Kabanata 141 Lumapit naman agad si Jefferson sa kanila. Nagulat naman siya dahil agad niyang napansin ang iba pang mga bodyguards niya. Nakapalibot ang mga ito sa kanila. Nang sumenyas si Jefferson na walang threat na nangyayari ay agad din naman na nagsibalik ang mga ito sa kanilang puwesto. "Talagang lagi silang nakasunod sa akin?" aniya pa. "Of course, it's for your own safety," sagot naman ni Renzo. "Sir? Do you need something?" tanong ni Jefferson nang nasa harapan na nila ito. Partida pa, nasa gitna pa sila ng dance floor at marami pang taong nakapalibot sa kanila na sumasayaw. "Eye on Merna, your girlfriend. Someone may hit on her. I'm gonna take Lucia, so inform the men to stay where they are," utos ni Renzo. Mabilis naman na tumango si Jefferson. Kinabig na siya ni Renzo