~(AIZEN SANTOS POV) Pagdating ko sa bahay ay agad akong niyakap nang mahigpit ni Mom. "Oh god, sweetheart, I missed you..." "I missed you too, Mom," saad ko at niyakap din ito nang mahigpit. "Kumusta ang baby ko? Okay lang ba talaga? Patingin nga?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ang bawat sulok ng mukha ko. "Mom," natatawang tawag ko rito. "Hmm, mukhang malungkot ang baby ko, ah. May problema ba?" She really knew me well. Hindi ko alam kung masyado lang talaga akong transparent or it was because she's my mom that was why she knew everything about me. Pinilit kong ngumiti and shook my head. "Wala po. Napagod lang po ako sa traffic, Mom." "Sigurado ka?" hinaplos niya ang pisngi ko. I slightly nodded. "Okay, tell me about your vacation then," she said and hel