Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Napainat ako sabay umusal ng dasal para sa araq na iyon.
"Laban lang Phine!" Malakas na sabi ko sa aking sarili.
Unang araw, unang gabi ko sa boarding house na nakuha ko. Mabait si Manang Lily na landlady mabuti na lang at siya ang nahanap kong may-ari maski medyo maingay ang aking mga kapit-bahay. At pangalawang araw ko na din bilang janitress sa aking pinapasukan. So far naman ay hindi ko pa nakita ang aming boss at ang masungit daw na assuming girlfriend nito.
Mabilis na akong kumilos ayokong ma-late sa aking trabaho nakakahiya kay Jude na nagpasok sa akin. Naglaga lang ako ng dalawang itlog saka pinalamanan ang aking bread plus isang basong kape. Egg lover ako, hindi ko iyon ipagpapalit sa iba pang pagkain dahil maraming benefits ito sa katawan. Saka, iyon ang nakamulatan kong palaging inuulam sa probinsiya bukod pa sa mga gulay naming pananim. Kung hindi siguro ako nagsawa pag-uugali mayroon ang aking Ina ay hindi pa ako mapupunta dito sa Manila. Pagkatapos kong kumain ay naligo na din ako nang mabilisan . Pumara ng jeep at sumakay na para hindi ako ma-late sa aking trabaho.
"Makati po," sabi ko sa tsuper sabay abot sa aking pamasahe.
Hindi ako sinagot ng tsuper sige lang ito sa pagmamaneho. Napaka- ingay ng Manila nakakabingi, masakit sa tainga at ilong. Polluted na kasi masyado pero sa mga taga ibang probinsiya na katulad ko, ang Maynila ay puno ng pag- asa. Maging matatag ka lang at masipag ay tiyak may maganda kang kalalagyan sa pusod ng siyudad.
"Good morning, Jake!" Bati ko sa reception area kung saan ako mag- time in at pirma sa log book.
"Good morning Miss beautiful!" Agad na ngumiti sa akin si Jake.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Wala akong piso, Jake!" Ani ko.
Mas lalong natawa ang binata sa akin. Nakaplagayang loob ko agad sina Jake at Bella na nasa reception area. Mabait kasi silang dalawa ramdam ko kaagad iyon unang kira kita ko pa lang sa kanila. Saka, narinig ko kasi ang usapan nila noong isang araw parang magkaka- parehas lang din kami. Pilit nagsu- survive dito sa pusod ng Maynila.
"Kailan mo ba tatanggapin na maganda ka?" Tanong naman niya sa akin.
"Kapag mayaman na ako," biro ko naman.
"Uy, kapag mayaman ka na huwag mo akong kakalimutan ah!" Turan naman niya.
"Matagal pang mangyayari Jake!" Tawa ko at tuluyan na akong nagpaalam para makapunta na sa aking locker room.
Agad akong nagpalit ng aking uniform bilang isang janitress. Pinusod ko lang ang aking buhok at isinuot ang aking puting sumbrero na katerno ng pink kong uniform.
"Darating daw si boss ngayon galing sa business trip niya. Ang balita ko hindi pa iyon umuuwi sa kanyang bahay dito na siya dumiretso." Narinig kong sabi ng isa sa aking kaparehas na janitress bale dalawa silang nag-uusap habang nagbibihis ang mga ito.
"Grabe! Hindi ba siya napapagod? Hindi ba siya natutulog? Tao ba siya o robot?" Sagot naman ng isa.
Lihim naman akong natawa sa usapan ng dalawa kong kasama. Wala naman yatang boss na robot napaka- impossible naman. Sakaz impossible naman na hindi natulog ang kanilang boss sa buo nitong biyahe para dumiretso dito.
"Uy, girl!" Tawag sa akin ng isa.
Lumapit ako sa dalawa. "Bakit?"
"Makikita mo na ang boss natin at si Maam Irish na masungit." Sabi pa ng isa.
Ngumiti naman ako.
"Mabuti naman para makita ko na ang kanilang mga mukha." Tapat kong sagot.
Totoo kasi iyon, para naman aware ako kapag nakita ko sila sa labas. Baka nakakasalamuha ko na pala sila ay hindi ko pa alam.
"Mag- iingat ka, huwag na huwag kang mahuhulog sa guwapo nating boss! At huwag na huwag kang magpapahuli kay ma'am Irish na tinitingnan mo si boss!" Saad naman ng isa.
