Venice's pov: Uhmn… makirot ang ulo ko, at alam kong nawalan ako ng malay. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ngunit nasisilaw ako kaya kunot-noo akong pumikit-pikit upang luminaw ang aking paningin. Pakiramdam ko ay nanaginip ako… masyadong maliwanag at tila mabulaklak ang paligid. Engrande din ang ayos ng lugar at may ilang mga tao ang naroroon na nakabihis ng magagrang damit; sila ay… ilan sa matataas na opisyal ng Ares! Sandali, a-ano ba ang… nangyayari? Mmmn! Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. I'm confused and a bit scared at the same time. The heck! A-am I hallucinating? Or am I… already dead? Naniningkit pa ang aking mga mat amula sa pagkahilo at pananakit ng aking ulo. Hindi pa rin ako sigurado kung anong nangyayari ng mga oras na ‘yon hanggang sa… marinig kong m

