Prime's pov: Marahan akong naglalakad. Ang bawat madaanan ko ay may mga kalalakihang nagmamatyag at lahat sila'y armado ng mga baril. Hindi ko ipinahahalata ngunit nakamasid din ako sa kanila. Napakarami nila! Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko! Hmn! Hindi ko alam kung pinaghandaan ko din sila pero pinag-isipan ko naman ang plano kong ito! Mga… isang beses!? Mukhang okay naman? Ahahah! Si Dylan ang pinapasok ko sa harapan dahil sya ang didiretso sa bulwagan para humarap sa gaganaping kasalan. Si Callix sa likuran na malapit mismo doon upang kung magkaroon ng abirya ay agad nyang matulungan si Dylan, at ako… ako naman ay ang dumaan sa may kaliwang bahagi ng base nila. Nang inaral ko ang blueprint na pinadala ni Venice, nakita kong ang daanan na ito ang pinakakonektado sa m

