Kabanata 142 NAALIMPUNGATAN siya nang maramdaman niyang may yumapos sa kanyang tiyan. Talagang nasa loob ito ng kanyang damit. Bahagya siyang napakislot nang tumaas pa sa paggapang ang kamay nito at parang ang dibdib niya na ang gusto nitong hawakan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Mainit kasi ang palad nito at aminado siyang gusto niya ang nararamdaman niya. She feel warm. Binalingan niya si Renzo at ganoon na lang ang gulat niya nang salubungin siya nito ng mainit na halik sa kanyang mga labi. Hindi siya nagprotesta. Bakit niya gagawin? It was still him, Laurenzo or Renzo. Basta ang importante ay ito pa rin ang may karapatang galawin siya. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito. Tumugon siya sa mga halik at yapos nito sa kanya. Ewan ba kung dahil sa ispiritu ba ito ng alak