Sashna’s pov: Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko ang Queency dito. Naalala ko pa ang unang pagkikita namin sa mansyon, napakamaldita niya at halos patayin nya na ako noon. Mabuti na lamang talaga at naroroon si Dylan, hindi nya ako pinabayaan! Pero… ano nga ba ang ginagawa niya dito? Nahuli din ba sya ng mga taong nais pumatay sa akin? Nagmamadali siyang ilagay ang sim card sa cellphone na kanyang kinuha sa isa sa mga lalaking napatay niya. Sa tingin ko ay gagamitin nya iyon para makahingi ng tulong. Napabalikwas ako ng tingin sa may pinto, narinig kong tila may mga parating! Mahuhuli nila kami!!! “Mukhang may parating!” ani ko habang nakatitig sa may pasukan ng basement. Napalingon din sya doon at nangunot lalo ang kanyang noo. Sa tingin ko ay nangamba din sya na

