bc

I'M LIVING WITH MY ROBOT BOSS

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
kickass heroine
heir/heiress
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Napasok sa isang kumpanya si Pineapple sa tulong ng kanyang kaibigan. Sakto namang ang kanyang buhay ay hindi makulay. Kaya laking pasasalamat niya at nakapasok na din ito sa isang disenteng kumpanya sa dinami- daming hindi magandang ganap sa kanyang buhay na kanyang pinagdaanan. Kaya nangako itong kanyang pagbubutihin ang kanyang trabaho para sa kanyang kinabukasan. Kahit pa ang kanyang boss ay napaka- strikto, walang pakialam, walang pakiramdam at tila hindi napapagod sa lahat ng mga bagay-bagay. Kaya sa tingin niya ay isang robot ang kanilang boss bagay na kanyang kinaiinisan. Subalit ano ang gagawin ni Pineapple kung isang araw ay magising siyang they are living under the one roof? Ano ba ang nangyari at tila kay laki naman ng koneksyon ni Pineapple sa kanyang boss at magkasama pa sila sa iisang bubong? Ano nga ba ang dahilan?

chap-preview
Free preview
C-1: Pagsuko
PINEAPPLE DIMAGIBA Pagod ang aking katawan dahil sa ilang araw na akong overtime bilang saleslady. Gusto ko ng makapag-ipon para makalayas na sa bahay ni Tita Precy. Buong akala ko mapapabuti ako sa pagtira ko doon pero hindi naman pala. Kung gaano kasalimuot ang naging buhay ko sa probinsiya, wala ring pinagbago dito sa Maynila. Puro sakit lang ng aking ulo sa aking pagtira kina Tita Precy. Hindi pa man ako nakakarating sa mismong harapan ng bahay nina Tita Precy napansin ko ng madilim ang buong bahay. Kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at alamin kung ano ang nangyari sa bahay ni Tita Precy. "Diyos ko na mahabagin!" Bulalas ko nang makapasok ako sa loob. Sino bang hindi magugulat sa hitsura sa loob ng bahay. Animo bahay na ng bruha sa dami ng mga kandilang nakasindi. "Tiyang!" Tawag ko. May kumaluskos sa aking likuran kaya agad akong humarap. Nagulat pa ako sa hitsura ni Tita Precy, parang hindi nagsuklay ng ilang linggo. Kung ibang tao lang siguro ang naroon ay pagkakamalang bahay ito ng mangkukulam. "Tiyang naman nakakagulat kayo!" reklamo ko. "At ano naman ang nakakagulat? Nagulat ka dahil maraming kandila? Naputulan tayo ng kuryente, takot si Gracia sa dilim kaya nangutang ako sa tindahan ng kandila." Sagot ng Tiyang na nakapameywang pa. Nagkasalubong ang aking mga kilay. "Papaanong naputulan kayo ng kuryente Tiyang? Hindi ba nagbigay naman ako ng pambayad noong sahod ko? Saan niyo po iyon ginastos?" nagagalit na ako. Hindi agad nakapagsalita si Tiyang. Iniwasan niya ang aking mga mata. "Tiyang?" untag ko, hinihintay ko ang kanyang kasagutan. "Eh...may binayaran ang pinsan mo sa school niya kaya iyon na muna ang ipinambayad ko. Babayaran ko naman sa ngayon magtiis ka muna." Paliwanag ng Tiyang. Napasabunot ako sa aking buhok, pagod na pagod ako pagkatapos ay iyon ang aking madaratnan. Wala sa isipan kong tinanggal ang pantakip ng ulam sa ibabaw ng mesa. Kailangan kong kumain at baka ako ay sumabog mapapagalitan ko talaga si Tiyang. Pero isang pritong isda at isang nilagang itlog ang naroon. Ang kanin tutong na, papaano ako gaganahang kumain? "Tiyang, hindi ba nagbigay din ako ng pang-grocery bakit ito lang po ang ulam?" tanong ko na naman. Nakita ko kung papaano kamutin ni Tiyang ang kanyang ulo. "Naubos na kanina may mga bisita kasing dumating, mga kaibigan ng pinsan mong si Bella." Ang tagal sumagot ni Tiyang. Nabagsak ko tuloy ang aking bag sa ibabaw ng mesa. Huminga ako nang malalim hanggat maaari ayokong bastusin si Tiyang. Pero para namang kalabisan na ang kanilang ginagawa sa akin? "Aba, galit ka pa yata? Nakakalimugan mo bang pamamahay ko ito, Pineapple?" Inis na sabi ni Tiyang sa akin sabay duro pa. Napapikit ako, kung tutuusin parang siya na ang padre de pamilya sa bahay na iyon. Magmula nang makahanap siya ng trabaho tumigil na ang kanyang Tiyang sa pagiging labandera nito. Halos sa kanya na iasa ang lahat ng mga gastusin kung hindi lang mabait ang kanyang Tiyong hindi siya magtitiis doon. "Hindi po ako alkansiya Tiyang," maalumanay kong sabi. "At ano ang pinupunto mo ha? Nagmamalaki ka na ba? Alalahanin mo hindi ka nakahanap ng disenteng trabaho kung hindi ka lumuwas at tumira dito sa amin!" Tungayaw ni Tiyang