Venice’s Pov: Ramdam ko na pagod na sya. Napakalalim na ng mga sunod-sunod nyang paghinga at bago ko pa man sya pakawalan kanina, mukhang nanggaling na rin sya sa pakikipaglaban. Sigurado kong ilang sandal lang ay hindi na nya kakayanin! Sh*t! Hmn. Prime… Dylan, bakit? Bakit… bakit hindi pa kayo tumatawag? Nung huli ko silang tawagan at hindi sila sumagot ay nagpadala ako ng mensahe, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumatawag?! … Magkasangga ang likuran namin ng Harriet at kahit alam kong nanghihina na sya ay mukhang hindi pa rin sya aatras sa laban. Ibang-iba na sya sa babaeng bahag ang buntot noon at nagtatatago lamang sa likod ni Dylan! Gusto ko na sanang hangaan sya pero kapag naaalala ko kung paano sya sumiksik kay Dylan ay agad na tumataas ang kilay ko.