"Huwag kayong mag- aalaala nasabi na akin 'yan. Mahal ko ang aking trabaho kaya hinding- hindi ko gagawin ang mga sinasabi niyo." Pagpapakalma ko sa kanila.
Tumango naman ang dalawa pagkatapos ay iniwan ko na sila upang simulan ang aking trabaho sa araw na iyon. Sa ground floor muna ako nagsimulang maglinis, nakita ko na si Jude pero umakyat sila sa second floor. Kami namang iba ay dito muna sa ground floor maglinis bago umakyat sa ibang floor.
"Magpila na nariyan na si boss!" May nagsabi.
Napalinga-linga ako, mula sa hindi kalayuan ay nakita ko ang kumpol ng tao na dumarating. Napakunot-noo ako, ganoon ba talaga karami ang sumusunod sa aming boss?
"Maligayang pagdating Sir Zaijan!" Magkakasabay na sabi ng lahat sabay yuko maliban sa akin.
At parang bumagal ang kilos mg lahat na nasa paligid. Nasilayan ko ang mukha ng kinakatakutan naming boss. Yes, napaka- guwapo niya na para bang isa itong sikat na celebrity, attractive at higit sa lahat kapansin- pansin ang mga mata niyang tila nangungusap. Nagkasalubong ang mata namin, biglang kabog ang aking dibdib na hindi ko mawari. Subalit iisa lang ang tumatak sa aking isipan bago ako nagmadaling yumukod. Biglang nawala ang tila nakadagan sa dibdib ko, gumaan ito na para bang nag- dahilan lamang. Nararamdaman ko na ito simula pa nang bata ako na madalas akong hingalin subalit wala naman akong sakit sa puso ayon sa Doktor na tumingin sa akin.
"Wheww! Grabe ang intense ng pagdaan ni boss!" Narinig kong sinabi ng iba.
Napasulyap pa ako sa likuran ng convoy ng aming boss. Bahagya lang akong ngumiti saka ko na ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Nakita mo na si boss?" Maya-maya pa'y tanong sa akin ni Jude nang makalapit ito sa aking kinaroroonan.
Tumango lang ako.
"Anong masasabi mo sa mukha niya?" Tanong pa rin ni Jude.
"Hindi ko sure, ang bilis niya kasing dumaan!" Kibit-balikat kong sagot.
Tumawa naman si Jude sabay tapik sa aking balikat.
"Mabuti naman! Nag- aalala ako at baka nabighani ka na sa kanyang angking kaguwapuhan." Tudyo niya sa akin.
Tumawa din ako at napaunat.
"Sabi ko naman sa'yo mas mahalaga ang mga pangarap ko." Sabi ko.
"Mabuti kung ganoon! Magli- leave ako ng one week kasi uuwi kami ni Terra at mga bata sa lugar namin. Pinapatanong niya kung gusto mong sumama," pang- iiba ni Jude sa aming usapan.
Napaisip ako, bago pa lang ako sa aking trabaho. Kung hindi ako papasok ng ganoon katagal baka tanggalin ako sa kumpanya. Mahirap pa naman ngayon ang maghanap ng mabuti- buting trabaho hindi bale kay Jude at matagal na siya sa kumpanya.
"Gusto ko sana kaya lang bago lang ako dito baka tanggalin nila ako mahirap na." Sagot ko, honestly.
"Iyan din ang sinabi ko kay Terra eh!" Sabi sa akin ni Jude.
"Pakisabi sa ibang pagkakataon na lang at mag- iingat kayo sa inyong biyahe salamat!" Tugon ko.
Tumango-tango naman si Jude kinalaunan ay nagkahiwalay na din kami para maglinis sa iba pang floor. Sayang ang pagkakataon na makapasyal siya sa ibang lugar subalit mas mahalaga sa akin ngayon ang aking trabaho. Naipangako ko sa aking sarili na pagbubutihin ko itong trabaho ko para sa aking mga pangarap sa buhay. At para matulungan ko din ang aking mga kapatid na naiwan ko sa poder ni Lola dahil wala namang kwenta ang naging mga magulang namin. Pero sa kabila no'n ay nagpapasalamat pa din ako sa kanila dahil isinilang nila ako sa mundong ibabaw.