"Phine?' gulat na bulalas ni Terra sa akin, ang naging kaibigan ko sa pinapasukan kong Department Store sa Mall.
Si Terra ang nakakaintindi lahat ng aking mga pinagdadaanan sa buhay. Siya ang kauna- unahang nagmalasakit sa akin kahit hindi kami magka-ano- ano. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay nagka-palagayang loob na kaming dalawa. Siya ang palaging nagbibigay nang payo sa akin sa tuwing gusto ko ng sumuko sa mga hamon sa aking buhay. Bumaba ang mga mata ni Terra sa hawak kong maleta saka muling tumingin sa akin.
"Naglayas ka?" malungkot niyang tingin.
Marahan akong tumango, nangingilid ang aking mga luha pero pinipigilan kong umagos ang mga iyon.
"Pasok ka! Pasensya ka na sa bahay namin ah," mabilis na turan ni Terra sa akin.
"Salamat!" Nahihiyang sagot ko at pumasok na kami.
Sa sala ay naroon ang asawa ni Terra at ang dalawa niyang anak. Kapwa nag-aaral na ang mga anak ni Terra habang ang kanyang asawa ay janitor sa isang sikat na kumpanya.
"Mahal, dito muna si Phine ha? Naglayas siya sa kanila, alam mo na ang dahilan dahil kinukwento ko naman sa'yo kung anong kalagayan niya sa kanyang Tiyahin." Paliwanag ni Terra sa kanyang asawa na si Jude.
Kimi akong ngumiti kay Jude, mapalad ang kanyang kaibigan dahil mabait ang asawa nito.
"Oo naman! Kaya lang pagtiyagaan niya ang atinh bahay masikip." Agad na pumayag si Jude.
"Ano ba kayo, sanay ako sa hirap. Mas masikip pa ang aming bahay sa probinsiya at sa bahay ng Tita ko diyan sa Pasay." Sabi ko.
"Maupo ka. Sabi ko naman kasi sa'yo mangupahan ka na para makahinga ka nang maluwag!" Kapagkuwan ay turan ni Terra sa akin.
Inakay naman ni Jude ang dalawang anak nila ni Terra sa kanilang kwarto.
"Ang akala ko kasi mas makakatipid ako kung sa kanila ako tutuloy. Saka alam mo naman bago lang ako dito sa Maynila," sagot ko.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Terra sa akin.
Bumuntonghininga ako.
"Hahanap ako ng mauupahan malapit sa Mall na pinagta-trabahuhan natin. Ayoko namang maging pabigat ako sa inyo ni Jude!" Ani ko.
Ngumiti si Terra sa akin.
"Okay lang na dito ka tumira sa bahay ko, magtiisan lang tayo kung ano ang mayroon. Alam mo naman, magastos ang buhay dito sa Manila. Lahat nabibili walang libre, pero ikaw libre kang tumira dito sa akin." Nakangiting wika ni Terra.
Sinuklian ko ng isang matamis na ngiti ang sinabi ni Terra sa akin.
"Gusto ko sana kaya lang alam kong kailangan niyo rin ng privacy ng asawa mo. Kaya mangungupahan na lamang ako," paliwanag ko sa kanya.
"Kung 'yan ang gusto mo wala akong magagawa. Basta masaya ako at umalis ka sa piling ng mga ganid mong kamag-anak. Kumain ka na ba?" Masayang tugon ni Terra.
Kimi akong umiling. Alam naman ni Terra n ma diretso akong overtime sa aming trabaho.
"Halika na at kumain may tira pa kami nina Jude kanina. Pagkatapos mag-shower ka na at magpahinga." Yakag sa akin ni Terra.
Halos maluha ako sa kabaitan sa akin ni Terra at habang buhay akong tatanaw sa kanya ng loob. Maayos ko lang ang buhay ko, babawi ako kay Terra.
"Maraming salamat!" Garalgal ang aking boses.
Niyakap ako ni Terra at tinapik ang aking likod. Kapagkuwan ay isinama na niya ako sa kanilang kusina. Hindi niya ako iniwan habang kumakain ako. Panay pa rin ang kwentuhan namin na para bang hindi kami nagkita ng ilang araw. Samantalang araw-araw naman kaming magkasama at magka-usap sa aming trabaho. Pagkatapos kong kumain ay nag-shower muna ako bago nahiga. Sa kwarto ng mga bata ako pinatulog ni Terra, agad akong nakadama ng antok paglapat lamang ng aking likod sa kama. Unang gabi na matiwasay ang aking paligid at tahimik. At unang gabi ring panatag ang aking puso at isipan. Kaya nakakatiyak akong magiging mahimbing ang aking tulog sa gabing iyon.
Kinabukasan.
Maaga kaming nagising ni Terra. Naunang pumasok si Jude at ang mga bata bago kami pumasok ni Terra sa Mall. Tinulungan ko pa si Terra na maglinis at magligpit sa kanilang bahay. Saktong bukas na ang Mall ng makarating kami ni Terra sa Mall kaya dumiretso na kami sa aming department.
"Pineapple?" Tawag ng aming boss.
Nagtaka ako at seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Dati-rati ay nakangiti palagi sa kanya at nakikipag-biruan.
"Bakit po, Mrs. Guzman?" Agad na tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
"Nagpunta dito kanina ang Tita mo. Nag-report na naglayas ka at nagnakaw ka raw sa kanila." Diretsong sabi ng aming Boss.
Napaawang ang aking labi. Hndi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Siya na nga ang naagribiyado siya pa ang pinagmukhang masama. Kilala ni Mrs. Guzman ang kanyang Tita dahil sila ang nagpasok sa kanya doon. Kaya hindi na ako magtataka kung maa paniniwalaan ni Mrs. Guzman ang kanyang Tiyang Percy.
"Ako ho ang magpapatunay na hindi totoo ang sinabi ng kanyang Tita, Ma'am!" Biglang sulpot si Terra sa aking likuran.
"Papaano niyo ako mapapaniwala? Matagal ko ng kakilala sina Percy, bago lang si Pineapple dito. Saka, malamang magkaiba kayo alangan namang ipagkakanulo mo siya!" Mataray na sagot ni Mrs. Guzman.
"Totoo po ang sinabi ko! Kahit tanungin po natin ang aking asawa." Pagpupumilit ni Terra.
"At idadamay mo pa ang iyong asawa para lang mapagtakpan itong si Pineapple? Sorry, I won't buy your excuses this time. Kayong dalawa versus sa mag-iina?" Sabi pa ni Mrs. Guzman.
Nanlumo ako pero hindi ko iyon ipinahalata kay Terra .
"Mukha pong kahit anong paliwanag ko ay hindi niyo ako paniniwalaan. Ano po ba ang pasya niyo tungkol sa paratang sa akin ng Tiyang Percy?" Sa wakas ay nakasagot ako.
Gusto ko na kasing matapos ang sagutang iyon dahil pinagtitinginan na kami. At ayokong malagay sa alanganing sitwasyon si Terra ng dahil sa akin. Kaya mas mabuti ng tanungin ko na kung ano ang magiging parusa ko.
"Hindi kami kumupkop ng magnanakaw. Ayaw ng ating big boss ang ganoon. Kaya I'm sorry Pineapple, tanggal ka na sa iyong trabaho. Maaari mo ng kunin ang mga nalalabi mo pang sahod sa buwang ito." Taas noong sabi ni Mrs.Guzman.
Napakurap-kurap ako.
"Pero Maam!" Giit ni Terra.
Hinawakan ko si Terra sa kanyang braso at umiling ako.
"Huwag na hindi rin tayo pakikinggan," malungkot kong sabi.
Nanlumo si Terra at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Okay lang ako, tanggap ko. Sila ang nagpasok sa akin dito kaya may karapatan silang tanggalin ako." Dagdag ko pa at nagtungo na ako sa cashier.
Pina- kwenta ko lahat ng mga araw na nagtrabaho ako including my overtime. Medyo malaki - laki naman ang aking nakuha bukod kasi sa work ko may sideline din ako through online. Ibinigay ko ang aking id at iba pang dapat ibalik sa management. Hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon sa mga katrabaho namin maging sa harapan ni Mrs. Guzman. Ipinakita kong hindi ako guilty, na hindi ako iiyak sa aking pagkakatanggal sa akin on the spot.
"Phine!" Tawag sa akin ni Terra nang akmang aalis na ako.
Huminto ako at nginitian ko siya nang lumingon ako.
"Doon ka lang sa bahay ah! Hintayin mo ako at half day lang ako ngayon para madamayan kita." Aniya.
Hinawakan ko ang kamay ni Terra at muli ko siyang nginitian.
"Okay lang ako huwag ka ng mag-half day sayang. Gugulin ko na lang ang aking oras sa paghahanap ng bagong trabaho habang wala ka. Magkita na lang tayo mamayang hapon," pagpapanatag ko sa kanya.
"Sure ka?" Naiiyak na si Terra.
"Sure ako! Sige na, bumalik ka na doon at baka tanggalin ka pa kagaya sa akin!" Giit ko.
Bago bumalik si Terra sa loob ay yumakap muna siya akin. Doon ako naiiyak pero pinigilan ko pa rin. Kinawayan ko na lamang siya nang tuluyan na akong umalis sa Mall. Sumakay ako ng jeep, hindi ko alam kung saan ako pansamantalang pupunta. Gulong- gulo ako at galit na galit kina Tiyang Percy. Kung hindi lang kasalanan ang mang-away at sumakal ng isang tao ay kanina ko pa sana ginawa. Hindi ko namalayan na sa simbahan ako dinala ng aking mga paa. Pagkapasok ko sa loob ay noon lang ako nakadama ng panghihina. Unti -unti akong naupos at napaluhod habang nakatingin sa altar. Yumugyog ang aking mga balikat, bumalong ang aking mga luha at nag-unahang naglandas sa aking mga pisngi. Ang iyak ko ay napalitan ng hikbi hanggang sa napahagulhol ako. Ang dami kong gustong sabihin kay Lord pero nanatili lamang ang mga iyon sa aking dibdib. Ang tanging nagawa ko ay umiyak nang umiyak para maibsan ang bigat ng aking nararamdaman. Magmula bata ako, danas ko na ang sobrang hirap hanggang lumaki ako. Akala ko manhid na ako pero hindi pa pala, may luha pa pala akong mailalabas at may iyak pa pala akong magagawa. Pero, iisa lang naman ang lagi kong hinihiling ang bumuti na sana ang tahak ng aking buhay.