Venice's pov: Nagpasya akong balikan ang Harriet. Alam kong magiging malaking problema sa Mafia kung isasangkalan sya ng mga magulang ko para magtagumpay sila sa kanilang mga plano. Gusto ko ring makabawi kay Prime sa tiwalang ibinigay nya sa akin kaya kahit hindi ko gusto ang babaeng ‘yon, ililigtas ko sya para mabawasan ang problema ng Mafia! Siguradong tinatawagan na ako nila Prime! Kinuha nila mommy ang cellphone ko pero dahil inaasahan ko ng gagawin nila ‘yon ay kinuha ko na at tinago agad ang sim card na ginagamit ko sa pakikipag-usap sa kanya. Sana ay hindi isipin ni Prime na tinalikuran ko na ang usapan namin, lalo na ngayon na nalaman kong ang sarili kong ina pala ang sumira mismo ng buhay ko! Nang marating ko ang pasilyo kung saan ko sila nakita kanina ay wala na sila doon. Th