Percy. "Hindi ko ho nakakalimutan iyon! Pero, sumusobra na kayo!" Napatayo na ako, gigil na gigil na ako sa aking Tiyahin. Nagsilabasan sina Belle, Gracia at Niko, palipat- lipat ang mga tingin ni la sa amin ni Tiyang. Wala pa si Tito Larry dahil palagi ding overtime iyon sa pagiging mekaniko sa isang talyer. "Itong pinsan niyo, porke may trabaho na nagmamalaki na. Ang yabang kung sumagot, para ilang karampot lang naman sa kanyang sahod ang naibibigay niya, puro siya reklamo!" Parang batang nagsusumbong si Tiyang sa kanyang mga anak. "Hindi ho ako nagmamayabang at nagrereklamo pero isipin niyo naman po ako. Pagod ako sa trabaho tapos wala akong ulam, nagbibigay naman po ako ah! Pati pambayad ng kuryente pero naputulan pa rin po tayo!" Sagot ko. This time, hindi na ako magpapa-api at mananahimik. Sumusobra na talaga ang kanyang Tiyahin, talo pa niya ang may maraming binubuhay. "May pinanggamitan nga ng pinsan mo hindi ba? Sinabi ko naman na papalitan ko at magtiyaga muna kahit ngayong gabi lang! Napaka- arte mo din ano? Akala mo kung sino ka," pagtataray ng Tiyang sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Tumingin ako sa aking mga pinsan. "Ate, babayaran ka naman ni Mama deadline na kasi 'yong bayarin ko sa school. At hindi ako makakapag- exam kapag hindi ako nakabayad." Sabi ni Gracia. "Pinsan, mangungutang na lang ako sa may kanto ng lutong ulam para makakain ka na." Wika naman ni Niko. "Papalitan ko 'yong mga naubos na grocery pero sa isang araw na sana kung puwede." Si Bella naman. Napapapikit ako. "Ganyan sana palagi, magpaalam kayo at ng hindi ako nabibigla! Siyempre magagalit talaga ako, tungkol naman sa mga pagkain may matira lang sana na matino sa akon okay na!" Sagot ko. "Kuuuu! Ang sabihin mo nanunumbat ka sa mga ibinibigay mo!" Singhal naman ng Tiyang. "Hindi po ako nanunumbat! Pero sa totoo lang gasgas na ang mga linyahan niyo. Hanggang kailan ako maghihintay ulit na maibalik 'yong pambayad ng kuryente? Mapapalitan kaya talaga ang mga naubos na groceries? Ilang ulit niyo na itong ginawa sa akin?" may hinahakit kong sabi. Hindi nakapagsalita ang tatlo kong pinsan, hindi sila tumingin sa akin. Totoo naman, hindi lang una na nangyari iyon, paulit- ulit na lang nakakasawa. Wala pa akong asawa at mga anak para ko ng pasan ang buong mundo. Parati na lang siyang ginaganon porket mabait na siyang tao. May hangganan din ang pass ko at kabaitan, at nagtapos na sa gabing ito. " 'Di lumabas din ang tunay mong kulay ambisyosa ka!" kapagkuwan ay wika ni Tiyang. "Nakakasawa ho kasi kayo! Kaya ako lumuwas para gumanda naman ang buhay ko imbes na tulungan niyo akong makaahon lalo lamang niyo akong ibinabaon!" Naiyak na ako sa galit. "Eh 'di lumayas ka, hindi ka kawalan!" Walang kaabog- abog na sabi ng Tiyang. "Talaga! Lalayas ako sa impyernong ito!" matapang kong turan at pinuntahan ko ang aking kwarto. Konti lang naman ang mga dala kong gamit at masinop ako hindi burara. Napaghandaan ko na ang araw na ito kaya iisang bitbitan lamang ang aking mga gamit. Ang totoo puwede naman talaga akong mangupuhan pero nahihiya lang talaga ako kay Tiyong. "Mga naipundar kong mga gamit sa inyo na po, at salamat sa pagtanggap sa akin dito." Sabi ko nang makalabas ako mula sa aking kwarto. "Huwag ka ng babalik dito! At sana, umangat ka sa buhay walang utang na loob!" Sigaw ni Tiyang Percy. Sasagot pa sana ako pero pinigil ko ang aking sarili lalo pa't marami ng mga tsismosa sa kanilang paligid. Nagkukumpulan na ang mga tao sa harapan ng bahay nina Tiyang, nakiki-usyoso ang mga naroon. Nahihiya sana akong lumabas kaya lang ay tinibayan ko na ang aking sarili. Walang lingon- likod akong lumabas mula sa bahay nina Tiyang at mabilis akong naglakad papunta sa may kanto. Kung saan madalas akong sumakay ng taxi o Jeep, kung saan madalas akong bumababa galing sa trabaho at maglalakad hanggang sa bahay ni Tiyang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
26.1K
bc

His Obsession

read
100.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
164.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
93.6K
bc

The naive Secretary

read
67.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The President Long Lost Daughter (SSPG)

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook