~(AIZEN SANTOS POV) I woke up late. Hindi ko namalayan ang pagtunog ng cellphone ko. Marami na pa lang missed calls doon from my friends, from mom and dad. Binuksan ko ang mga messages ko na puno ng birthday greeting. Kung hindi dahil sa mga messages na iyon ay baka nakalimutan kong birthday ko pala ngayon. I took a bath at nagbihis bago bumaba ng living room. Sumulyap agad ako sa couch. Ilang linggo ko na itong hindi naabutan doon. I had no idea kung saan ito nagpupunta. I knew I had no right to know. Napansin ko ang puting box na nakalagay sa ibabaw ng center table. May kulay dilaw na note sa ibabaw no'n. Happy birthday, Sweetheart. Wear this tonight - Mom & Dad I opened the box and saw a beautiful teal colored gown. Agad akong napangiti. Sure mom was the one who chose that gown.