Pinagpasalamat niyang sa natitirang araw nila ng asawa sa isla ay wala nang Irene na bigla na lang sumusulpot kung saan. Baka natakot na sa kanya, dahil sa ginawa niya rito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Liam, higit pa sa sabunot ang gagawin niya sa higad na yon na wala nang ginawa kundi habulin si Liam, at ipagmalaking ito ang nakauna kay Liam. Bata pa naman si Liam noon kaya walang kwenta ang bagay na yon para rito. Sabi nga nito, parte lang ng kabataan nito ang ano mang namagitan sa kanila ni Irene. Kung baga, sinamantala lang ni Irene ang pagiging atat at mapusok ni Liam noong mga panahon na yon. Simula ngayon, hindi na niya iisipin ang ano mang namagitan sa asawa at sa higad na yon. Nakakasiguro naman siyang mahal siya ng asawa. At nagmamahalan sila nito. "Happy?" tanong

