~(AIZEN SANTOS POV) Worth it lahat ng pagod sa pag-akyat ng bundok sa ganda ng view. Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa hiking. I didn't know kung kasama ba talaga iyon sa plano ng mga ito. "Babe, smile ka," ani Brent habang nakatutok sa akin ang camera nito. I just smiled at him. "Ang ganda..." nakangiting anito habang titingnan ang kuha niya. "Isa pa, babe." "Si Russ na lang kuhanan mo ng litrato," natatawang sabi ko rito. Napakamot ito sa likod ng tainga at napabusangot. "Babe, hindi ko nga gusto si Russ." Tinuro ko ang mga mata nito, "Hmm, I can see it in your eyes." He pouted, "Dati pa 'yun." I chuckled, "And until now." Muli itong napakamot sa ulo. "Hays" Napailing na napangiti ako rito. He was really the cutest. Wala sa loob na tumingin ako sa direskyon ni Kier.