino ba ang babaeng iyan?!” paasik nitong tanong.
“Siya si Jhen,” tugon naman ni Leandro.
“I’m not asking her name! Dad, don’t say, she’s your mistress!” ani Zack.
Naitigil ni Jhen ang ginagawa. Binato niya ng nangangalit na tingin ang mag-ama.
“Shut up, Zack! She’s not my mistress! Siya ang kaisa-isang apo ni Dr. Dela Vega,” ani Leandro.
“What? And why she’s here? Akala ko ba atin na ang property na ito?”
“Nandito siya para magtrabaho. Huwag ka nang magreklamo. May matino kaming usapan ni Antonio.”
“f**k!”
“Zack! Gusto mo bang pilipitin ko ‘yang leeg mo? Get out!”
“Damn!” ani Zack saka lumabas. Ibinalya pa nito ang pinto.
Natitigagal lang si Jhen. Hindi niya inaasahan na ganoon ang makikita niyang pakikitungo ng mag-ama sa isa’t-isa. Hindi ganoon ang alam niyang matinong father and son bonding. Hindi pala nakakatuwa kung parehong mainitin ang ulo ng mag-ama.
“Excuse me,” mamaya ay sabi ni Leandro, saka ito nagmamadaling lumabas.
Napag-isip-isip niya. Paano siya mag-a-adjust sa bahay na iyon kasama ang mag-amang lion? ‘Tapos madali ring uminit ang ulo niya, madali siyang mapikon. Sabi nga ng lolo niya, para siyang tigre na ma-pride at madaling maubusan ng pasensiya. Paano na lang? Magkakasundo kaya ng isang tigre ang dalawang lion sa loob ng mansiyon na iyon?
Nang maayos na niya ang kuwarto niy ay saka naman niya pinuntahan ang kabilang kuwarto kung saan kuno nailagay ang mga gamit niya. Pagpasok niya’y sinalubong siya ng hanging may dalang alikabok. Napaubo siya. Halatang walang pumapasok sa kuwarto na iyon dahil paa lamang niya ang nakapaglikha ng bakas sa sahig na namumuti sa kapal ng alikabok. Inaagiw na ang mga kisame at ilang kagamitan na tinabunan ng itim na kumot.
Nang buksan niya ang malaking aparador ay natagpuan kaagad niya ang maliit na kahong yari sa stainless. Mabuti naihalo niya sa kumpol ng susi niya ang susi ng kahon. Naroon lahat ng mga alaala na iniwan ng mga magulang niya. Naroon din ang ilang alahas na ibinigay ng lola niya noong bata siya.
Pagbukas niya sa kahon ay unang napansin niya ang singsing na may black diamond. Nakasuot iyon sa white gold niyang kuwintas na iniregalo pa sa kanya noon ng papa niya, noong ika-pitong kaarawan niya. Naalala na niya, ang singsing na iyon ang hinugot niya sa sa daliri ng pangit na matandang pumatay sa tatay niya. Kinuha niya ang kuwintas at ipinalit sa suot niyang kuwintas. Magmula noong pumunta sila sa Spain ay hindi na niya naalala ang ibang gamit niya.
Napaluha siya nang makita ang mga litrato ng mga magulang niya na kasama siya. Ang mga iyon na lang ang naiwan sa kanya. Pero umaasa pa rin siya na buhay pa ang mama niya. Mamaya’y lumuklok siya sa paanan ng kama habang nilalaro sa kamay ng singsing na suot ng kuwintas niya. Hanggang sa panahong iyon ay nagtataka siya bakit handa siyang ipapatay ng matanda mabawi lang ang singsing na iyon. Pero naalala niya, ilang beses nang isinalba ng singsing na iyon ang buhay niya. Una; noong kamuntik na siyang lapain ng tigre, pero lumayo sa kanya ang tigre nang masagi niyon ang singsing. Pangalawa; noong may lalaking nagtangkang barilin siya ngunit sinalo ng singsing ang bala kaya hindi tuluyang bumaon sa dibdib niya ang bala. Marami pang pagkakataong natulungan siya ng singsing, hindi na nga lang niya maalala ang iba.
Nang sumikip ang dibdib niya dahil sa kakalanghap ng alikabok ay nagpasya siyang kunin na lang ang mahahalagang gamit niya saka dinala sa kanyang kuwarto. Pagpasok niya sa kuwarto ay in-lock niya ang pinto, baka ika niya’y bigla siyang sugurin ni Zack. Hindi siya sanay na may kasamang ibang tao sa bahay, lalo kung hindi niya kaano-ano. She can’t trust Zack, even his father. Kahit mukhang mga anghel dela guardia ang mga ito, hindi siya basta magtitiwala.
Kung kailan inihanda na niya ang sarili para maligo ay saka naman may kumatok sa pinto. Isinuot niya muli ang damit niya saka binuksan ang pinto. Nagulat siya nang makita si Leandro na tanging swimming trunks na kulay itim lamang ang suot. Bigla na lang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Tiniis niya na huwag tumingin sa katawan nito, but suddenly, her eyes were seems to have own life. Bukod sa hanggang balikat lang siya ni Leandro, mas gusto niyang tumingin na lang sa maskuladong katawan nito kaysa mukha nitong tila nanggagayuma.
Her sight focused on his hairy chest, tila sindyang magkorteng krus ang mga iyon hanggang puson nito na may nahahating anim na malalaking mala-pandesal na muscles. Galit na galit ang mga ito sa kanya.
Kusmislot siya nang hawakan ni Leandro ang baba niya at pilit iniangat ang kanyang mukha. Itinabing niya ang kamay nito at matapang na sinalubong ang mga mata nito.
“Stop staring at my abs, galit ang mga ‘yan sa babae,” simpatikong sabi nito.
Naningkit ang mga mata niya. “At bakit? Ano’ng kailangan mo?” mataray niyang tanong.
“Manganganak na ang isang kabayo. Kambal ang anak niyon sabi ni Dr. Rob, magmadali ka. Maliligo lang ako pagkatapos ay susunod na ako roon,” anito, saka siya tinalikuran.
Hindi siya nakaimik, tulala siyang sinusundan ng tingin ang papalayong pegura nito. Ang hubad na likod at mga binti nito ay tila katakam-takam na pagkain. Walanghiya, hindi man lang nahiya ang mokong na ibandera ang katawan. Palibhasa may maipagyayabang. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin sa isip ang imahe ni Leandro.
Nang maalala ang sinabi nito ay kaagad siyang nagbihis ng pulang T-shirt at itim na jogging pants. Magkahalong kaba at pananabik ang nadarama niya. Manganganak na si Rezy. Idinadalangin niya na huwag na lang sumunod si Leandro sa kural. Malamang titingnan nito kung paano siya magpaanak ng hayop. Kailangan kalmado lang siya.
Nagmadali na siya sa pagpunta sa kural para maasikaso kaagad ang manganganak na kabayo. Kailangan mailabas na niya ang anak ni Rezy bago pa siya abutan ni Leandro. Kinuha na niya ang mga kagamitan sa clinic saka dinala sa kural ni Rezy. Naghihintay na roon ang mga alalay niya. Ginagapos na ng mga ito ang mga paa ni Rezy.
Subalit pupuwesto pa lamang siya sa pagitan ng mga hita ni Rezy ay biglang may humintong kotse sa tapat ng kural at iniluwa si Leandro, na tanging suot ay itim na boxer at pulang T-shirt. Binalot na ng kaba ang buong sistema niya.