Kabanata 106 "Huwag mo na intindihin iyon Merna. Mawawala lang tayo sa mood niyan," aniya pa. Bumalik naman na ang iyong sales lady at dala na nito ang two piece bikini na gusto ni Merna. Kinuha niya ito at inilagay sa cart niya. Pagkatapos niyon ay gumala pa sila ni Merna. Hanggang sa mapagod ang mga paa nila sa kakalakad kaya naisipan na nilang magbayad na sa cashier. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman sila sa isang fast food chain para bumili ng pagkain. Sa food court na rin sila kumain na dalawa. "Bakit hindi mo kasama si Jefferson ngayon?" biglang tanong ni Merna. "Nandiyan lang iyan sa tabi. Bakit? Gusto mo ba siyang makita?" "Oo sana pero baka ayaw niya. Saka duty hour pa niya ngayon, 'di ba?" "Seven in the evening naman na. Puwede na iyon. Papayag na iyon. Teka, tawag