Kabanata 101 Bigla siyang binuhat ni Laurenzo at dinala siya nito sa kuwarto nito. "Lay down. Take a rest. I will call my private doctor," anito. Pinigilan niya si Laurenzo. "Huwag na. Uminom naman na ako ng gamot kanina. Baka pahinga lang ang kulang ko saka—" bigla siyang napatigil. Bigla kasing umikot ang paningin niya. "Lucia? Are you alright? Tell me, what's wrong? Are you feeling dizzy?" "Ayos lang ako. Nahilo lang ako ng konti pero—" biglang nag-black out ang paningin niya at wala na siyang maalala pagkatapos. "LUCIA! Damn it!" Mabilis niyang binuhat si Lucia at inilabas ng kuwarto niya. Sakto namang pumasok muli si Jigs. "Hey, what happened?" "She fainted! Call the doctor! Faster!" Agad din naman na tumalima si Jigs at tinawagan ang kanyang private doctor. Inihiga n