~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) "Wala ka bang sasabihin?" malamig na tanong ni Jade. "Don't even look guilty?" He released a sarcastic laugh. Nanatiling nakayuko si Brent habang unti-unting nabuo sa kamao ang mga palad nito. "I've done it," I said. Hinampas ni Brent ng kamao ang mesa. Tumayo ito at agad akong sinugod ng suntok. Bumiling ang mukha ko sa lakas ng suntok nito. "Brent!" Agad tumayo si Russ at kinuha ang balikat nito. Pinahid ko ang dugo sa ibabang labi ko gamit ang likod ng palad ko. Hindi ito nagpaawat at kinuha ang kuhelyo ko. Matalim ang mga matang tumigin ito sa akin. "Ikaw ang pinaka gagong taong nakilala ko! Kaya ba inatake sa puso si Tatay dahil sa kagaguhan mo!? Did you threatened them, huh!?" Nagtangis ang bagang ko. Hindi ko gustong maalala iyon pero kusa iyong pu