~(AIZEN SANTOS POV) Hinatid lang ako nito sa bahay pagkatapos ay umalis na. Hindi ako mapakali. I was worried sa kung anong nagawa ko sa kapatid nito. Baka nag-a-apoy na ito sa galit ngayon. Hindi ko namalayan ang pagdating nito habang nasa kusina ako. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa bathroom nang makaakyat ako ng silid. Sinulyapan ko ang digital clock sa bed-side table. Alas-nueve pa lang ng gabi. Napaaga yata ito ng uwi ngayon? Madalas kasi ay hating gabi na ito kung umuwi. Kasalukuyan kong inaayos ang bed nang lumabas ito ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Dumiretso ito sa closet. Hindi ko makuhang tanggalin ang tingin ko sa malapad na likod nito. Agad rin akong nag-iwas ng tingin nang akmang tatanggalin nito ang tuwalyang nakapalupot sa baywang niya. He really didn't