Kabanata 105 "Ikaw naman Lucia, ang negative mo masiyado. Hindi ka hahayaan niyon na mag-isa. Patay na patay sa iyo iyon e." Natawa naman siya sabay iling ng kanyang ulo. "Kahit pa patay na patay pa ang isang tao sa iyo Merna, kung may sekreto man itong tinatago. Hinding-hindi iyan magsasalita." "Ang lalim ng hugot natin, ah? Bakit? May sekreto bang tinatago si sir Laurenzo sa iyo?" "Hindi ko alam. Just my gut feeling." "Ay sus, minsan nagkakamali rin ang intuition nating mga babae Lucia. Hindi sa ipinagtatanggol ko si sir Laurenzo, ha? Pero ang hirap kasing husgahan niyong tao. Parang hindi makabasag pinggan e." "Kahit na sa itsura mo pa pagbasehan?" Agad naman na tumango si Merna. "Hindi kaya, nagkakaganyan ka ngayon kasi gusto mo talagang malaman kung may itinatago ba siya